KABANAATA 2

518 21 0
                                    

Seth's POV

Malambing si Olga kahit medyo wirdo siya tahimik lamang kami habang nasa loob ng Elevator para siyang bata na sige ang ngiti sa repleksyon namin sa salamin kaya napapangiti na rin lang ako.

Bumukas ang pinto ng Elevator sa Fifth floor naging tense na naman si Olga lalo nang lumabas na kami sige na naman ang lingon niya na para bang may tinataguan siyang kung ano.

"Okay ka lang ba? Kanina lang natutuwa ka ngayon naman parang takot na takot ka may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" tanong ko habang kinukuha ang Keycard sa bulsa ng pants ko.

Umiling lang si Olga saka muling kumapit sa laylayan ng suot kong t-shirt.

"O yan bukas na. Pasok ka na po." nakangiti kong sambit.

Tumango lamang siya saka marahang naglakad papasok ng Unit ko. Nagderederetso ako sa couch at nilapag doon ang dala kong Bag.

"Nga pala isa lang ang kwarto dito sa Unit ko kaya ikaw na lang ang gagamit non at ako dito na lang muna ako sa couch medyo malambot naman ito e kaya makakatulog pa rin ako ng maayos."

Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Olga saka siya nagsulat sa hawak niyang Notebook at iniangat iyon para mabasa ko.

'Sabi ni Lolo hindi mo ko iiwan e saka tatabihan mo ko sa pagtulog. Sethorino yokong matulog mag-isa natatakot kasi ako.'

Napatitig ako sa mukha niya para na kasi siyang iiyak kaya tumayo ako at binuhat ang bag.

"Okay. Sige magtatabi na tayo sa pagtulog wag ka ng umiyak." umaliwalas muli ang mukha ni Olga atsunod sunod na tumango.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. "O dito tayo matutulog mamaya ummm magshower ka muna para mapreskuhan ka pagkatapos mo saka ako maliligo. Tapos matutulog na tayo. Okay na ba yon sayo?"

Tumango lang si Olga saka niya binuksan ang bag at kumuha doon ng mga pamalit niyang damit. Tahimik lang siyang nagtungo sa banyo.

Kinuha ko ang bag at tiningnan ang laman nun tatlong pares lang ng damit ang dala-dala ni Olga. Bakit tatlo lang sa yaman niyang yon ito lang ang mga damit niya?

Isasara ko na sana ang bag niya nang may napansin akong isang Leather Notebook... matagal ko iyong tinitigan bago ko iyon kinuha tutal sabi naman ni Don Manuel kung may gusto daw akong malaman tungkol sa Apo niya ay basahin ko na lang daw ang Journal.

Sinipat ko muna ang pinto ng banyo... sarado pa ibig sabihin naliligo pa din si Olga. Nagtungo ako sa Sala saka pasalampak na umupo sa couch. Wow sarap sa pakiramdam! Umayos at sinimulan ko nang buksan ang hawak kong Journal. May nahulog na Family picture mula dito... dinampot ko iyon- si Olga ang bata pa niya dito tinalikod ko ang larawan may nakasulat sa likod nito. Happy Fifteenth Birthday Olga. Kung ganon Fifteen lang siya sa picture na ito.

Inilapag ko muna iyon sa Center table saka ko nilipat ang unang pahina.

Sa mapapangasawa ng Apo ko...

Sana ingatan mo si Olga. Ayos lang sa akin kung hindi mo siya kayang mahalin dahil sa kalagayan niya. Sapat na ang ingatan mo siya.Nag-iisa lang si Olga. Kapag namayapa na ako wala ng magtatanggol sa Apo ko. Kung binabasa mo man ito ibig sabihin Ikaw ang pinili kong maging katuwang niya hanggang pagtanda.

Mabait na bata si Olga. Wala siyang sakit. Nagkataon lang na natrauma siya sa mga nangyari.

Gabi noon at himbing na silang natutulog nang pasukin ang bahay bakasyunan nila sa probinsya. Hindi naman sila pinagnakawan.... pero kinuha ng taong yon ang buhay ng mga magulang ni Olga.

Nakita nang Apo ko kung paano nila lasl@sin ang leeg ng kanyang mga magulang at ang pinakamasakit at hindi ko kayang tanggapin ay nang pagsam*nt@lahan ng taong yon ang aking Apo. Sabi ni Olga humihinge daw siya nang tulong pero walang dumating. Habang kinukuha ng taong yon ang kainosentehan ng Apo ko ay kitang-kita niya kung paano nawalan ng hininga ang mga magulang niya.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon