Magkahawak kamay kami ni Olga habang naglalakad papuntang dalampasigan. May dala ako flashlight medyo mabato kasi ang daan papunta doon. Di bale ipapasemento ko ang Daan papunta sa Bahay namin para Hindi mahirapan si Olga. Paminsan minsan ko din siyang binubuhat Kasi talagang mabato at medyo madulas din ng konte.
"Wow!!!". usal ni Olga nang marating namin ang dalampasigan. Pinatay ko ang flashlight. Maliwanag naman kasi... itinakip ko sa ulo ni Olga ang hood ng suot niyang jacket.
"Malamig na banda dito. Kasi dagat na wala ng mga Puno na humaharang sa hangin. Ang ganda pagmasdan ng Wanda's Resort diba."
Tumango si Olga. Magkahawak kamay kaming naglakad lakad. May nakita akong Kabibe pinulot ko iyon.
"Maganda ba?" tanong ko.
"Oo Lucho." nakangiti si Olga.
Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ng nag-iisang babaeng minahal ko ng buong Buhay ko. Sigurado akong hahanap hanapin ko ang mukhang ito kapag iniwan niya na ako para bumalik kay Sethorino.
"Olga." bulong ko sa pangalan niya.
"Hmph?" nakangiting sagot nito. Hinawakan ko ng mga kamay ko ang maamo niyang mukha. Napaka-inosente ni Olga. Naalala ko yung gabing inangkin ko siya napakabata pa niya. Akala ko magbubunga pero hindi. Simula non hindi ko na inalis ang pansin ko sa kanya. Ang mga iyak niya ang laging gumigising sa akin sa tuwing himbing na ako sa pagkakatulog. Ang mukhang ito na minahal ko ng halos limang taon.
Bahagya kong nilaro laro ang mga hintuturo ko sa makinis niyang pisnge. "Olga... Tandaan mo lage na mahal kita. Kapag dumating ang araw na maghihiwalay tayo... sana wag mo akong kalimutan... kasi Ikaw hindi ko kayang kalimutan ka. Mahal kita. Mahal na mahal. Sana dumating yung araw na mapatawad mo ako sa mga ginawa ko kahit na alam kong hindi dadating ang araw na yon. Diba. Naulila ka dahil sa akin. Lahat ninakaw ko sayo. Pero dati yon noong hindi ko pa kayang baliin ang mga salita ni Dad... Ngayon pangako poprotektahan na kita. Hindi na ko papayag pa na masaktan ka pa ng kahit na sino."
Pumikit pikit si Olga saka niya hinawakan ang mga kamay ko. Saka tumango.
"Salamat Olga." saka ko siya masuyong hinagkan sa noo. "Dito ka lang sa Isla natin please..."
Tumango uli siya. Ang saya ko sa sagot ni Olga. "Oo Lucho."
Nayakap ko siya nang mahigpit. Sige lang ang tawa niya. Tinapik nito ang braso ko.
"Naku! Sorry! Sorry! Napahigpit ang yakap ko." habang sinusuri ko kung may masakit ba sa kanya.
"Wa-wa-lang masakit. U-uwe na ta---yo."
Inakbayan ko si Olga habang nakaangkla naman sa bewang ko ang braso niya.
"SO HINDI MO PA din nakikita si Olga?" tanong ni Kuya Santiago.
Umiling ako habang hawak ko ang isang bote ng Beer. Simula ng nawala si Olga hindi na ako mahilig pang maglabas labas sa mga Night Clubs. Dito na lamang ako sa Condo ko umiinom.
"Kasalanan ko talaga to Kuya. Kung hindi ko siya iniwan nang gabing yon para lang bumili ng Beer dahil hindi ko tanggap na tinanggihan niya ako o di sana walang ganito at andito pa si Olga! Ni hindi ko alam kung sino ba talaga ang kumuha sa kanya!"
"Mahirap nga yan. Wala din Balita sa mga inutusan ko. Kung sinuman Yung kumuha kay Olga... magaling siyang magtago----"
Napasabunot ako sa buhok ko. "Kuya Buti sana kung itinatago nga lang siya pano kung pinatay na siya pagkatapos nilang magawa yung mga gusto nila at-----" tinapik ako ni Kuya Santiago.
"Don't over think Seth. Abogado tayo kaya dapat mahinahon tayo sa lahat ng oras diba."
Pabagsak kong nilapag sa mesa ang hawak kong Beer. "Kuya madali lang sabihin kasi hindi Ikaw... Kung baga Hindi sayo nangyari."
"May tama ka naman Seth. Aminin mo nga. Totoo ba yung proposal mo nung gabing yon?"
Tumango ako. "Oo Kuya. Kaya hindi ko kaya ang mga nangyayari ngayon. Tinamaan ako kay Olga. Sapul na sapol ako."
Tumawa si Kuya Santiago. "Well that's love. Talagang masakit at iiyak ka pero sana naman wag kang mawalan ng pag-asa... kung si Lucho man ang kumuha kay Olga tiyak akong hindi niya magagawang saktan na lang ito."
"Hindi ko na alam Kuya. Basta gusto ko na siyang makita. Pano kung natatakot siya ngayon?"
"Seth. Don't stress your self. Mag-isip ka ng Tama. Ginagawa namin lahat para makita siya. Okay."
Tumango tango lamang ako.
"GOOD NIGHT OLGA." hinagkan ko siya sa pisnge saka ko siya kinabig para sa isang mahigpit na yakap. Narinig ko pa siyang tumawa ng konte.
"Go--od n-na-night Lucho."
Umikot si Olga paharap sa akin. Nilagay niya ang dalawa niyang maliliit na kamay sa dibdib ko. Maya maya pa ay dinig ko na ang malalim na paghinga nito. Hinagkan ko ito sa noo bago ako tuluyang pumikit.
Nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at binasa ang text ni Dad.
Dad : (received)
Wag na wag mong kalimutan ang plano natin. Kung ayaw mong ako ang gumawa non.Nagsalubong ang mga kilay ko. Saka ko inihagis sa bedside table ang cellphone ko.
"Sorry Dad pero nag-iba na ang Plano ko. I will keep Olga." bulong ko. Habang nakatitig dito. Kinabig ko ito palapit sa akin. Mahina siyang umungol saka nagsumiksik sa dibdib ko.
"LUCHO! LUCHO!" sigaw ni Olga ng makita ang mga Baboy na ibinaba ng mga tauhan ko dalawang pares yon para madaling dumami. Tuwang tuwa si Olga sa mga Baboy. Nilapitan niya ito saka pinagpipisil ang mga pisnge sabay tawag sa pangalan ko.
Tawa kami ng tawa kay Olga. Priceless Ang moment na ito. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha niya habang pinapasok na namin ang mga Baboy sa ginawa kong kulungan Ganon din ang mga Manok pero mastuwang tuwa siya sa mga Baboy sabagay cute naman talaga sila lahat.
Umalis din naman agad ang mga tauhan ko. Pinaiwanan ko na lamang ang Isang Speed boat. Ramdam ko naman na hindi ako tatakasan ni Olga.
"Lucho yu---yung Baboy umi--iyak!" natawa ako kasi alalang alala ito sa kalagayan ng mga Baboy namin
"Hindi sila umiiyak. Talagang nag-iingay sila nang ganyan para malaman ng ibang hayop na andito sila." pero ang totoo inbento ko lang naman yon. Hindi ko din kasi alam kung bakit ganun sila.
Naging abala na kaming dalawa sa maghapong yon kakadilig at kaka pakain sa mga Manok at sa Baboy. Kahit papano nawawala sa isip namin pareho ang sitwasyon. Wow sana magtagal itong Mundong binubuo naming dalawa ni Olga. Yung tipong wala na sanang katapusan. Ito lang naman talaga ang pangarap kong Buhay dahil ganito din ang kinalakihan ko kasama ang Mama ko.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...