"Seth.... G-gustong iuwe si Lucho... t-tulungan mo ako... please...." sambit ni Olga sa pagitan ng hinagpis at impit na daing. Nag-aalala ako sa kanya at sa Batang dinadala niya.
"Ssshhhh... Sige... Iuuwe na natin siya ngayon----"
Humarap sa akin si Olga saka nagpahid ng luha. "Sa Isla natin siya iuwe Seth. Du---doon din natin si---ya ilibing... Seth wala na si Lucho!"
Mahigpit ko siya ng niyakap. "Okay. Gagawin natin yung gusto mo. Wag ka nang mag-alala pa. Alalahanin mong may Baby pa kayo ni Lucho at kelangan ka niya."
Kumalas si Olga mula sa pagkakayakap ko saka niya paulit ulit na hinaplos ang kanyang Baby bump.
"W-wala na ang Papa mo Anak. Si Mama na lang ang meron ka..." saka ito muling bumaling sa walang buhay na katawan ni Lucho.
Ramdam ko ang malalim na pagtingin ni Olga kay Lucho kahit ito pa ang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang mga magulang at dahilan din ng pagkawala ng kanyang kainosentehan.
Ang swerte mo Lucho. Iniiyakan ka nang Babaeng gusto ko simula pa lang nagkataon lang na ayaw ko pang matali. Hindi gaya mo na kahit nagkamali ka sa umpisa.... Sinubukan mo namang bumawi sa huli. Wag kang mag-alala pare. Babantayan ko ang mag-ina mo.
HINAYAAN KO MUNA si Olga na makasama si Lucho. Aasikasuhin ko ang mga papel nito para maiuwe na namin agad. Ayaw ni Olga na ipaimbalsamo si Lucho. Baka daw masaktan ito.
Inutusan ko ang mga tauhan ni Lucho na bantayan muna saglit si Olga. Nagpadagdag na din ako ng mga Bodyguard mula sa Cru Company. Para na rin sa kaligtasan ni Olga habang andito pa siya Ospital.
Dumating si Papa may mga kasama siyang Pulis.
"Pa. Kayo na po muna ang bahala kay Olga. Pumirma na ako sa mga dapat pirmahan para maiuwe na si Lucho sa Isla."
"Isla?" takang tanong ni Papa.
Tumango ako. "May Isla sa Resort na pag-aari ni Lucho. Doon pala niya dinala si Olga. At Dad buntis si Olga."
May tumakas na luha sa mga mata ko. Parang ang sakit tanggapin na iba ang minahal ni Olga sa halip na ako. Pinahid ko iyon saka ako tumingala at namewang.
"Papa. Gusto ko ho si Olga. Handa kong panagutan ang Batang dinadala niya. Kahit kay Lucho pa yon."
Hindi sumagot si Papa kaya nag-iwas ako sa kanya ng tingin.
"Alam mo Sethorino. Anak. Isang tunay na lalake lang ang nakahandang umako ng responsibilidad na hindi naman kanya.". seryosong sagot ni Papa.
Bumaling ako sa kanya. Tinitigan kong mabuti si Papa. Marahang siyang tumango at ngumiti.
"Walang masama kung paninindigan mo si Olga. Basta ba ingatan mo siya Anak. Masyado na siyang nasaktan. Madami nang nangyari sa kanya sa murang edad pa lamang." saka ako tinapik tapik ni Papa sa balikat.
Tumango ako. "Salamat po Papa."
"O Sige na asikasuhin mo na ang mga dapat mong asikasuhin. Basta mag-iingat ka lang Sethorino. Wag mo nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ngayon ni Olga."
"Opo Papa mag-iingat po ako. Sa pagkakataong ito may ebidensya na akong hawak kaya mapapakulong ko na si Roman Salvatore."
Naglakad na ako palabas ng Ospital. Tinawagan ko ang Clan maliban lang kay Luna. Gusto kong magkaroon agad ng resulta ang gagawin kong paghuli sa Tatay ni Lucho. Napakawalanghiya niya pati anak niya natiis niyang barilin. Anong klase siyang Ama.
"KANINA PA BA KAYO?" tanong ko nang makababa na ako ng sasakyan ko. Nasa Sta. Ana Shipping Company kaming Lima.
"Hindi naman gaano." sagot ni Kuya Damian. "Si Olga?"
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...