Nilapag ko sa Center table ang cellphone ko saka ako pumunta sa Kusina. Nagluluto na si Olga suot na naman niya ang kupas niyang Apron.
"Mukhang masarap ang niluluto mo Olga? Nilagang Baka ba yan?"
Tumango lang siya. Akala ko magsusulat siya sa Sketch pad niya o sa Notebook man lang. Hindi na nga siya nagsasalita eto at mukhang sent treatment pa ata ako ngayon.
"Pagkatapos nating kumain pasyal tayo." lumapit ako sa kanya saka ako kumuha ng mga plato at kubyertos. Nilagay ko iyon sa maliit kong mesa. Ah... nakalimutan kong bibili nga pala ako ng masmalaki dito.
Nagsandok na si Olga nang Ulam at nilagay iyon sa mangkok saka niya nilapag sa mesa. Habang ako naman ang nagsandok ng Kanin.
Ang awkward dahil Ang tahimik namin ni hindi siya nagpapakita sa akin nang reaksyon. Napaka-plain ng mukha niya ngayong araw.
"May problema ba tayo Olga?" hindi ko na napigilan ang magtanong.
Tumayo siya at kinuha ang Sketch pad niya at Marker. Saka nagsulat.
'Gusto ko nang umuwi kay Lolo... Iniwan mo ko kagabi... Sinabi ko naman sayo na natatakot ako mag-isa. Sana sinama mo na lang ako hindi naman ako manggugulo sa inyo e... saka ayoko na magpakasal sayo. Ayaw mo din naman sa akin diba. Ramdam ko naman yon eh. Saka Hindi din naman kita gusto. Ang sabi ni Lolo aalagaan mo daw ako kaya ako pumayag pakasal sayo... Pero iniwanan mo ko kagabi. Gusto ko nang umuwi kay Lolo!' natulo ang luha ni Olga habang hawak ang Sketch pad. Yun na ata ang pinakamahabang naisulat niya. Pangalawang araw pa lang namin to pero umayaw na agad siya sa bagay ito rin naman ang gusto ko ang manatiling single. Pero aminin ko tinamaan ako sa mga sinulat niya.
"Ummm.... o-okay." pinilit kong tumawa para iwas pahiya. "Pagkatapos nating kumain ihahatid na kita."
Tumango lamang siya saka bumalik sa upuan at tahimik na kumain. Hindi na rin ako kumibo. Wala din naman akong sasabihin. Inubos ko na lamang ang pagkain ko saka ako tumayo at dumeretso sa Kuwarto. Tingin ko kelangan ko nang maligo. Si Olga pa lang ang Babaeng nakapagsulat sa akin ng ganun na hindi niya ako gusto... nakakainsulto.
Paglabas ko nang banyo nakahanda na ang Bag nito at nakatayo na siya malapit sa pinto hawak na niya ang Notebook at Marker niya. Napabuntong hininga ako. Parang may bahagi nang utak ko ang pumipigil sa akin habang ayos lang sa kabilang bahagi.
Napakamot ako sa noo ko. "Baka pwede natin tong pag-usapan."
Umiling siya.
"Okay. Tara na." kinuha ko sa kanya ang Bag pero hindi na niya yon ibinigay ni hindi na rin siya humawak man lang sa braso ko o sa kamay ko. Lihim akong natawa Kasi parang bigla kong namiss yung ganung ugali niya.
MADILIM NA NANG makarating kami sa Laguna. Medyo trapik kasi. Hindi ako nakatawag kay Papa tungkol dito.
Agad na bumaba nang Sasakyan si Olga pagdating na pagdating namin sa Mansyon ni Don Manuel. Nagtatatakbo siya sa loob.
May kausap si Don Manuel. At kahit nakatalikod ay kilalang kilala ko ito. Si Arizze ang Best friend ni Diemoon at President ng Kumpanya na pagmamay-ari ni Diemoon.
Tumayo si Don Manuel nang makita si Olga na tumatakbo palapit sa kanya saka mahigpit na yumakap.
Natigilan ako sa paghakbang nang may isinulat si Olga sa hawak niyang Notebook saka siya umiling. Tumango lang si Don Manuel. Saka umakyat ng hagdan si Olga ni hindi niya ako tinapunan man lang nang tingin.
"Sethorino." kinabahan ako sa tawag na yon ni Don Manuel. "Salamat sa paghatid mo sa Apo ko. Sige na makaalis ka na. Mag-uusap na lang uli kami ng Papa mo."
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romantizm"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...