CHAPTER TWENTY TWO

395 18 3
                                    

"Hello Rim. Clear ba ang paligid?" tanong ko. Tumawag ako para ipaalam na aalis kami at kailangan ko ng look out sa labas ng Gate ng Resort.

"Sir. Hindi ko po masasagot ng hundred percent pero sisiguraduhin ko pong nakabantay po ako sa inyo ganun din po ang ibang tauhan ko."

Bumuntong hininga ako. "Okay. Sige. Isasama ko si Olga."

"Wag kang mag-alala Sir nasa likod nyo lang kami. Hindi po kami magpapahalata." Paninigurado ng nasa kabilang linya.

"Lucho?" narinig kong tawag ni Olga mula sa likuran ko. Pumihit ako paharap sa kanya. Kahit anong isuot ni Olga napakaganda niya talaga. Isang Gray Lace dress ang suot niya at Tenernuhan niya iyon ng White sneakers shoes.

Tumango ako kay Olga.

"Sige na Rim. Papunta na kami diyan." saka ko binaba ang tawag at nilagay sa loob ng bulsa ng pants ang cellphone ko.

Ngumiti ako kay Olga. "Ready ka na?"

Tumango siya.

Kinuha ko muna Mula sa loob ng Bahay ang mga kailangang kong susi. Sinigurado kong Lock lahat. Bago kami umalis.

"LUCHO BA---BA---BAKA mahulog ako!" sigaw ni Olga ng kalungin ko siya para maisakay sa Speed boat. Hindi nga pala siya marunong lumangoy kaya takot na takot siya sa tubig.

"Hindi naman kita hahayaang malunod Olga.". pero Lalo lamang humigpit ang pagkakakapit nito sa sa damit ko buti na lang at naka White V-neck shirts ako kung nagkataong naka-Polo ako baka nasira na ang mga butones nun.

Ibinaba ko na si Olga sa upuan ng Speed boat. Nanginginig siyang yumakap agad sa akin. Kaya hinayaan ko na lang saka ko ito pinaandar patungong kabilang dalampasigan. Bahala na kung anong nag-aantay sa akin sa kabila. Sigurado naman ako ngayon na akin lang si Olga. Hinawakan ko ang kamay niya saka iyon hinagkan.

Ilang minuto lang at narating namin ang dalampasigan ng Wanda's Resort. Sinalubong kami ng mga tauhan ko para alalayang makababa si Olga kaso wala siyang tiwala sa mga ito kaya maspinili niyang magpabuhat uli sa akin para makababa ng Speed boat. Nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko ng magsimula na akong maglakad pababa. Ramdam ko ang panginginig niya. Talagang takot siya sa tubig.

"Alam mo Olga dapat hindi ka na matakot sa dagat kasi Dito sa Lugar na to tayo tatanda." tumango lamang siya habang mahigpit na nakakapit sa leeg ko ang kanyang mga kamay.

Hindi ko na ibinaba pa si Olga. Dumeretso na kami sa kotse ko sa labas ng parking lot. Alam kong maraming Tao pero kung si Olga ang mismong hindi lalayo sa akin ay ayos lang kahit makita pa ako ni Sethorino.

Ibinaba ko si Olga sa mismong tapat ng pinto ng passengers seat saka ko iyon binuksan para sa kanya. Agad naman siyang pumasok. Umikot ako sa driver's seat at sumakay doon saka ko pinaandar ang sasakyan.

"SIR SETH. MAY EMERGENCY call po kayo." bungad ng Sekretarya kong si Myla.

Nagme-meeting kami tungkol sa kung paano pa namin maitataas ang Stocks ng Kumpanya.

Nilingon ko ito. "Pakisabing may importanteng Meeting ako." seryosong sagot ko Dito.

Uming si Myla. "S-Sir s-si Miss Olga daw po nakita na!"

Napatayo ako sa sinabi nito. Saka ako sing bilis ng kidlat na lumabas ng Conference Room.

"Nasaan?" tukoy ko sa tumawag.

"Ikokonek ko po sa Opisina nyo Sir." tinakbo nito ang mesa niya at kinuha ang receiver saka kinausap ang nasa kabilang linya. Maya maya pa ay nag-ring na ang telepono sa mesa ng Opisina ko. Pumasok ako agad Dito saka iyon sinagot.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon