CHAPTER ELEVEN

426 24 5
                                    

Palabas na kami ni Olga nang Conference Room ng huminto siya at nanginginig na kumapit sa akin.

"Bakit Olga?" tanong ko.

Nangingilid ang mga luha niya. Bakit kaya? Kinuha ko ang panyo ko sa loob ng bulsa ng suot kong pants saka ko marahang pinunasan ang pisnge ni Olga.

"How sweet. I envy you pare." napalingon ako sa pamilyar na boses na yon.

Nakangiti ito pero yung tipong nakakainsulto! Tinitigan nito si Olga kaya lalong nanginig ito. Kinabig ko papuntang likod ko si Olga baka hindi lang siya sanay na may nakatitig sa kanyang ibang lalake. Saka niya mahigpit na kinapitan ang likod ng Coat ko. Teka meron ba akong dapat malaman tungkol sa lalakeng to?

Nangunot ang noo ko. "What do you want Mr. Salvatore?"

He smirked. "Nothing. I just wanna say Hi to the new Owner of the Company. Hindi naman siguro masama yon Mr. Cru."

Ngumisi din ako. "Hindi naman. Pero mukhang hindi interesado sa Hi mo si Olga. Excuse us may mga aasikasuhin pa kami."

Naglakad ako at nilagpasan ito. Ramdam ko ang mahigpit na kapit ni Olga sa likuran ko kaya inakbayan ko siya.

"May problema na ba Olga?"

Umiling lamang siya. Sigurado ako na nanggigilaiti ngayon ang mga Board members ni Don Manuel hindi nila akalaing may natitira pang kamag-anak ang Matanda.

"ANO!? GINAWA YON NG SETH NA yon!" hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Dad.

Hilot hilot nito ang sintido habang nakaupo sa couch ng Opisina niya. "Ginawa na nga niya. At pinagmukha niya akong TANGA sa harap ng mga Board members!"

Umiling iling ako. "Ang kapal ng Babaerong yon na gawin sa inyo ang ganun. Don't worry Dad may mga Plano na po ako."

Tinitigan ako nang masama ni Dad. "Plano? Talaga lang ha? E yung simpleng patayin mo lahat sila e hindi mo nga nagawa... Yan pa kayang bago mong Plano? Naku Lucho gawin mo na lang nga tapos saka mo sabihin sa akin kapag may resulta na. Pero siguraduhin mong hinding hindi ka papalpak!"

Namewang ako saka ngumisi. "I will Dad. At lahat ng ito magiging atin sa mga susunod na araw."

"Okay sige na umalis ka na nang Opisina ko at may aayusin akong mga Reports dahil si Sethorino Cru ang babasa nito sigurado ako na madaming itatanong yon at ayokong magisa sa sarili kong mantika."

"Okay. Dad. See you around.". saka ako naglakad palabas ng Opisina nito. Itutuloy ko ang plano kong pagkuha kay Olga.

Pero pano ko siya makukuha kung laging nakabantay si Seth? Kelangan nang masmagandang Plano para hindi na ako pumalpak.

ISANG LINGGO NA RIN ang lumipas simula ng mag-take-over si Olga sa Kumpanya ng Lolo niya. Naging maayos naman ang lahat. Kaso pansin kong laging siyang balisa at parang natatakot Lalo na kapag nasa paligid si Lucho.

Sinama ko si Olga dito sa Kumpanya ko. Sinabihan ko ang Sekretarya niyang si Emma na sa Gmail account ko lahat isend ang mga reports at kung may dapat akong pirmahan ay ipakukuha ko na lamang sa Mensahero ko.

"Olga." tawag ko nang mapansin kong malalim itong nag-iisip . May problema siguro siya na hindi niya sinasabi sa akin. Pero ano naman kaya?

Mukhang hindi niya ako narinig kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Olga." sabay hawak ko sa balikat nito. Nabigla ako ng magulat si Olga at agad na nagtatatakbo sa gilid nang Opisina ko. Nangunot ang noo ko. Parang ngayon lang uli siya nagkaganito ah. Ano kayang dahilan?

Umiiyak si Olga habang nanginginig sa takot.

Lumapit ako sa kanya. Bahagya akong yumuko. "Olga... Ako to si Sethorino."

Nag-angat siya ng tingin. Pinipilit niyang magsalita pero nanginginig lang ang mga labi niya.

"Wag mong pilitin na makapagsalita. Kung nape-pressure ka sa mga nangyari... wag kang mag-alala kasi tutulungan kitang magpatakbo ng Kumpanya mo. Okay."

Sunod sunod lang ang tango ni Olga. Meron talagang mali! Para siyang nababaliw na hindi ko malaman o baka may kinatatakutang lang siya. Pero ano naman kaya yon?

Umupo ako sa harapan ni Olga. "Baka pwede mo akong bigyan ng isang mahigpit na yakap."

Tumango siya at nagpunas ng mukha sabay damba sa akin bahagya pa akong napahiga kaya natawa ako. Nanginginig pa rin siya.

"Olga. Kung may problema ka. Pwede mo namang sabihin sakin. Kung may kinatatakutan ka... pwede mo ring sabihin sakin kung----"

Nahinto ako sa pagsasalita nang humigpit ang yakap niya pagkatapos kong banggitin ang salitang kung may kinatatakutan ka. Ibig sabihin Meron nga siyang kinatatakutan pero ano? O masmagandang sabihing sino?

Niyakap ko siya. Umayos ako nang pagkaka-upo sa sahig saka ko hinagod ang likod niya.

"Sssshhhh... Na-gets ko na. May kinatatakutan ka. Sino Olga? Sabihin mo lang. Ako nang bahala. Sssshhhh."

Humagulhol ito ng iyak.

Nitong mga nagdaang araw bihira na siyang nahawak ng Notebook at Marker niya lage na lamang siyang nakatulala minsan naman para siyang gulat na gulat at wala sa sarili nagsimula lang yon nung mag-take-over siya sa Kumpanya ni Don Manuel..... Sandali! Baka may Isa sa kanila ang kinatatakutan ni Olga. Pero sino?

Bahagya ko siyang dinuduyan habang nag-iisip ako kung sino sa kanila ang kinatatakutan ni Olga... nang biglang may sumagi sa isip ko. Si Lucho!

Pero bakit? Isa lang naman ang pwedeng mangyari na kaya naging ganito si Olga... Baka si Lucho ang lalakeng umabuso sa kanya at pumatay sa mga magulang niya. Pero hindi pa ako sigurado. Pero kung siya man yon... humanda siya!

Nakatulog na si Olga. Binuhat ko siya saka ko inihiga sa couch.

Kung si Lucho nga ang lalakeng yon. Mapapatay ko siya. Ang lakas pa nang loob niyang kunin sa poder ko si Olga. Ah. Gets ko na si Mr. Salvatore nga pala ang Ama niya. Ang kanang kamay ni Don Manuel. Oo nga naman kung walang tagapagmana ang Matanda Automatic na sa kanya mapupunta lahat ng yaman nito. Wow ang galing nilang mag-isip ha pero mas-advance akong mag-isip sa kanila. Sisiguraduhin kong mapapa sana all na lang silang mag-Ama.

Teka. Kung ako si Lucho ano ang pwede kong gawin para makuha si Olga? Isip. Ah! Syempre tumataginting na Kidnapped ang mangyayari. Okay sige. Makikipag laro ako sa kanilang mag-ama kung si Olga ang gusto nila o di be it!

Kinuha ko ang cellphone ko saka ako nagsend mensahe sa mga guwapo kong pinsan. Excited na ako sa kalalabasan nito. Sino kayang kawawa? Si Batman ba o si Superman? Syempre ano pa ba o di bahala na si Wonder Woman!

Lucho. Here I come!




My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon