CHAPTER FIFTEEN

398 21 6
                                    

Nagising ako sa mainit na sikat ng Araw.... bahagya akong dumilat. Ganon pa din ang posisyon ko gaya kagabi. Hawak ko pa din ang kumot. Bahagya akong lumingon sa likod ko. Wala na doon si Lucho. Sinubukan kong bumangon kaso masakit ang buong katawan ko. Kaya maspinili kong mahiga na lang ulit. Hinanap ng mga mata ko ang orasan.

Nagulat ako nang marahang bumukas ang pinto. Si Lucho. At may dala siyang pagkain.

"Wow. Gising na ang Reyna ko ah. Tamang tama nagluto ako ng Sopas pangalmusal.". nakangiti niyang sambit na para bang wala siyang ginawa sa akin kagabi.

Kumakalam na ang sikmura ko kaya pinilit kong bumangon kahit hirap na hirap ako. Parang matatanggal ang bawat laman ko sa katawan.

Napaigtag ako nang bigla akong alalayan ni Lucho. Nanginginig na naman ako sa takot.

"Kain ka nang madami." marahan niya akong iniupo sa kama. Inayos niya ang unan sa likod ko para makasandal ako ng tama.

Ipwenesto niya sa ibabaw ng hita ko ang dala niya maliit na mesa yung tinutupi ang mga paa. Saka siya umupo sa paahan ko.

"Sorry kagabi... Medyo naka-inum kasi ako saka mainit ang ulo ko dahil pinapahanap ka ni Sethorino. Tinignan ko lang kong gaano siya kagaling.". mahinang sambit ni Lucho saka niya marahang hinaplos ang mga paa ko.

"S-Seth."

Bigla akong tinitigan ni Lucho. Napigil ko ang paghinga ko.

"Nakakapagsalita ka nga pala. Baka pwedeng pangalan ko naman ang banggitin mo.". tumayo siya saka ako hinagkan sa noo.

"Pwede kang mamasyal sa labas kung gusto mo. Malaya ka dito Olga." napahikbi ako ng konte... "Mahal kita. Pasensya na kung sa maling pagkakataon tayo nabuhay na dalawa. Alam kong galit ka sa akin dahil sa mga nagawa ko pero sana naman maniwala ka sa sinabi kong mahal kita. Patutunayan ko yon sayo." masuyo niya akong hinaplos sa mukha... napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Ang lalakeng umagaw sa Buhay ng mga magulang ko. Heto at nagtatapat sa akin ng nararamdaman niya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Gusto ko nang tumakas pero paano.

"Asa labas lang ako. Magtatanim ako ng Kamote at Kalabasan saka Talong. Para habang andito may gugulayin tayong sariwa tapos kung gusto mo pa ng ibang gulay pwede din naman."

Ngumiti muna siya sa akin bago lumabas ng Kuwarto. Nagpahid ako ng mga pisnge ko saka ako nag-umpisang kumain... Naalala ko si Sethorino... siya ang pinagsisilbihan ko. Kabaliktaran siya ni Lucho. Baka nga totoo ang sinasabi niya... pero mali pa din ang ginawa niya sa akin at sa magulang ko. Naulila ako dahil sa kanila ng Daddy niya.

Dahan dahan akong bumangon at nagtungo ng banyo dala ko ang tuwalya ko. Saglit lang akong naligo. Nagtungo ako sa Cabinet para kumuha ng maisusuot. Isang Brown Duster ang pinili ko. Bumalik ako sa kama upang kunin ang tray saka ako lumabas ng Kuwarto.

Ngayon ko lang napansin na maganda at malinis pala ang Bahay na pinagdalhan sa akin ni Lucho. May maliit itong Kusina at maliit na Sala... Napangiti ako kasi ito yung Bahay na gusto ko... yung simple lang. Lumapit ako sa lababo para hugasan ang pinagkainan ko.

Nakita ko mula sa bintana ng Kusina si Lucho. Nakatalikod siya sa direksyon ng Bahay. Nagbubungkal siya ng lupa. Napakasimple lang niya sa ayos na yon... hindi mo aakalaing isa siyang magaling na negosyante.

"Lu----" sinubukan kong tawagin si Lucho kaso parang ang hirap. May dala akong isang basong tubig.

Hindi siguro niya ako narinig kaya lumapit ako ng konte sa bandang gilid nito. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako. Napahinto siya sa pagbungkal ng lupa.

"Olga?" nag-aalala siyang lumapit sa akin . "Natamaan ba kita?"

Umiling ako saka ko ibinigay ang isang basong tubig. Napatitig siya sa hawak kong baso saka siya ngumiti at kinuha yon.

"Salamat Olga." inubos niya ang laman non habang titig na titig sa akin.

"Masarap ba yong Sopas?" tanong ni Lucho. Pagkatapos niyang inumin Ang tubig.

Tumango lamang ako. Matangkad si Lucho gaya ni Sethorino. Ang kaibahan lang ay medyo kulay Mais ang buhok ni Lucho at medyo Bughaw ang kulay ng mga mata niya saka bahagyang may balbas siya habang wala naman si Sethorino. At may kahabaan ang buhok ni Lucho na medyo kulot.

"Bakit?"

Umiling lang ako. Saka ko kinuha yung baso. May tumulong pawis sa noo ni Lucho kaya tumingkayad ako para punasan iyon ng dala kong towel para sa kanya.

Napasinghap ako ng hawakan ni Lucho ang kamay ko. Napatitig ako sa mga mata niya. Medyo nailang ako kaya ipinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko.

"Salamat. Olga." sabay halik nito sa likod ng kamay ko.

Ramdam kong nag-init ang pisnge ko sa ginawa nito. Ni hindi ko makuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. Marahan niyang pinisil ang palad ko kaya napatitig muli ako sa kanya.

Yumuko si Lucho nanatili lamang akong nakatitig sa kanya... Pigil ko ang paghinga ko nang lumapat ang labi niya sa mga labi ko. Marahan ang halik niya kumpara kagabi.

"Hindi mo ko kailangang pagsilbihan. Kaya ko ang sarili ko. Ako ang dapat magsilbi sayo. Okay." sabay pisil niya sa pisnge ko.

Ngumiti lang ako sabay tango saka ako umatras at humakbang pabalik ng Bahay. Dumeretso ako sa Kusina upang hugasan ang baso. Tinignan ko uli si Lucho. Nagsimula na naman siyang magbungkal nang lupa.

Lumapit uli ako sa kanya. Dala ko ang mga buto na itatanim niya sa binungkal niyang lupa. Tinignan ako ni Lucho saka siya tumango. Hinubad niya ang suot niyang t-shirt saka iyon inilatag sa damuhan.

"Dito ka muna umupo. Kapag pwede na yung Lupa saka natin yan ilalagay isa isa." tumango lamang ako saka umupo.

Puro na lupa ang katawan ni Lucho pero hindi siya tumigil hanggat hindi siya nakakagawa nang tatlong mahabang linya ng Lupa kung saan namin itatanim ang mga buto.

Lumapit uli sa akin si Lucho. May dala siyang dalawang maliit na parang Pala na kasing laki ng sandok kaso bakal. Ibinigay niya sa akin ang Isa.

"Magtatanim na tayo. Halika."

Tumayo ako at sinundan ito. Excited na akong magtanim. Nakakatuwang marunong si Lucho. Parang alam na alam niya ang gagawin. Ang bilis niyang magtanim.

"Siguro nagtataka ka kung bakit marunong ako ng ganitong bagay?"

Nakangiti akong tumango tango.

"Kasi lake ako sa hirap. Kelan lang naman ako inako ni Dad na Anak niya noong dise-otso ako. Anak ako ni Dad sa ibang Babae. Ang totoo niyan ayaw niya sa akin. Nagkataon lang na Babae ang mga naging Anak niya sa pinakasalan niya. Mahirap lang si Mama... pero ubod siya ng ganda sa kanya ko nakuha ang mga mata ko at buhok. Kaya lahat ng gusto ni Dad ginawa ko para matuwa naman siya sa akin... Para ipagmalaki niya ako. Hanggang sa nakita kita Isang beses sa Kumpanya ng Lolo mo. Tapos inutusan ako ni Dad na burahin sa Mundo ang tagapagmana ni Don Manuel.... ang Papa mo. Tapos Ikaw. Pero hindi kita kayang saktan. Kaso Hindi ko napigilan ang sarili ko. Pero seryoso ako sa sinabi kong pakakasalan kita." mahabang paliwanag ni Lucho.

"Gusto mo ba ang Lugar na to?"

Tumango lamang ako. Tipid na napangiti si Lucho. Ang Akala ko masama siya. Alam kong siya ang pumatay sa magulang ko at umabuso sa akin may limang taon na ang nakaraan.

Pero mabait siya. Ramdam kong totoo lahat ng sinabi niya. Siguro kung sa ibang pagkakataon kami nagkita baka nagustuhan ko din siya.




My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon