Madilim kaya hindi ko gaanong tanda ang Lugar. Basta ang alam ko nasa isang Private Resort kami. Naglakad kami pagkababa namin sa Kotse niya. Akala ko papasok kami sa isa sa mga Cottage pero mali ako. Dumeretso pa kami ng lakad. Huminto kami sa may naka-angklang Speed boat.
Hindi ako marunong lumangoy kaya napaatras ako at napatitig kay Lucho.
"Wag kang mag-alala hindi kita lulunurin. Halika kumapit ka lang sa kamay ko."
Matagal kong tinitigan ang malaking kamay nito. Ang kamay niyang yon ang pumatay sa mga magulang ko. Maluha luha na lamang ako habang iniabot ko sa kamay niya ang kamay ko.... parang tinanggap ko na ayos lang na pinatay niya ang mga magulang ko. Napapikit ako lalo ng nasa Speed boat na si Lucho... umiling ako.
"Hawak ko ang kamay mo Olga. Tumalon ka na lang." mahinahong paalala niya. Naisip kong tumakbo palayo kaso Meron siyang baril. Pano kung totohanin niyang barilin ang mga paa ko. Maslalo akong mahihirapan.
Mahigpit akong kumapit sa kamay ni Lucho saka ako tumalon. Bumagsak ako sa matipunong dibdib nito.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Lalo akong napakapit sa kanya nang umandar na ang Speed boat... sunod sunod ang patak nang luha ko. Ang layo layo ko na kay Sethorino... siguro dapat tanggapin ko na lamang na ganito ang magiging katapusan ng Buhay ko.
"Umiiyak ka ba Olga? Hindi naman kita sasaktan. Ilalayo lang kita kay Dad. May binili akong Isla at doon tayo pupunta. Sigurado akong magugustuhan mo doon." malumanay na sambit ni Lucho. Ang layo niya sa kaninang Lucho.
"Doon tayo bubuo nang Pamilya. Pangako iingatan kita. Hindi ko naman ginustong patayin ang magulang mo. Talagang kinailangan lang..."
Mahigpit akong niyakap ni Lucho. Nanatili lamang ako nakatanaw sa mga ilaw ng Siyudad... mamaya nasa Isla na kami... Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang takbo ng Buhay ko kung dito ako titira kasama siya.
BUKAS ANG PINTO ng Unit ko. Agad akong tumakbo. Nabitawan ko ang bitbit kong incan Beer saka ako mabilis na tumakbo.
"OLGA!!!!" sigaw ko pero walang Olga ang lumabas. Hindi basta basta lalabas si Olga lalo at nagpaalam naman ako na sandali lang ako.
Sinarado ko ang Unit ko. Pumunta ako sa Receptionist at nireport ang nangyari. Sinamahan ako ng Isa sa mga ito sa Security Office.
Pag-alis ko may lalakeng nakasumbrero ang kumatok at pumasok sa loob ng Unit ko. Paglabas nito kasunod na niya si Olga halatang ayaw niyang sumama. Tiim bagang ako habang pinapanood ang CCTV footage lalo ng marinig ko ang sinabi ni Olga ayoko. Hanggang doon lang ang CCTV footage at ang masaklap pa ay sira ang ilang sa camera nila sa parking lot.
Sino ang lalakeng yon?! Hindi kita ang mukha niya sa CCTV dahil sa suot niyang sumbrero. Saan ko hahanapin Ngayon si Olga!? Napasuntok na lamang ako sa pader.
"DITO NA TAYO TITIRA simula sa araw na to." binuhat ako ni Lucho palabas ng Speed boat. Saka niya sinabihan ang mga tauhan niya na maaari na silang umalis.
Tanaw na tanaw ko ang liwanag ng Siyudad. Napakaganda nitong tignan kung iba sana ang sitwasyon ko... kaso para sa akin siguro Isang pangarap na lang ang makatapak muli sa kabilang ibayo.
"Halika na Olga. Medyo malayo lang ng konte ang lalakarin natin. Sigurado akong magugustuhan mo ang Bahay na titirahan natin." may flashlight si Lucho. Hinawakan niya Ang kamay ko saka kami nag-umpisang maglakad.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...