CHAPTER TWELVE

417 25 4
                                    

Naglalaba si Olga. Ayaw niyang ipa-laundry ang mga damit namin kasi daw nakakahiya na makita nang ibang tao pati panloob na gamit namin.

"Tulungan na kita?"

Tumango siya kaya umupo na ako sa tabi niya sabay kaming nagkusot ng mga damit. Tahimik lang talaga si Olga. Napakaseryoso niya habang naglalaba. Pinagmasdan ko siyang maigi... napako ang tingin ko sa mga labi nito. Kulay Rosas ang mga yon siguro masarap humalik si Olga? Hindi ko mapigilan ang mapangiti nabigla ako ng wisikan ako ni Olga ng tubig na may sabon.

Napatayo ako. "Olga! ah Ganon ha! Lagot ka sa akin ngayon!" saka ko siya winisikan ng tubig na galing sa gripo sige ang tawa nito. Tumayo siya saka lumapit sa akin at binasa din ako ng tubig na galing sa gripo.

Tuwang tuwa si Olga. Magtatatlong linggo pa lang kaming magkasama sa iisang bubong pero pakiramdam ko parang ang tagal tagal na naming magkakilala. Sa loob ng Tatlong linggo na yon ni minsan hindi pumalya si Olga sa pag-asikaso sa akin araw araw.

Ang ganda pala niya lalo kapag natawa. Sige ang wisik niya sa aking ng tubig kaya napaatras ako at nawalan ng balanse bumagsak ako sa tiles na sahig nang Laundry area namin... saktong naitukod ko ang ang braso ko kaya hindi ako nabagok.

Napapikit ako sa sakit ng braso ko.

"SETH!!!" nawala ang nararamdaman kong sakit at napatitig ako kay Olga.

Lumuhod si Olga sa tabi ko. Umiiyak siya saka niya hinawakan ang braso ko.

"O-Olga? Pwede bang paki-ulit?"

Minasamasahe muna ni Olga ang braso ko saka siya tumitig sa akin basang basa ng luha ang kanyang mga mata.

"Please... Olga.". pakiusap ko sa kanya.

Ginalaw ni Olga ang kanyang mga labi at mataman na tumitig sa akin habang hawak pa rin niya ang braso ko.

"S-Seth. Seth. Seth."

Wow.... ang sarap pakinggan nang pangalan ko kapag si Olga ang bumabanggit... Ito ang unang pagkakataon na narinig ko siyang nagsalita. Hindi mo mapigilan ang maluha.

Hinaplos ko ang maamong mukha ni Olga... "Paki-ulit ulit."

Hinawakan niya ang kamay ko saka ngumiti. "Seth..."

"Ang galing mo Olga! You really did a good job. Matutuwa si Don Manuel niyan!" hinagkan ko siya sa noo.

"Seth. Seth." paulit ulit niyang binibigkas ang pangalan ko.

Parang batang kakatuto pa lang magsalita itong si Olga. Sige ang banggit niya sa pangalan ko habang tinatapos namin ang mga labahin.

Masaya akong kahit pano nakakapagsalita na si Olga. Pero dapat manatiling lihim muna hanggang mahuli ko kung sino at bakit natatakot si Olga.

NIYAYA KO ANG MGA PINSAN ko na maghang out sa paborito naming Heaven&Hell Bar.

Isang skinny jeans na Blue ang suot ni Olga at Gray na t-shirt at white sneakers shoes. Nakalugay lamang ang medyo curly niyang buhok.

Pareho kami ng Kulay ng suot na t-shirt at jeans pati ng sapatos. Nagdala ako ng jacket na may hood para kung sakaling lamigin si Olga.

Nasa loob na ang Apat. Kami na lang ang kulang. Pinark ko muna ang Kotse saka ako bumaba para pagbuksan si Olga. Medyo naiilang si Olga sa Lugar na pinuntahan namin. Ang higpit nang kapit niya sa sa kamay ko.

"Seth." saka siya umiling.

Pinisil ko ang ilong niya. "Talagang gustong gusto mo ang pangalan ko ha. Ummm wag kang matakot asa loob na sila. Tara."

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon