KABANATA 3

487 21 1
                                    

Seth's POV
       
Nabalikwas ako ng bangon nang hindi ko na makapa si Olga sa tabi ko kinabahan ako baka may nangyari na sa kanya kaya wala siya.

Agad akong tumayo at lumabas nang Kuwarto nang makita ko siya sa Kusina at naluluto ng Almusal. Wow kinabahan ako nun ah! Kapag nagkataon mayayari ako kay Papa at kay Don Manuel. 

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Napakasimple lang niya sa suot niyang White T-shirts at Maroon na palda. Nakatali ang buhok niya at may suot siyang apron medyo may kalumaan na ang isang yon... siguro madalas niya iyong gamitin sa totoo lang ngayon pa lang ako nagdala ng Babae sa Condo ko na nagawa akong ipagluto. Inantay ko kung magsasalita si Olga o kakanta man lang gaya ng iba pero hindi... napakatahimik pa rin niya baka talagang dinamdam niya ang mga nangyari sabagay ikaw ba naman angmawalan ng magulang at nakita mo pa kung paano sila pin*tay sa mismong harap mo ang sama ng Lalaking yon! Ang sabi ni Don Manuel hindi naman daw pinagnakawan sila Olga... Ano yon gusto lang niyang pumatay at mangh*lay?

Nagulat si Olga pagharap niya para ilagay sa mesa ang hawak niyang plato ng Pancake.

Ang cute nang reaksyon niya. Napangiti ako.  "Hi. Good morning."

Ngumiti lamang siya at tumango. Inilapag muna niya ang hawak saka siya kumuha ng mga plato at tinidor. Nakatingin na lamang ako sa kanya medyo naninibago ako na pinagsisilbihan ako madalas kasi na ako lang ang nagawa ng lahat. Akala ko tapos na siya kumuha pa siya ng tasa saka niya isinalin doon ang Brewed Coffee na hinanda niya.

"Salamat. Olga."  nang iabot niya iyon sa akin saka siya umupo sa balanteng silya medyo may kaliitan lang ang mesa ko kasi pang dalawahan lang talaga ito tutal ako lang naman mag-isa kaso tingin ko kailangan ko ng bumili ng medyo malaking mesa hindi halos kasya lahat ng niluto ni Olga.

Tumikim ako nang Pride rice. Wow! Ang sarap! Napasulyap ako kay Olga habang ngumunguya tahimik lamang siyang kumakain. Masarap pala siyang magluto.

"Sinong nagturo sayo magluto?"  basag ko sa katahimikan namin tumingin siya sa akin at umiling saka tumayo at pumunta sa kwarto paglabas niya may dala na siyang Notebook at Marker. As usual. Talaga bang ganito kami mag-uusap? Parang ang awkward naman!

May sinulat si Olga.

'Pinapanood ko lang sila Yaya kung paano magluto. Bakit hindi ba masarap?'   malungkot niyang tanong.

Umiling ako.  "Masarap ka palang magluto."

Ngumiti siya at nagsulat.  'Sabi kasi ni Lolo gawain daw ng mabait na Asawa ang pakainin ng tama ang Asawa niya.'

Para akong nabulunan sa nabasa ko. Grabeh naman ano ba ‘to? Talagang aral na aral niya yung mga bilin ni Don Manuel. Nainum ko tuloy nang deretso ang kape ko kahit mainit pa.

"Okay. Wow ang bait mo namang Apo masunurin kay Lolo pero hindi pa naman tayo kasal Olga kaya wag ka munang masyadong magpaimpress sa akin. Okay"

Nag-thumps up siya.

Hay... Mamaya nga tatawagan ko si Papa para kausapin tungkol kay Olga.

"Nga pala Olga aalis ako ngayon ha may meeting kami nga mga Pinsan ko. Bale i-lock mo lang ang pinto at wag na wag kang lalabas okay." 

Mukhang ayaw ni Olga sa ideya na iiwanan ko siya mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko saka siya umiling ng umiling parang nakiki-usap siya na wag ko siyang iwanan.

"Ano ba Olga sa Opisina lang ako pupunta. Uuwi din ako." masuyo kong sambit io ang dahilan kung  bakit ayokong mag-asawa dahil may hahadlang na sa mga balak kong gawin.

Napabuntong hininga na lamang ako ng umpisa na siyang umiyak.  I rolled my eyes.  "Okay sige isasama na lang siguro kita basta wag kang makulet para hindi magalit ang mga pinsan ko ha."

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon