Mabilis na lumipas ang maghapon. Nagdilig uli kami ni Olga ng mga tanim namin namin. Gaya kanina tuwang tuwa siya. Sinuli ko na ang mga ginamit naming pangdilig.
"Halika pasyal muna tayo." aya ko kay Olga.
Pumasok sa loob ng Bahay si Olga saka muling lumabas. May dala na siyang plastik na may lamang dalawang bote ng tubig at saka Isang balot ng Toasted bread. Natawa na lamang ako. Hinawakan ko ang kamay niya ng makalapit na siya sa akin. Akala ko tatanggalin niya ang pagkakahawak ng kamay ko. Pero sa halip ay humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Napangiti ako.
Kung ito man ang Tadhana ko tatanggapin ko na lang. Sigurado naman akong wala ng magbibigay sa akin nang pagpapahalagang gaya ng pinapakita ni Lucho. Hindi ko din maiaalis na siya ang pumatay sa magulang ko pero ramdam kong masaalagaan niya ako kumpara Kay Sethorino... Lage niya akong iniiwan. Kung hindi niya ako iniwan siguro wala ako ngayon dito sa halip asa siyaudad ako kasama nila. Kaso sa pangalawang pagkakataon iniwan niya ako.
"Anong iniisip mo Olga? Natatakot ka pa rin ba sa akin? Wag kang mag-alala kasi hindi ko na gagawin yung ginawa ko kagabi. Ayokong matakot ka uli sa akin." tumango lang si Olga.
Medyo madilim na nang makarating kami sa gilid ng Islang pagmamay-ari ko. Nilatag ko sa damuhan ang dala kong kumot. Saka kami umupo doon ni Olga. Tahimik at mahangin Hapon na kasi at malapit nang dumilim.
"Nalungkot ka ba. Olga?" nilingon ko siya. Nakatitig siya sa malayo. "Alam mo ba nung maliit pa ako. Ito yung pangarap kong bilhin. Dito lang kami sa malapit nakatira ng Mama ko. Sabi ni Mama mahal daw ang Islang ito. Mahal nga... halos lahat ng ipon ko simula ng magtrabaho ako kay Dad dito napunta. Yung Resort na dinaanan natin pagmamay-ari ko iyon ipinangalan ko kay Mama. Wanda's Resort... Fifteen ako nung namayapa si Mama. Nakikitira ako noon sa mga tiyahin ko sa side ni Mama. Siguro next week luluwas tayo kasi Birthday ni Tita Mona." agad na napatingin sa akin si Olga may nakita akong kislap sa mga mata niya. Tingin ko gusto niyang tumakas. Nakaramdam ako ng lungkot.
"Olga. Pwede bang wag kang lalayo sa akin kapag lumuwas tayo next week? K-kung pwede lang naman baka kasi mawala ka madaming tao kina Tita Mona. Hindi ko siya mahindian Kasi sa kanya kami nakitira ni Mama Mula Bata pa ko. So... pwede ba yon? Olga?"
Tinitigan niya ako saka siya tumango. Bahagya pa siyang umurong palapit sa akin. Nabigla ako ng humiga si Olga at umunan sa hita ko.
Marahan kong hinaplos ang mga buhok niya habang tahimik naming pinagmamasdan ang unti unting pagliwanag ng kabilang dako dahil sa mga ilaw. Narinig ko ang paghikab ni Olga. Kahit hindi kagandahan ang boses ko kinantahan ko siya para makatulog siya.... tingin ko mamaya na kami uuwi dito na muna kami.
"MISTER SALVATORE bakit parang hindi ko nakikita ang Anak niyong si Lucho?" sita ko ng pumunta ako sa Opisina nito.
Sumandal ito sa upuan niya saka pinatong sa magkabilang gilid Ang mga kamay.
"May mga pinapaasikaso ako sa kanya na labas sa pinag-uusapan nating Negosyo kaya tingin ko e Hindi ko dapat sagutin ang mga tanong na irrelevant naman sa pakay mo. Tama ba ako Mr. Sethorino Cru?"
Ngumisi pa ang loko. Talagang Ang galing nitong mang-asar. Wala Naman akong matibay na ebidensya na si Lucho ang kumuha kay Olga kaya hindi ako dapat gumawa nang isyu. Dapat daanin ko ito sa edukadong pamamaraan. Hindi ako bababa sa kalidad nilang mag-ama.
Tumango ako saka pekeng ngumiti. "Tama ka Naman Mr. Salvatore. Nagkataon lang kasi na tyempo naman sa pagkawala ni Olga ang pagwala din ng Anak mo."
"Talagang ganyan ang Buhay Sethorino. Oo nga pala kelan Ang kasal? Wag mo kong kalimutang imbitahin ha. Ay oo nga pala nawawala nga pala si Olga. Kung ako sayo Seth dodoblehin ko ang paghahanap sa kanya pwede din naman kasing may Boyfriend si Olga at yon yung sinamahan niya diba." sabay tawa nito.
Tinitigan ko ito ng masama saka ako nagpaalam dito na aalis na. Tumunog ang cellphone ko habang palabas ng Opisina nito. Kinuha ko iyon saka ko tinignan kung sino ang tumatawag. Si Aeron ang Assistant ni Diemoon.
Lamabas na muna ako ng Opisina bago ko ito sinagot. Mahina lamang dahil alam kong may mga CCTV camera ang bawat sulok nang Building na ito.
"Yes. Aeron?"
"Sir Seth. Natrace na po kung nasaan ngayon si Lucho. Sabi nang Source nasa isang Resort siya pero wala silang napansin na Babae. Lage lang daw itong mag-isa. Tingin ko pagmamay-ari niya ang Resort na yon at parang doon din siya naglalage nitong mga huling araw."
"Sigurado ba silang walang babaeng kasama si Lucho?" paninigurado ko.
"Sigurado daw po sila Sir Seth. Pero mamanmanan pa rin daw po nila ang Subject. Sir."
"Sige. Salamat." ibinaba ko ang tawag saka ako sumakay sa elevator. Mahuhuli din kita Lucho. May mga tauhan din akong inutusan na magmanman sa Bahay at mga pinupuntahan nito.
Pagbukas elevator sa parking lot dumeretso ako agad sa Sasakyan ko. Pupuntahan ko ang sinasabi ni Aeron na Resort. Siguro naman may makikita akong kahit ano mula doon.
"OLGA. UUWI NA TAYO medyo malamig na saka gabi na.". masuyong bulong ko dito. Umunat lamang siya. Siguro napagod siya sa pagtatanim at pagdidilig kanina.
Kahit madilim kitang kita ko sa liwanag ng Buwan ang payapang pagtulog ni Olga. Tumayo ako saka ko ibinalot sa kanya ang kumot na inupuan namin saka ko ito binuhat. Hindi naman kabigatan si Olga dahil maliit lang siyang Babae. Sumandal ang ulo nito sa dibdib ko. Dinig ko ang mahina niyang hilik. Marahan ang ginawa kong paglakad. Walang ibang tao dito kaya wala akong dapat ika bahala.
Narating ko ang munti naming Bahay. Tulog na tulog pa din si Olga. Kaya kahit nahihirapan akong Susian ang pinto e okay lang ang mahalaga kalong ko siya. Mga ilang minuto din Bago ko tuluyang nabuksan ang pinto.
Pumasok ako at agad itong nilock. Dumeretso ako sa Kuwarto saka ko inihiga doon si Olga. Malamig naman at napakalakas ng hangin kaya kahit hindi na kami gumamit pa ng Elektrikpan ay ayos lang. May mga screen naman ang mga bintana para hindi makapasok ang mga lamok at ibang insekto. Binuksan ko lang lahat ng bintana saka ako lumabas ng Kuwarto para magluto ng panghapunan namin. Naisip kong magluto ng Nilagang Baka. Para mamaya paggising ni Olga kakain na lang kaming dalawa.
Tumunog ang cellphone ko habang nagluluto ako. Sinagot ko iyon.
"Hello Rim. Anong Balita?" sagot ko.
"Andito po sa labas ng Resort si Sethorino Cru. Tingin ko nagmamanman siya ngayon o may mga tao siyang inutusan."
"Ganon ba... Sige salamat sa tawag. Wag mong lubayan ang isang yan."
"Okay po. Boss.". saka nito binaba ang tawag.
Naluto na ang kanin. Kumukulo pa lang ang Nilagang Baka. Tinakpan ko muna ito saka ako nagpunta sa Kuwarto. Tulog pa din si Olga. Umupo ako sa kabilang gilid nang kama. Hindi ko kayang mawala sa akin si Olga. Kaya pasensya ka na Sethorino makikipag-sabayan din ako sayo.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romans"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...