Pinuntahan ko si Olga sa Private room na pinagdalhan sa kanya. Tulog pa siya.
"Anak. Kukuha muna ako ng mga makakain at prutas para kapag nagising si Olga may kakainin siya ha.". paalam ni Papa.
"Sige ho." saka ako lumapit sa gilid ng kama ni Olga.
Masuyo kong sinuklay ng mga daliri ko ang mahaba niyang buhok. Talagang napagod siya sa panganganak. Nagiti ako habang naluluha... hindi ko kasi akalain na kung gaano kadaling gumawa at bumuo ng Bata kabaliktaran naman ito ng pagbibigay Buhay sa kanila. Tama nga sila na masarap ang proseso ng paggawa ng tao pero sa huli Babae lang ang magdadala ng sakit mailuwal lamang sila sa Mundo tapos iiwanan pa sila nga mga Lalakeng nakabuntis sa kanila.
Mariin akong napapikit. Parang hindi ko yon kayang gawin kay Olga o sa kahit na kaninong Babae pa. Babaero ako pero alam ko ang limitasyon ng bawat pantasya ko.
"Salamat. Mama. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng Isang Cute na Baby Boy. Pangako mamahalin ko kayong dalawa. Ikaw at si Lucca ang kayamanan ko." yumuko ako para gawaran ito ng halik sa noo.
Saludo ako sa ipinakita g katapangan ni Olga. Kahit masakit kinaya niya. Karapat dapat lamang na igalang at irespeto ko siya. Hindi ko kayang gawin ang ginawa niyang pagbibigay Buhay kay Lucca. Ang kaya ko lang ay ang tumulong sa paggawa ng Bata pero hindi ang mag-alaga. Ngayon alam ko na kung bakit ganun na lamang ang Respeto ni Kuya Santiago at ni Diemoon sa mga Misis nila. Kahit magmukha silang Under ayos lang kasi karapat dapat naman.
Bumukas ang pinto. May pumasok na Nurse dala niya si Baby Lucca.
"Sir baka gusto niyo po munang kalungin si Baby Cru."Hindi ako nakasagot sa tanong na iyon ng Nurse. Nakatingin lamang ako sa maliit na nilalang na kalong nito. Napakapayapa ng tulog nito gaya ng Mama niya.
"Sir. Gayahin nyo po ang mga braso ko para maibigay ko sa inyo si Baby Cru.". ulit nag Nurse.
Atubili akong sumunod sa sinabi nito. Masmatangkad ako kaya bahagya kong tiniklop ang tuhod ko para makuha ko si Baby.... Ang panganay namin tatlo ni Olga at ni Lucho.
Hindi ko rin alam kong bakit pero tumulo ang luha ko nung makalong ko na siya. Napangiti ako nung humikab siya. Ang liit liit niya parang Mama niya lang.
"Naku. Sir ganyan po talaga ang reaksyon ng mga Tatay. Speechless po ano?! Parang Mister ko lang din nung nakalong niya ang Panganay namin. Sige Sir iiwan ko po muna kayo. Mamaya ko na lang babalikan si Baby.". paalam ng Nurse.
"Sige. Salamat."
Humakbang na ito palabas ng Pinto. Binalingan ko ang kalong kong Sanggol. Kulay Mais ang buhok niya mana sa tunay niyang Ama.
"Baby Lucca. Ako si Daddy Sethorino mo... Kahit Hindi ka sa akin galing ituturi kitang tunay kong Anak. Mahal na Mahal ka namin ni Mama mo. Alam mo bang kamukha mo si Papa Lucho mo. Paglaki mo ipakilala ka namin sa kanya. Sigurado akong mahal na mahal ka din ng Papa mo."
Inilapit ko ang maliit na mukha ni Lucca sa mga labi ko para bigyan ito ng Munting halik sa noo gaya nang ginagawa ko sa Mama niya.
"Pangako ko sayo na akong bahala sa inyo ni Mama..." tulog pa din si Olga kaya isinayaw sayaw ko muna si Lucca.
Umiiyak si Lucca. Mahina lamang Nung umpisa kaso nung nagtagal di ko na siya mapatahan hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
NAGISING AKO DAHIL sa iyak ng isang Sanggol. Oo nga pala nanganak na ako. Nagmulat ako ng mga mata ko at nakita ko si Seth bahagya siyang nakatalikod sa direksyon ko pero sapat na para makita ko si Baby Lucca. Napangiti ako. Ang ganda nilang pagmasdan. Kumabog ng mabilis ang puso ko tingin ko maslalo akong nahuhulog sa Asawa ko. Mahal ko siya gaya ni Lucho...
Sana hindi magbago si Seth. Sana totoong tanggap niya ako at ang Anak ko.
"Anak... Tulog pa si Mama e kaya wag ka munang umiyak Sige na.... Ssshhhh." natawa ako sa pakiusap ni Seth kay Lucca kaso lalong lumakas ang iyak nito.
"Ayyy.... Anak naman eh----"
"Seth. Nagugutom na kasi Yan. Ilapit mo siya sa akin." putol ko sa moment nilang dalawa.
Agad na lumingon si Seth saka lumapit sa akin. At ginawaran ako ng halik sa noo. "Gising ka na pala. Teka anong ipapakain natin sa kanya. Sandali tatawagan ko si Papa para bumili ng pagkain ni Baby."
Natawa ako kay Seth. Hindi niya ata alam ang Breastfeeding. Kinuha ko si Lucca at ipinuwesto sa braso ko. Habang si Seth kinuha sa bulsa ng Pants niya ang cellphone. Nagda-dayal na siya ng buksan ko ang butones ng Hospital Gown ko para padedein si Lucca. Saka ako tumingin sa kanya at ngumiti.
Natawa ako ng malaglag ni Seth ang hawak niyang Cellphone.
"Ay. Na-nahulog...." saka siya dumukwang upang kunin yon. Agad din naman siyang tumayo at tumitig sa akin.
"T-talaga bang ganyan yan?" tanong ni Seth.
Tumango ako.
Napalunok laway na lamang si Seth saka niya itinago ang cellphone sa bulsa. At tumitig muli pero hindi sa mukha ko kundi sa dibdib ko.
"Seth! Kapapanganak ko lang ha!" natatawang saway ko dito. Pero seryoso akong tinitigan ni Seth. Oo nga pala hindi pa niya ako nakikitang walang saplot.
"Seth ah.... Saka na ang Honeymo---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng yumuko ito at sakupin ang mga labi ko.
Masarap humalik si Seth. Siguro dahil madami na siyang napagpraktisang mga babae. Medyo nakaramdam ako ng selos pero mas anaig sa akin ang tuwa. Bakit? Dahil ako ang nakapag-uwi ng titulong Mrs. Cru! At hindi ako papayag na magkaroon ako ng kahati sa Asawa ko!
Bumitaw ako sa mainit na labi ni Seth. Nagtatakang Napatitig siya sa akin. Nakayuko siya habang ako nakatingala.
"Subukan mong mambabae Seth! Hindi kita patitikim nung sinisipsip ni Baby!" mapang akit kong banta sa kanya.
Humagalpak ng tawa si Seth saka ako pinisil sa pisnge.
"Makakapag-antay ako nang 1month para sa tumataginting na Honeymoon. Iiwanan natin si Lucca kay Papa! Para hindi lang yang sinisipsip ni Baby ang matikman ko!" nakangising sagot nito.
"Ha?!". naguguluhang tanong ko.
Yumuko sa tenga ko si Seth saka bumulong. "Balak ko din kasing tikman pati pinanggalingan ni Baby."
Nag-init ang mga pisnge ko. Alam ko ang tinutukoy niya kasi nagawa na sakin yon ni Lucho. Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi nito. Kinabig niya ako palapit sa kanya at niyakap habang pinapadede ko si Lucca.
"Mahal ko kayong dalawa.". mahinang sambit ni Seth sabay haplos sa maliit na mukha ni Baby.... kaso...
"Seth naman e! Sabi mo mag-aantay ka kahit 1month e bakit humahawak ka na diyan!" nakanguso kong angal.
Humagikhik ito. "Para nag-advance lang e!"
Kinurot ko siya sa tagiliran. Sige lang ang tawa ni Seth. Ang guwapo niya. Salamat Lord dahil binigay niyo sa akin ang Tahimik kong Dinadasal lage sa inyo... Isang taong magmamahal at mag-aalaga sa akin. Nawala man si Lucho... Andito naman si Sethorino. Thank you Lord for answering My Silent Prayers...
THE END
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...