CHAPTER SIX

475 24 3
                                    

Nasa Sea side nga kami akala ko sa MOA yun pala dito sa Baywalk. Kahit kelan talaga sabi ko na nga ba e hindi sila matinong kausap.

Ang lake nang pagkakangiti ni Eros habang bitbit ang isang Case ng Red horse. Kasama nitong bumili si Kuya Demitri Buti at pinagbentahan sila mga mukha Kasi silang ewan talagang naka-Coat pa!

Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. Si Kuya Santiago at may dala siyang isang plastik ng Balot.

"Para maiba naman. Puro na lang kasi tayo Club. Kahit pano dito tahimik. Yun nga lang madaming tao." saka ito kumuha nang isa at binasag iyon iyon sa noo ko.

"Arayyyy! Kuya Santiago naman oh. Ginawa pang sangkalan tong noo ko." reklamo ko habang minamasahe ang noo ko.

Nagtawanan sila. Saka isa isa kaming inabutan ni Kuya Demitri ng Red horse.

"Aba Boyscout ah! Talagang may Bottle opener kayong dala?" natatawang sita ko.

"Ah ito ba?" Tukoy ni Kuya Demitri sa hawak niyang Bottle opener. "Ipinahiram lang to sa amin ng chicks ni Eros!"

"Uy! Chicks ni Eros ka diyan Kuya! Sayo kaya nakatingin yung Babae kasi mas-type ka niya!" sabay hagalpak nang tawa ni Eros.

Medyo napapatingin sa amin ang ibang mga naroon hindi dahil sa maingay kami kundi dahil sa nagtataka sila sa mga hitsura namin tapos andito kami sa ganitong Lugar nainom at namumulutan pa.

Nakahelera na kaming lahat sa dike. Nakaharap kami sa dagat. Masarap ang banayad na dampi ng hangin sa mukha ko. Maslalo ko tuloy naaalala si Olga. Pumikit ako para damhin yon. Parang nakakaramdam ako ng lungkot.

"So. Anong balita Seth? Bakit hindi mo kasama si Olga?" tanong ni Kuya Santiago marahan kong minulat ang mga mata ko saka deretsong tumitig lang ako sa kawalan. Umiling ako.

"Anong sagot yan Kuya Seth? May dala pa naman akong Tatlong pack ng Cookies ibibigay ko sana sa future Misis mo e. Ano nagbreak na kayo agad?"

Ngumiti ako. "Parang ganun na nga... hinatid ko siya kahapon sa Laguna."

"Bakit naman? Diba Hindi siya nagsasalita? Paanong nakapag-away pa kayong dalawa?" tanong ni Kuya Damian habang hinihigop ang sabaw ng Balot.

I gasp. "My fault Cous. I Dated Pamela last night. Then it happens. I came home late and saw Olga sleeping under my Bed."

"What? You really go out with that Bitch! Oh come on Seth! Where's your brain. Hello!" komento ni Kuya Damian.

"So. May nangyari?" tanong ni Eros.

Tumango ako.

"What a piece of shit Sethorino! Talagang ginawa mo nga. Hindi pa nga kayo nakakasal talagang pinaninindigan mo na ang mga gusto mong mangyari ha. Bilib din naman ako sa kaengotan mo Seth!" naiiling na sermon ni Kuya Santiago.

"Alam ko may mali ako... pero kasi hindi mapigilan ang sarili. Alam nyo naman yon diba na---"

"Matagal ka nang nag-iinit kay Pamela." putol ni Eros sa sasabihin ko. "Alam namin yon Kuya Seth... kaso come to think of it. Hindi matinong Babae si Pamela. Yung tipong pang one night lang siya tapos ipinagpalit mo si Olga dun! What the flanggang walang tabo!" sigaw nito. Pinagbabawal kasi ng mga Kuya namin na magmura si Eros kaya ayan improvise na lang kapag may time.

Tumango tango lang si Kuya Santiago akala kasi nito itutoy ni Eros ang What the fuck kaya nagkatawanan na lang kami. Bawal kung bawal talaga. May katuwiran naman si Eros. Palibhasa ang type na Babae e yung masmatanda sa kanya.

Nakakailang bote pa lang ako samanalang si Eros nakadalawa na ata. Nagkatinginan kami nang tumayo ito sa dike. Akala namin tatalon na ang loko loko. Itinaas nito ang hawak na bote ng Red horse saka sumigaw. Nataranta kami sa boses lasing nito. Nakakahiya pero ayaw paawat e kaya hinayaan na lang namin.

"Hoy!!! Divina!!! Hindi ka kagandahan!!!! Pero mahal na mahal kita!!! Bakit ba ayaw mo sa akin!!! Bakit ba sa huli yang walang kwenta mong Asawa ang pinili mo!!!! Sana bangungutin siya!!!!"

"Hoy Eros!" hampas Dito ni Kuya Demitri. Tumigil naman si Eros saka humarap sa amin napatitig kami sa kanya. Umiiyak si Eros. Siguro talagang mahal niya yong Divina.

"Umupo ka nga nakakahiya nakatingin silang lahat sa atin!" saway dito ni Kuya Damian. Sumunod naman ito. Kaso Hindi ito tumigil sa pag iyak.

Parang batang nagsusumbong sa amin si Eros. Nakakapanibago dahil ngayon lang namin siya nakitang ganito.

"Mga Kuya panget ba ako?" pare pareho kaming umiling. "Bakit ayaw sa akin ni Divina? Maspinipili niya yung Asawa niyang iniwan siya! Ako na andito lang ayaw niya sa akin!"

"Ano ba yan Eros! Wag mong iyakan yan. Babae lang yan! Saka pareho lang silang magkapatid na paaasa! Hindi naman kagandahan tapos paasahin lang ako!" reklamo ni Demitri.

Natawa sina Kuya Damian at Kuya Santiago. Palibhasa walang problema sa lovelife.

"Alam nyo kayong tatlo dapat kasi magtino kayo para hindi kayo binabalewala ng mga gusto nyo."

"Tama si Kuya Santiago. Basta ako paguwe ko asa kabilang kuwarto lang siya. At sigurado akong inaantay niya ako o pwede din nang tulog na siya. Ikaw ba Kuya?"

"Hay naku Damian sigurado ako tulog na siya bawal sa mga buntis ang nagpupuyat e. Saka ano ba kayong dalawa akala ko ba si Seth ang kelangan ng payo e masmukhang kayo ang may kelangan nun ah. Umayos nga kayo! Masyado kasi kayong babaero o ayan di dumating yung tao g magpapatupi ng mga tuhod niyo. Ano iyak pa more kalalakeng tao e. Tumig na nga kayo!" saway sa kanila ni Kuya Santiago.

Napaisip tuloy ako pano kung si Olga na ang magpapatupi sa akin? Kayaning ko kaya masmasahol pa ako sa dalawang to? Uming na lamang ako saka pinakinggan ang mga hinaing nang dalawang Cru na nagmamahal sa magkapatid na David. Talaga nga naman... Umunat na lamang ako. Tingin ko dapat panindigan ko si Olga isa pa namiss ko na siya... kahit dalawang araw lang kami nagsama talagang hinahanap hanap ko siya.

"Maiba ako Seth. Kilala mo na ba kung sino yung lalakeng sumalbahe sa mga magulang ni Olga at sa kanya.". seryosong tanong ni Kuya Santiago.

"Hindi Kuya."

Tinungga muna nito ang laman nang hawak niyang bote ng Red Horse. "So. Anong plano mo. Hahayaan mo na lang ba talaga na matapos na kayo ni Olga o babalikan mo siya doon sa Laguna."

Nilagok ko muna ang hawak kong bote ng Red horse. "May mga aayusin muna ako bago ko siya kunin uli sa Laguna."

Kinuha ni Kuya Santiago ang telepono niya saka may tinawagan bago ako sagutin. "Kelan naman yang the return of the comeback na yan ni Olga?"

"Tuesday ngayon diba Kuya?" tumango ito. "Baka sa Thursday kukunin ko na siya Kay Don Manuel."

Tinapik tapik ako ni Kuya Santiago saka ngumiti at nag-thumps up. "Hello Manong Ben pwede nyo ho bang isama nyo dito sa Baywalk si Manong Isko pasensya na po ah kung naistorbo ko kayo. Nalasing na ho kasi si Eros at Demitri. Okay ho. Salamat. Antayin ho namin kayo dito."

"Tara Seth isauli na natin tong Case pati mga bote. Wala nang pag asa yang dalawang yan oh bagsak! Kaya ikaw umayos ka baka next time na magbonding uli tayo Ikaw naman yung ganyan. Ewan ko ba bakit kayong tatlo e napakababaero.... Si Kuya Santiago hindi naman ganyan at lalo na ako."

Nilagay ko na sa Case ang huling boteng hawak ko saka ako tumayo at tinulungang magbuhat si Kuya Demitri. May tama naman sila. Pero aayusin ko muna lahat bago ko siya kunin.


My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon