EPILOGUE

680 30 12
                                    

Anim na taon din ang lumipas at heto kami sa Isla at nagbabakasyon. Simula nang manganak si Olga nakumbinsi ko siyang bumalik sa Syudad. Medyo sakitin Kasi si Lucca at mahirap manirahan kapag tawid dagat saka malayo sa Ospital ang Wanda's Resort. Pero ngayon eto at nagtatatakbo na si Lucca talagang pinahabol niya ako paakyat sa tuktok ng Isla.

"Lucca baka madapa ka!" sigaw ko. Kaso sige pa din ito sa pagtakbo paakyat.

"Mama!" hiyaw nito ng makita si Olga na nakatayo sa gilid ng Puntod ni Lucho.

Nilingon naman agad kami nito saka masayang inilahad ang mga kamay para salubungin ang tumatakbong si Lucca. Saka kinarga ito habang sige ang hagikhik.

"Ikaw ha. Pinapagod mo naman si Daddy mo ha." masuyong sermon nito sa Anak namin.

Niyakap ko ang mag-ina ko nang makalapit ako sa kanila. Saka ko sila pinupog ng halik. Sige ang tawa ni Lucca.

Alam ni Lucca na hindi ako ang tunay niyang Ama. Hindi naman namin itinago sa kanya ang katotohanan tungkol kay Lucho.

"Papa!" lumundag ito pababa Mula sa Mama niya saka umupo sa tabi ng Puntod nito.

"Where here again... Do you miss us Papa?" ganito lage si Lucca sa tuwing napunta kami dito lage niyang kinakausap ang Papa niya.

Hinaplos nito ang Lapida ni Lucho. "I love you Papa."

Isinandal ni Olga sa dibdib ko ang ulo niya. Saka siya bumuntong hininga.

"Thank you for everything Seth. Kahit kelan hindi mo pinaramdam kay Lucca na hindi mo siya kadugo."

Niyakap ko ito. "Mama. Kayong dalawa ang Mundo ko. Kahit anong mangyari wala akong hindi gagawin para sa inyo."

Pinagmasdan lang namin ang Munti naming Lucca habang kinukwentuhan nito ang Papa niya. Kung Buhay si Lucho siguro hindi sila magiging akin... Talagang may Plano ang Diyos para sa bawat isa at baka isa ito sa mga Plano niya.

Pinagtagpo niya kami ni Olga noon pero may dumating na mashigit sa akin... Nagkalayo kami... nawala ang taong yon at bumalik muli siya sa akin kaya hinding hindi ko na siya pakakawalan. Salamat Lord. Lahat ng dasal ko sinagot mo.

----------------------------------------------
Author's Note

Salamat po sa mga bumasa at nagbigay ng comment at mga boto sa gawa ko. Salamat din po sa mga nag follow po sa akin at nagtiwala sa paraan  ko ng pagsusulat. Salamat po dahil pinagtiyagaan niyong basahin Mula umpisa hanggang katapusan ang story ng My Silent Prayers. Lage nyo pong tatandaan na Readers are the success of every Writers. Without Readers there's no us 😁😁😁

Sa bawat pagsulat tanging imahinasyon lang po natin ang maaaring maging limitasyon ng lahat. Salamat po sobra.

Date Published : May. 16. 2022
Date finish : May. 29. 2022
Author : chan zee😁😁😁

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon