Seth's POV
Napabangon ako nang mag-ring ang cellphone ko. Nakapikit pa ang mga mata ko ng kunin ko iyon saka ko tinapat sa tainga ko.
"Hello who's this?" sagot ko.
"Pumunta ka dito ngayon sa Laguna para makilala mo ang pakakasalan mo." maotoridad na utos ni Papa.
Napabalikwas ako ng bangon.
"WHAT!?" tanging naisagot ko.
"Pumunta ka na dito Sethorino Cru kung ayaw mong tanggalan kita nang Mana!" sasagot pa sana ako kaso binaba na ni Papa ang tawag.
Napabuntong hininga ako bago ako tumayo saka ko inihagis sa kama ang hawak kong cellphone. Sino naman kaya ang Babaeng yon? Isa pa ayaw ko pa talagang matali... masyado pa naman akong bata para mag-asawa! Isa pa paano na ang Nightlife ko!
Naiiling akong nagtungo sa banyo para maligo okay kung sino man siya WOW ha nagawa niyang kumbinsihin si Papa na maikasal ako sa kanya bahala na nga kesa tanggalan ako nang mamanahin ko.
***
Hapon na nang makarating ako sa Address na binigay ni Papa, maganda ang lugar akala ko simpleng bahay lang ang madadatnan ko yun pala Mansyon din gaya sa amin pinagbuksan naman ako ng gate ni Manong Guard.Nagpark ako sa tabi ng Kotse ni Papa saka ako bumaba ng Sasakyan at naglakad papunta sa direksyon ng front door. Nakita ko agad si Papa na may kausap na matandang lalaki. Tinapik nito si Papa kaya ito napabaling sa direksyon ko saka abot taingang ngumiti.
"Well Don Manuel. I want you to meet my Son Sethorino Cru." may pagmamalaking pakilala sa akin ni Papa.
Tinapik ko ang balikat ni Papa ng makalapit na ako sa kanila saka ako pilit na ngumiti sa kanya.
Tatango-tango ang matanda. "Well Saturno tama ka nang sabihin mong gwapo ang iyong Unico iho!"
Tumawa sa Papa. "Sabi ko naman sa inyo Don Manuel wala ho kayong maipipintas sa Anak ko saka masipag yan magtrabaho siya ang nagha-handle ng Kumpanya namin... syempre matanda na kasi ako."
Napailing na lamang ako sa mga pinagsasabi ni Papa.
"Okay siguro oras na para tawagin ko ang Apo ko." may pilyong ngiti sa mga labi ng matanda. "Tiyak ako na magugustuhan mo rin siya."
Saka ito tumalikod at naglakad palayo. Sinamantala ko ang pagkakataon na kaming dalawa lang ni Papa.
"Pa. Naman eeee ano po bang trip to? Akala ko ho ba ayaw niyo ng Arrange Marriage? Bakit ho ngayon parang nagbago ata isip nyo? Papa ayaw ko pa pong MATALI... hindi ko pa kayang pumasok sa isang seryosong relasyon." protesta ko.
"Grow up Sethorino! Isa pa gagawin namin to dahil may rason hindi dahil sa pera okay! Ngayon kung hindi mo kayang pigilan ang pagiging Babaero mo o di problema mo na yon! Basta ang mahalaga maikasal kayo ng Apo ni Don Manuel."
Natigilan kami ng makita namin ang matanda na naglakad pabalik sa amin meron siyang kasunod na kaso di ko makita ang mukha nito dahil natatakpan siya ng malapad na katawan ng Matanda.
Pilit na naman akong napangiti ng huminto sa harapan namin si Don Manuel.
"Well Gentleman I want you to meet my only Grandchild Olga Sta.Ana."
Saka humakbang sa tabi ang Matanda nalantad sa mga mata ko ang mukha nang nag-iisa nitong Apo.
Holy sh*t! mura ko. Ang ganda niya... marami na akong nakitang Babae iba't-ibang lahi pero kakaiba si Olga. Napakasimple lamang niya. Bahagya pa siyang yumuko siguro bilang paggalang na rin sa amin ni Papa.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...