CHAPTER SIXTEEN

509 23 6
                                        

"Wala pa rin bang Balita kung nasaan na ngayon si Olga?" seryosong tanong ni Papa.

Bumuntong hininga ako. "Wala pa po. Pero kinontak ko na ang mga Pulis na maglagay nang Checkpoint baka sakaling mapadaan sa Lugar nila ang kumuha kay Olga."

Alam kong disappointed sa akin si Papa. Hindi ko siya masisisi. Dapat pala hindi ko iniwan si Olga kagabi masyado kasi akong nagpadala sa emosyon ko nung tanggihan niya ako. Kung kelan gusto ko nang tuparin yung pangakong binitawan ko ko kay Don Manuel saka naman ako nilaglag ni Olga. Napukaw ang malalim kong pag-iisip ng magsalita si Papa.

"Paano kung may ginawa na sila kay Olga?" napatingin ako kay Papa. Iyon ang huling bagay na nasa isip ko pero sana naman hindi mangyari yon.

"Magandang Bata si Olga. At napakainosente niya. Parang ang hirap lang na tanggapin na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya ay magiging ganito pa ang sitwasyon niya ngayon. Sethorino. Anak gusto kong hanapin mo siya at kapag nahanap mo na siya wag mo na siyang pakakawalan." madiin ang bawat kataga ni Papa. Alam kong hindi niya ayoko sinisisi pero ang tanga ko naman para hindi iyon maisip.

Tumango ako saka ako lumaabas ng Opisina ni Papa. Hahanapin ko uli si Olga. Nagpatulong na ako kay Diemoon. Maya private Army ang Pamilyang Ashford... Naalala ko bigla si Zach parang ganito din yong nangyari kay Agatha. Sana naman mahanap namin si Olga.

"O. LAYO KA MUNA NANG konte baka mabasa ka." masayang masaya si Olga habang sige ang tanim ng mga buto.

Ganitong ganito lang naman ang Buhay na gusto ko gaya ng kinalakihan ko sa poder ng Mama ko.

Tumayo si Olga saka nagpagpag ng mga kamay sabay punas sa Duster na suot niya. Ang ganda niyang pagmasdan. Naisip ko bigla pano kung dito na lamang kami bumuo ng pamilya? Kaso napakalayo nito sa mga tao at tawid dagat pa.

"O Teka. Mapuputikan ka niyan. Ako nang magdidilig." natatawang sita ko ng kunin niya ang hawak kong tabo

Huminto si Olga sa paghakbang saka niya ibinuka ang kanyang mga labi. Nasasaktan ako na ako ang naging dahilan kung bakit siya nagkaganon. Sa takot niya nang gabing yon kaya nawalan siya nang kakayahang magsalita.

"A-a-ko..." akala ko sasabihin niya ayoko.

Napangiti ako. Saka ko ibinaba ang bitbit kong timba ng tubig. "Sige dahil nagsalita ka. Ikaw ang magdidilig."

Tumango tango si Olga. "Lu---Lu--cho."

Napahalukipkip na lamang ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan siya na pabalik pabalik sa timba para kumuha ng tubig para ipandilig. Nang maubos na ay binitbit iyon ni Olga saka agad na lumapit sa akin.

"Lu---cho. U--bos na." nayakap ko siya saka ko siya hinagkan sa noo.

"Okay kukuha ako. Basta gusto ko sisikapin mong magsalita ha para kapag nagsalita ka na aakyat tayo dun sa tuktok." turo ko sa maliit na bundok ng Isla. "Tapos sisigaw tayo ng malakas. Gusto mo ba yon?"

Ngumiti ng pagkalaki laki si Olga habang sige ang tango. Inayos ko sa likod ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa maamo niyang mukha.

Tumulis ang nguso ni Olga. May gusto siyang sabihin. Inantay kong magsalita siya.

"O---o---oo. Lucho!" habang hawak ng isang kamay niya ang tabo.

"Okay. Sandali lang mag-iigib na muna ako ha. Doon ka muna sa lilim medyo mainit na e baka mainitan ka nang husto." paalala ko sa kanya. Tumabi naman siya sa ilalim ng Puno. Saka ako naglakad pabalik sa Bahay buti at may ginawa akong gripo sa labas para madaling magdilig nag mga halaman.

Umupo si Olga sa T-shirt ko habang hawak pa din ang tabo. Namewang ako. Bigla kong naisip ang reyalidad na kahit anong mangyari ako pa din lalabas na Mali at kontrabida sa mata ng mga tao... pero wala akong pakialam ang mahalaga sa akin ay si Olga. Kung gusto ni Dad sa kanya na lahat ng Ari-arian ni Olga sa oras na maikasal kami... pero hindi niya pwedeng kantiin ito. Kahit siya ang dahilan kung bakit ako nabuhay dito sa Mundo kakalabanin ko siya sa oras na gawan niya ng masama si Olga.

Kumuha pa ako ng isa pang timba kaya dalawang timba na ang buhat ko pagbalik ko sa taniman namin.

"Lucho!" nag-aalalang lumapit sa akin ni Olga. Siguro gusto niyang sabihin ng mabigat yan Lucho pwede namang isa isa lang.

Dahan dahan kong nilapag sa lupa ang mga timba.

"O yan madami ka nang tubig na pangdilig. Tapos mamayang hapon na naman uli natin yan didiligan. Sigurado ako na mabilis silang lalaki lahat!"

Dali daling sumalok ng tubig si Olga mula sa dala kong timba saka niya isa isang dinilig ang mga tanim namin.

Medyo mainit na kaya nagpasya na kaming pumasok sa loob ng Bahay. Naghugas lang muna ako ng mga kamay ko at braso pati mukha. Mamaya na lang ako maliligo kapag nakapagpahinga na. Naghugas din ng kamay si Olga.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko. May malaking freezer akong binili kaya madami akong stock ng mga Karne. Pero nag-utos ako sa mga tauhan ko na ibili ako ng mga Buhay na Manok at Baboy pararamihin ko dito. Para may sariwang Karne naman ako na maipapakain kay Olga.

"Lucho." sinisikap na naman niyang magsalita. "Pi-p-ri-to. Pirito Lucho."

Humarap ako sa kanya saka ko siya muling hinagkan sa labi niya. Saglit lang naman yon. Di ko matiis e Ang pupula Kasi at ang lambot ng mga labi ni Olga.

"Okay. Piritong Manok! Para sa Reyna ko. Upo ka muna dun pasensya na ha Wala tayong TV. Pero Meron namang Radyo. Kung gusto mo pwede mo namang patugtugin yon."

Sumunod si Olga sa sinabi ko. Kinuha niya ang Radyo saka niya isinaksak at binuksan. Ang ganda ng tugtog. Kanta ng sikat na sikat ngayon na SB19. Umupo si Olga sa maliit na couch saka siya tahimik na nakinig.

Sa tuwing ika'y nakikita
Di mapigil ang luha sa aking mata
Pano nga ba? Pano nga ba?
Pano nga bang limutin ka?
Kung sa puso ko ika'y nag-iisa...

Mali ba na ako'y umaasa?
Tama bang nadarama para sa'yo Sinta?
Bakit nga ba? Bakit nga ba?
Bakit nga ba Mahal kita?
Kung sa Puso mo ay matron ng iba...

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Oh, buhos ng ulan, wag nang tumila pa
Pano mapapawi... Labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa
Turuan mo naman akong limutin ka

Lahat din ay mawawala
Kasabay ng pagtila ng ulan....

Napansin kong malayo ang tanaw ni Olga. Siguro hinahanap hanap niya ang Siyudad at si Sethorino. Ibinaling ko na lamang sa paglalagay ng Breading mix ng Manok ang isip ko. Alam kong wala akong laban Kay Sethorino na yon pero kumpara sa kanya alam ko sa sarili ko na totoong mahal ko si Olga. Alam kong tinanggihan ako ni Don Manuel noong hininge ko ang kamay ni Olga para ako na ang bahalang mag-alaga sa kanya... Nasaktan ako non Lalo ng sabihin niyang si Sethorino Cru ang napili niyang mapangasawa ng Apo niya para maprotektahan ito at ang kayamanan nila.

Hindi ko kelangan ng yaman nila. Si Olga lang sapat na sa akin. Kaya ko siyang buhayin sa mga parang alam ko. Kung sakaling itakwil ako ni Dad bilang Anak niya tatanggapin ko makasama ko lang si Olga.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon