CHAPTER THIRTY

422 24 3
                                    

"Pitong Buwan na ngayon ang Tiyan ni Olga. Bale limang Buwan din pala ako dito sa Isla. Parang kahapon lang ah. Saka alam mo ba ang ganda nitong Isla mo pare. Kaya siguro Dito gustong tumanda ni Olga."

Umupo ako sa tabi nang puntod ni Lucho. Pinakaiusapan kasi ako ni Olga na dalhan ko ito ng Bulaklak. Hindi na daw kasi niya kayang maglakad paakyat ng tuktok.

"Alam mo ba pare. Nakakainggit ka kasi mahal na mahal ka ni Olga. Kahit na sa maiksing panahon kayong nagsama biruin mo nakabuo kayo at hindi lang yon pare nakuha mo nang buo ang tiwala ni Olga."

Tumawa ako.

"Hindi gaya ko na halos limang buwan na dito pero walang pagbabago. Grabe ang hirap mong pantayan. Masmahirap pa lang kalaban ang taong Patay na kesa yung Buhay pa. Tinalikuran ko lahat pare. Tumira ako dito kasama siya pero parang ang layo layo niya kahit asa kabilang Kuwarto lang siya..."

May mumunting luha ang lumubaybay sa mga mata ko. Siguro nga nahanap ko na ang katapat ko at si Olga na nga yata. Saglit akong pumikit para damhin ang sariwang hangin. Isa isang bumalik sa akin ang unang araw na nakita ko si Olga. Tahimik lamang siya at napakamasunurin napangiti ako. Kelan kaya babalik ang Olgang nakilala ko dati.

Tumunog ang Cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot.

"Papa?"

"Sethorino. Anak. Kelangan ka munang lumuwas dito may mga pipirmahan kang Dokumento. Kumusta na kayo ni Olga?"

I smirked. "Tingin ko Papa. Wala na akong pag-asa kay Olga. Siguro dapat tanggapin ko na lang na hindi na pwedeng maging kami."

Mahinang tumawa si Papa. "Talagang ganyang Anak. Kung talagang walang pag-asa o di kahit hanggang kaibigan na lang diba. Pwede naman ata yon."

Tumango ako kahit hindi ako nakikita ni Papa. "Sige po. Pupunta na po ako dyan. Magpapaalam na lang muna ako kay Olga."

"Sige. Aantayin kita." ibinaba na ni Papa ang tawag.

Tumayo ako at nagpagpag ng suot kong shorts. Saka bahagya akong umunat.

"Pano ba yan pare. Aalis muna ako ha. Ikaw na muna ang bahala kay Olga. Babalik din ako agad." saka ako nag-umpisang maglakad pababa.

Naabutan ko si Olga na nagtutupi ng mga sampay. Tinignan lang niya ako pagpasok ko ng Bahay. Sanay na ako sa mga ganitong trato niya. Hindi ko siya masisisi dahil ganito din ako sa kanya dati.

Kumuha muna ako ng baso saka ako nagsalin ng malamig na tubig. Ininum ko muna iyon bago ako nagsalita.

"Olga." ni hindi niya ako nilingon nagpatuloy lang siya sa pagtutupi ng mga damit. "Aalis ako ngayon."

Napahinto ito sa pagtutupi. Pero Hindi pa rin niya ako nilingon. Tumayo lang siya saka niya binitbit sa loob ng Kuwarto ang mga damit na tapos na niyang tupiin.

Napailing na lamang ako. Hinugasan ko ang basong ginamit ko. Saka ako humakbang palapit sa pinto ng Kuwarto niya.

"Sige. Aalis na ako. Babalik din ako bago magdilim. May gusto ka bang pasalubong?" pinakinggan kong maigi kung sasagot siya... pero wala ni isang inggay ang nagmumula sa kabilang pinto.

Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng Bahay. Saka ako nagtungo sa dalampasigan. Ginamit ko ang nag-iisang Speed boat na nakatali sa kahoy na daungan nito. Inalis ko na ang Tali saka ko pinaandar ang makina nito.

Malayo layo na ako nang makita ko si Olga nakatayo siya sa dalampasigan. Parang may kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Niliko ko pabalik ng Isla ang Speed boat nang mapansin kong nagpahid ito ng mukha. Baka mapano ang dinadala niya kung umiiyak siya.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon