Maaga kaming umalis nang Condo. Dinala ko lahat ng mga kailangan ni Olga na katibayan na magpapatunay na si Don Manuel ay Lolo niya at siya lamang ang nag-iisang tagapagmana nang lahat nang naiwan nitong mga ari-arian.
Nakakuha kami nag mga Authenticated Copy ng Dokumentong kailangan namin saka kami nagtungo sa Kumpanya na pagmamay-ari ni Don Manuel.
Ayon sa source ko ngayong araw daw gaganapin ang Board meeting. Ilan lang kasi ang nakakaalam na may Apo si Don Manuel. Nag-iisang anak lang ni Don Manuel ang Ama ni Olga kaya Automatic na kay Olga lahat mapupunta. Kaso may ilang Empleyado si Don Manuel na may interest sa kayamanan niya.
Bumaba kami agad ni Olga sa mismong harapan ng Company Building nila. Pinapasok naman ako ng mga Guard dahil kilala nila ako. Habang si Olga nakayukong naglalakad na parang hiyang hiya. Pinisil ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
"Wag kang yumuko Olga. Sayo ang Kumpanyang ito. Saka sosorpresahin natin sila." sita ko.
Tumunog ang cellphone ko. Binasa ko iyon mula yon sa Sekretarya ni Don Manuel.
"Fuck! Nagbobotohan na daw sila." Binuhat ko na lamang si Olga saka ako tumakbo papuntang Elevator. Pinindot ko ang 10th Floor kung nasaan ang Conference Room.
Bumukas ang pinto at sinalubong kami doon ni Emma ang Sekretarya ni Don Manuel.
"Nakahanda na ba lahat?" tanong ko dito.
"Opo. Sir. Go signal nyo na lang po ang inaantay ko." sagot nito sabay kaming naglakad patungong Conference Room. Ibinaba ko si Olga nung asa tapat na kami nang pinto.
"Okay. Ikaw nang bahala sa projector. Gusto kong ipamukha sa kanilang lahat na ang pinagkakaguluhan nilang kayamanan ay meron nang nagmamay-ari saka ko hinawakan ang kamay ni Olga at binuksan ko ang pinto.
Nagulat silang lahat.
"Sorry I'm late! So. Ano to nagbobotohan kayo kahit wala ako na Major Stockholder ng Kumpanyang ito. Ah. Siguro nagtataka kayo kung sino ang magandang Babaeng kasama ko Tama ba?"
"Mr. Cru pwede bang umupo ka na lang at paupuin mo na rin yang kasa----"
"Shut your mouth and hold your tongue Mr. Romero. Alam kong Shareholder ka rin ng Kumpanya. Pero ang Babaeng ito na gusto mong paupuin na lang ay walang iba kundi ang nag-iisang Apo ni Don Manuel Sta.Ana... at naniniwala ako na itong meeting na ito ay tapos na dahil nagpakita na ang matagal niyo ng gustong makilala diba?"
Tahimik silang lahat hanggang i-play ng Sekretarya ni Don Manuel ang mga video na masayang naglalaro si Olga kasama ang Lolo niya hanggang sa magdalaga ito. Tulala silang lahat hindi nila akalaing nasa harap na nila ang susunod nilang Boss.
Narinig din nila ang sinabi ni Don Manuel. "Apo dadating ang araw na kapag wala na si Lolo. Lahat nang Meron ako ikaw ang magmamana nun. Saka naipangalan ko na sa iyo lahat."
"Ano po yon Lolo? Laruan po ba iyon?" inosenteng tanong ni Olga. Siguro asa Nine years old lang siya nun.
"Hindi Olga pero magagamit mo iyon para makabili ka nang maraming laruan na gusto mo. Saka ipangako mo kay Lolo na hahanap ka ng mabuting lalake na pwede mong maging katuwang sa mga mamanahin mo ha.". saka hinagkan ni Don Manuel ang noo ni Olga.
Nagpunas ng mga luha si Olga saka siya pumunta sa likod ko upang itago ang kanyang pag-iyak
"Ngayon. SINO sa inyo dito ang gustong kuwestyonin ang legalidad ni Olga bilang MAY-ARI ng Kumpanyang pinagkakaguluhan niyo. Itaas nyo lang ang mga kamay nyo at saka kayo dumeretso sa pinto at wag na kayong bumalik pa!" hasik ko sa kanila. Itong mga ito kasi ang uri ng tao na kakamkamin ang lahat ng pag-aari ng ibang tao kahit pa alam nila kung sino ang karapat dapat.
"Wala?! Okay. Be sure of it. Ngayon gusto kong malaman kung sino ang nagpatawag ng kalokohang Meeting na ito?"
Walang sumagot kaya bumaling ako sa taong nakaupo sa Sentro kung saan dapat nakaupo si Olga.
Ngumiti ako. "Ikaw ba Mr. Salvatore?"
Pinagpawisan ito. "Ummm inaalala ko lang ang Kumpanya kay----"
"Kaya ka nagpatawag ng Meeting? Pero ako hindi nyo ako isinama Ganon ba dapat yon o may plinaplano kayo?" putol ko dito.
Tumawa si Mr. Romero. "Ang Advance mo naman mag-isip Mr. Cru."
"Kaya nga ako naging Abogado Mr. Romero dahil Advance akong mag-isip." bumaling akong muli sa taong nakaupo sa Sentro. "Tingin ko oras na para ang TUNAY NA MAY-ARI ang umupo diyan at hindi ikaw. Tama ba ako Mr. Salvatore?"
Namutla ito saka nagmamadaling tumayo. Natawa ako sa hitsura nito saka ako bumaling kay Olga.
"Halika." sinamahan ko siya sa pinakasentro ng Conference table kung saan laging nakaupo ang kanyang Lolo.
Ngumiti si Olga sa akin saka siya umupo at humarap sa mga taong nakaupo din.
"Okay. Miss Olga Sta.Ana. they are all the Board members of your Company. But it doesn't mean that they have the power to decide anything without your consent.". tumango lamang si Olga.
"Wait is she mute?" nakakainsultong tanong ni Mr. Salvatore.
"No she's not. Masgusto lang niyang manahimik na lamang kesa makipagusap sa mga taong hindi katiwa-tiwala Mr. Salvatore. At bilang Abogado ni Olga ako ho ang kakausapin nyo tungkol sa mga bagay bagay. At ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya."
"Mukhang wala siyang alam sa Negosyo." tanong ni Mr. Tan.
"Wala nga!" nakangiti kong sagot. "Kaya nga andito ako para turuan siya at alalayan. Saka kilala nyo ako at ang Bloodline ko. Ang kalaban nang Isa kalaban nang Lahat. Yun ang Motto naming magpipinsan kaya kami masumaangat pa kasi wala kaming inggitan. Yun ang bagay na wala sa iba senyo yung hindi INGITERO."
Naramdaman ko ang kamay ni Olga na humawak sa kamay ko.
Bumaling ako sa kanya. "May gusto ka bang sabihin Olga?"
Tumango siya. Agad namang lumapit si Emma ang Sekretarya ni Don Manuel at binigyan ito ng mga papel at Marker. Nagsulat si Olga.
'Hello po. Alam kong Bata pa ako at Wala akong alam sa Negosyo. Ang natatandaan ko pong sabi ni Lolo na ang Negosyo daw ay parang sugal. Hindi mo alam kung mananalo o matatalo ka kaya dapat daw kumuha ako ng mga taong mapagkakatiwalaan ko... At si Sethorino Cru po iyon. Kaya igalang nyo siya kung paano po nyo ginagalang ang Lolo ko.'
Nahagip ng tingin kong nagpahid ng luha ang Sekretarya ni Don Manuel saka ito pumalakpak.
"Bravo Miss Olga! Hindi ka na nga Bata. Makakaasa ka sa katapatan ko gaya sayong Lolo. I'm proud of you sobra!" pinunasan nito ang sariling luha at muling pumalakpak.
Nagsulat uli si Olga. 'Salamat po. Hindi ko hahayaang bumagsak ang Kumpanya ni Lolo. Salamat po uli.'
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Dragoste"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...