Hindi pa din bumababa si Olga kaya minabuti ko na lang ang dalhan siya nang pagkain. May Nakita akong Basket kasya doon ang mga plato, kutsara at tinidor pati baso nagdala ako ng para sa aming dalawa. Kumuha din ako ng malamig na Bottled water sa Fridge saka iyon nilagay sa loob ng basket saka ako nagsandok nag kanin at ulam. Tinolang Manok para may sabaw. Nilagay ko iyon sa Tupperware para Hindi matapon. Kumuha ako nang kumot para ilatag sa damuhan. Saka ako nagpasyang lumabas na nang Bahay. Hindi ko na ni-lock ang pinto wala kasi akong susi at saka Wala namang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang ni Olga.
Sinimulan ko nang maglakad paakyat sa tuktok ng Isla. Medyo mainit na nga.
"Olga." tawag ko sa kanya. Nakaupo ito sa lilim ng punong kahoy.
"May dala akong pananghalian. Teka lang maglalatag muna ako ha. Tapos kakain na tayo." tahimik lang na tumango si Olga.
Kinuha ko ang kulay puting tela na nakita ko sa kabilang Kuwarto. Kumot ata yon. Di bale lalabhan ko na lamang iyon pagkatapos naming kumain. Inilatag ko iyon sa damuhan.
"Dito ka na umupo." utos ko sa kanya.
Sumunod naman si Olga saka ko isa isang nilabas ng Tupperware na naglalaman ng Tinolang Manok at Tupperware na naglalaman ng Kanin. Ipwenesto ko iyon sa gitna saka ko nilabas ang mga pinggan kasama ang kutsara at tinidor pati ang baso. At huli na ang tubig.
Ipinagsandok ko siya ng Kanin at Ulam. "O kain ka na tapos ito higop ka ng sabaw. Para yan kay Baby."
Tipid siyang ngumiti. "Seth. Hindi mo ko kelangang samahan dito. Kaya ko ang sarili ko. Isa pa may mga dapat kang asikasuhin diba."
"Ah. Sina Papa daw muna ang bahala sa Kumpanya. Saka... Gusto kong alagaan ka." sagot ko.
Tinitigan ako ni Olga. "Hindi ko kelangan nang awa mo Seth. Alam ko at tanggap ko na wala na si Lucho. Nabigla lang ako. Parang kahapon lang kasama ko siya. Ngayon Wala na siya..."
"Kumain ka na lang muna---"
"Pagkatapos nating kumain. Kung pwede iwan mo akong mag-isa. Ayoko muna nang may ibang taong kasama dito sa Isla namin ni Lucho.". malamig na sambit ni Olga.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Olga. Sorry kung iniwan kita Nung gabing yon. Hindi ko sinasadya."
"Kumain ka na lang Seth. Para saan pa ang Pulis kung uubra din naman pala ang sorry." ibang iba na si Olga Hindi na siya gaya nang dati.
Hindi na ako nakakibo sa sinabi nito. Parang natameme ako dun. Minasdan kong mabuti si Olga. Lalo siyang gumanda bumagay sa kanya ang pagbubuntis. Bahagya akong napangiti ng makita ko ang medyo umbok na tiyan ni Olga.
Umiling ako. "Olga. Nakapangako ako kay Lucho na aalagaan ko kayong mag-ina. Kaya pasensya ka na kasi hindi ako aalis at lalong hindi kita iiwanang mag-isa dito."
Tumawa lang si Olga. "Hindi na ako naniniwala sayo Seth. Nangako ka din dati kay Lolo diba. Pero dalawang beses mo na akong iniwan. Si Lucho hindi niya ako iniwan.... ka-kahapon lang siya umalis na hindi ako kasama kasi mag-uusap lang daw sila ng Daddy niya... Pero hindi na siya umuwi."
Tumutulo ang luha niya habang kumakain. Ni hindi niya yon pinagka-abalahang punasan man lang. Nasasaktan ako sa tuwing binabanggit niya yung dati. Tama si Dad dapat matuto akong humarap sa resposibilidad. Nagsisisi ako Nung gabing iniwan ko siya para bumili lang ng Beer... kung isinama ko lang sana siya... siguro walang ganito ngayon... at hindi siya iiyak ng ganito lalong lalong hindi siya magiging Dalagang Ina.
Ibinaba ko ang hawak kong Plato saka ko pinunasan ang mga luha ni Olga gamit ang likod ng kamay ko.
"Olga. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin pero sa pagkakataong ito. Hinding hindi na ako aalis sa tabi mo."
Ibinaba na ni Olga ang pinggan niya saka tumayo at naglakad pababa sa direksyon ng Bahay. Hinabol ko na lamang siya ng tingin. Inumpisahan ko nang iligpit ang mga ginamit namin. Saka ko tinupi ang kumot. At ipinatong iyon sa ibabaw ng Basket.
Nilingon ko muna ang libingan ni Lucho Bago ako umalis.
"Pare. Mukhang mahihirapan akong paamuin si Olga. Pero wag kang mag-alala hindi ako aalis ng Isla." saka ako naglakad pababa.
Wala sa taniman si Olga. At Wala din siya sa Babuyan at sa Manukan. Ah baka asa loob na siya ng Bahay.
Nilapag ko ang mga dala ko saka ako pumunta sa Kuwarto nito baka sakaling asa loob siya pero wala doon si Olga. Kinabahan na ako. Tinungo ko din ang kabilang Kuwarto. Pero Wala din siya doon. Lumabas ako ng Bahay para hanapin ito pero wala si Olga.
Bigla kong naisip ang dalampasigan kaya tinakbo ko ang direksyon non.
"OLGA!!!" sigaw ko ng makita ko siyang naglalakad sa tubig.
Hindi siya huminto kaya dali-dali akong tumakbo saka ko siya niyakap nang mahigpit.
"Olga? Ano bang ginagawa mo... Wag please..." yakap ko siya mula sa likod nito. Nanginginig ang buo kong katawan sa kaba. Ngayon ko lang ito naramdaman sa buong Buhay ko. Yung tipong may mawawalang importanteng bagay na ayaw mong mawala.
"Seth. Wag kang mag-alala hindi ako magpapakamatay. Sinusubukan ko lang namang tanggalin ang takot ko sa tubig. Gaya ng sabi ni Lucho dapat masanay na ako." pero hindi ko siya pinakawalan. Maslalo ko siyang niyakap nang mahigpit.
"Please lang Olga. Wag mo na tong gawin uli... Andito lang naman ako... Oo nagkamali ako dati pero sana gaya ni Lucho mapatawad mo din ako. Olga... h-hayan mo lang akong pagsilbihan ka at ang Batang dinadala mo. Nangako ako at ayaw ko nang balewalain ang pangakong ginawa ko sa pangalawang pagkakataon. Gusto kong iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Sorry kung hindi kita inako bilang responsibilidad ko dati. Naduwag kasi ako sa katotohanan na mag-asawa na ako. Napaka-immature ko pa noon. Sa totoo lang ngayon lang ako nakagawa ng tamang desisyon sa Buhay ko. Alam mo ba kung ano yon?"
Umiling lang si Olga.
"Ang manatili dito kasama mo.". dugtong ko sa mga sasabihin ko.
Yumugyog ang mga balikat ni Olga at tahimik siyang lumuha kasabay nang impit niyang daing.
"W-wala na si Mama at Papa ko tapos si Lolo.... Ngayon si L----Lucho... Wala na silang lahat....Seth... Ako na lang at ang Anak ko. Lahat ng taong mahalaga sa akin nawawala at iniiwan lang ako."
"Ssshhhh andito pa ako Olga. Hayaan mo akong alagaan ko kayo." bulong ko.
"S-Seth... Iiwanan mo rin ako... ipagpapalit mo rin ako kasi buntis ako... Ikaw si Sethorino Cru kilala kang babaero... kaya b-bakit ako maniniwala sayo?" mahinang sagot nito.
"Ipaparamdam ko na lang kesa sabihin ko pa. Halika na bumalik na tayo sa Bahay. Tanghaling tapat at mainit na."
Tumango si Olga. "Dito sa Lugar na to. Dito ko gustong tumanda Seth."
Bahagya akong tumawa ng mahina. "Kung yan ang gusto mo. Sa ngayon umuwi na muna tayo."
Yumuko ako para buhatin si Olga. Tahimik lamang kami habang naglalakad ako pabalik ng Munti naming Bahay.
Tingin ko handa na akong lumagay sa tahimik. Kung dito ni Olga gustong abutan ng pagtanda kasama ni Lucho ganun din ang gagawin ko. Dito sa Lugar na to... dito ko uubusin ang oras ko ang mahalaga kasama ko si Olga at ang magiging Anak nila ni Lucho. Aalagaan ko sila pangako yan.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...