CHAPTER EIGHT

469 24 5
                                    

Sinundan ko nang tingin si Arizze. Lihim akong napangiti dahil maspinili ako ni Olga kesa sa isang yon.

Alam kong hanggang ngayon hindi makalimutan ni Arizze ang nangyari kay Mariz. Hindi ko naman kasalanan kung ako ang maspinili nito.

Humiwalay sa akin si Olga saka niya ako tinitigan nang husto. Parang may gusto siyang itanong. Ngumiti ako saka ko inabot muli ang mga dala ko. Tumango lang siya saka iyon kinuha. Nakahinga ako nang maluwag nun ah. Buti na lang.

Umupo si Olga. Tinapik niya ang niya Ang couch. Siguro pinapaupo niya ako. Sumunod naman ako sa gusto nito.

"Ummm Olga asan si Don Manuel?" tanong ko pagka-upo ko.

Kinuha niya ang Notebook at Marker saka siya nagsulat.

'Umalis si Lolo may pinuntahan siya. Pero mamaya bago gumabi andito na siya. Bakit ka nga pala andito?'

Tumikhim ako. "Ah. Okay tingin ko aantayin ko na lang siguro si Don Manuel. Ano kasi----ummm iuuwe na kita yun... k-kaya andito ako."

Tumaas ang dalawang kilay ni Olga. May isinulat uli siya sa hawak niyang Notebook.

'Bakit mo ko iuuwe? Diba ayaw mo naman akong alagaan? Saka iniwan mo ko nung may Date ka. Tapos Ang tagal mong umuwi... takot na takot ako. Ayoko na sumama sayo. Dito na lang ako sa Bahay ni Lolo.'

Seryoso ang mukha ni Olga. Ni hindi siya kumukurap habang nakatitig sa akin. Bahagya akong napangiti sabay kamot sa noo ko.

I gasps. "Look Olga. I---I'm sorry." pikit mata kong bigkas... first time akong nag-sorry sa isang Babae kadalasan sila ang humihinge nang tawad kahit wala silang ginagawang mali.

Pagmulat ko nang mata ko nabasa ko agad ang sulat ni Olga.

'Para saan pa ang Pulis kung lahat nadadaan sa sorry? Lilinawin ko lang sayo na wala akong gusto sayo Sethorino. Sabi kasi ni Lolo aalagaan mo daw ako kaya pumayag ako. Pero parang hindi naman e. Hindi ko makakalimutan yong gabing yon Ang tagal mong bumalik. Umuwe ka na hindi na ako sasama sayo.'

Tumayo si Olga. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "Baka pwedeng bigyan mo ako ng second chance? Aalagaan kita. Hindi na kita iiwanan."

Binawi nito ang kamay saka tumitig sa akin at umiling. Naglakad ito papunta nang hagdan at iniwan akong mag-isa. Akala ko magiging madali ang lahat pero hindi pala. Isa pa bakit nakakaramdam ako ng lungkot?

Naku! Lord wag naman sanang si Olga na nga ang magpapatupi ng tuhod ko kasi mukhang masmatigas pa siya sa bato.

Nagbilin na lamang ako sa Yaya ni Olga bago ako umalis.

BUMIYAHE NA AKO pabalik nang Maynila. Pakiramdam ko may kulang. Parang yung Pelikula lang na Tinimbang ka ngunit Kulang! Natawa ako sa naisip ko.

Nag-ring ang cellphone ko. Kihuna ko iyon saka sinagot nilagay ko sa speaker phone para kahit nagda-drive ako ay masagot ko ito. Numero iyon ni Don Manuel.

"Hello?" bungad nang nasa kabilang linya. Nagtaka ako hindi yon boses ni Don Manuel ah.

"Who's this?" tanong ko sa tumawag.

"Ammm Sir dito po ito sa Mercy Of God Hospital. Kamag -anak po ba kayo nang pasyente?" sagot ng nasa kabilang linya.

"P-pasyente?" takang ulit ko.

"Opo. Kadadala lang dito sa Ospital nang pasyente pakipuntahan na lamang po dito. Nasa Emergency Room po siya. Sige ho." saka nito binaba ang tawag.

Pinarada ko saglit sa gilid ng kalsada ang Sasakyan ko. Hindi ko alam ang Ospital na yon kaya gumamit muna ako ng Wayz. Pagka-set ko agad kong pinaandar ang kotse ko papuntang Ospital.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon