Natahimik kaming lahat. Tanging inggay ng mga tao at tugtog lang ng musika sa Club ang naririnig namin. Inaantay ko ang sagot ni Olga.
Hindi ko man talaga gustong pakasalan si Olga. Pero parte to ng Plano ko para kumagat ang prey ko. Kung si Lucho nga ang taong matagal ng hinahanap ni Don Manuel... sigurado akong mag-re-react siya sa proposal ko sa sandaling malaman niya ito.
Namimilog ang mga mata ni Olga. Alam kong hindi siya naniniwala dahil talagang hindi kapanipaniwala.
"Seth." saka niya marahang tinuro ang puso ko at umiling siya. Parang sinasabi niyang hindi mo naman ako mahal diba...
Nanatili lamang akong nakatitig kay Olga. Tinanggihan ba niya ang proposal ko? Naiiling ako habang natatawa.
"Seth." napabaling muli ako sa kanya. May isinubo siya sa akin na isang cookies. Saka siya umiling iling.
Tinanggihan nga niya ako. Hindi ito Ang plano ko. May tumapik mula sa likod ko.
"Okay lang yan. Seth." si Kuya Demitri yon.
"Bakit ayaw mo kong pakasalan?" tanong ko kay Olga.
Umiling lang siya.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. "Okay kung ayaw mo. Hindi naman kita pipilitin. Gusto ko lang na pakasalan ka kasi yon ang nasa huling kahilingan ni Don Manuel diba."
Tumango lang si Olga. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya pero wala akong nakita kahit konteng panghihinayang man lang. Parang mas ako pa ata ang nanghinayang. Itinago kong muli sa loob ng bulsa ko ang sing sing.
Umupo ako sa tabi niya na parang walang nangyari. Habang nakain lang siya ng cookies. Tahimik lang kami. Wala na atang gustong magsalita sa aming Lima. Nilagok ko na lamang ang Beer na hawak ko.
HINDI KO INIIMIK SI Olga. Asa biyahe na kami pauwi. Tahimik lang ako. Siguro dahil sa nangyaring rejection niya sa akin. Bakit hindi ko matanggap? Dapat nga tanggap ko. O baka dahil sa parte sana yon ng Plano ko. Paanong lalabas kung sino ba talaga yung lalakeng yon kung sakaling si Lucho yon tiyak akong mabilis pa yon sa alas kuwatro kaso napurnada.
Madaling araw na din nang makauwi kami sa Condo. Tahimik lang kami pareho.
Nagpalit na si Olga ng pantulog pagkatapos niyang magshower. Inantay ko talaga siya.
"Olga. Aalis lang ako. Sandali lang ako ha.". humakbang na ko palapit sa pinto. Humabol ito sa akin.
"S-Seth." umiiling siya.
"Bibili lang ako ng Beer nabitin ako. Saglit lang ako." ang totoo masama ang loob ko. Tinanggihan niya ako.
Ibinuka uli niya ang bibig pero walang lumabas na salita. Naiirita ako. Gusto kong daanin na lang ito sa inum.
"Olga matulog ka na. Babalik din naman ako."
Umiling siya. Saka siya nagtatatakbo sa kuwarto. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Sinamantala ko iyon at saka ako lumabas. Pabagsak kong isinara ang pinto. Naka-lock naman yon saka ako umalis.
MAY KUMATOK bumalik si Seth! Dali dali ko iyong binuksan. Natigilan ako at napaatras.
"Hi. Miss Sta. Ana..." bungad sa akin nang lalake. Umiling ako saka ko isinara ang pinto. Kaso masmalakas siya kaya pabagsak akong napaupo sa sahig habang patuloy ito sa paglapit sa akin.
Nakangisi ito sa akin. Si Lucho! Natatakot ako sa tuwing nakikita ko siya hindi ko din alam kung bakit.
"Ang swerte ko nga naman dahil Wala si Sethorino. Alam mo bang matagal na kitang gustong makasama. Siguro natatandaan mo pa yung namagitan sa atin dati." bahagyang umupo si Lucho saka niya hinaplos ang braso ko. "Tama ba ako. Aking Olga."
Nanlaki ang mga mata ko. Si Lucho ang lalakeng yon! Kaya pala takot na takot ako sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko. Saka ako hinila patayo. Ang sakit napa-iyak na lamang ako. Ganitong ganito Yung ginawa niya sa akin dati.
"Alam mo bang matagal na kitang gusto Olga. Kaya kahit na inutusan akong ubusin kayo e itinira kita at pinaramdam ko pa sayo ang sarap nang pagnanasa ko diba! Tapos malalaman ko na lang na si Sethorino ang pinili nang magaling mong Lolo para pakasalan mo! Kahit na kinausap ko na siya tungkol sayo!"
Pailing iling na lamang ako habang hinahatak niya ako palabas ng Unit ni Seth. Sige ang iyak ko. Asan na ba si Sethorino? Sabi niya hindi niya ako pababayaan? Bakit ngayon Wala siya?
"Nakikita mo ba ito Mahal ko?" may dala siyang baril. "Sa oras na gumawa ka nang bagay na hindi ko gusto paglabas natin ng Unit na to babaril ko yang isa sa mga paa mo para hindi ka na makalakad pa. Para hindi mo ako matatabukhan pabor sa akin yon."
Natatakot na ako nang husto sa kanya... Mangyayari na naman ba sa akin ang nangyari dati limang taon na ang lumipas? Diyos ko ayoko na nun... Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko... Gusto kong magsalita... gusto kong sumigaw... pero parang ang hirap hirap...
Pinilit kong ibinuka ang bibig ko habang hinahatak ako ni Lucho palabas ng Unit.
"A-a-ayo-ko..."
Huminto saglit si Lucho at humarap sa akin.
"Wow! Congrats! Nagsasalita ka na pala uli! Halika mabuti pang sa hagdan na lang tayo dumaan para deretso na sa parking lot Mahal ko!"
"A-yo-ko!" ulit ko.
Isinampay niya ako sa balikat niya saka kami dumeretso sa fire exit. Sige ang iyak ko. Wala na akong pag-asa pa. Bumalik na naman ang kinatatakutan kong bangungot... si Lucho!
Mabilis kaming nakarating sa parking lot at saka niya ako isinakay sa loob ng kotse niya. Saktong paalis na kami nang makita ko ang sasakyan ni Seth.
"SETH!!!!" sigaw ko pero Tinawanan lang ako ni Lucho.
"Kahit anong sigaw mo Olga. Hindi ka nun maririnig. Kaya tara na iuuwe na kita at magugustuhan mo doon. Kahit ayaw ni Dad na buhayin kita.... hindi naman kita kayang patayin na lang kaya itatago kita. Doon sa walang makakakilala sayo o makakakita."
Nakangiting sambit ni Lucho. Pinaandar na niya ang sasakyan. Wala na akong nagawa pa kundi ang umiyak ng umiyak. Binigo ako ni Seth. Ang Sabi niya hindi niya ako iiwang mag-isa. Natatakot ako kay Lucho.
Ang layo na nang tinatakbo ng kotse ni Lucho.... Saan niya ako balak dalhin? Sabi niya hindi daw niya ako papatayin... pero masmaganda siguro kung ganon na lang ang gawin niya gaya ng ginawa niya kina Mama at Papa.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
عاطفية"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...