CHAPTER TWENTY FIVE

386 23 4
                                    

Nag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyon kinuha mula sa bulsa ng pants ko. Sino kayang tumatawag. Unknown number ang nakalagay. Baka Emergency. Sinagot ko iyon.

"Hello?"

"Se-Sethorino." marahang sambit ng nasa kabilang linya.

Nangunot ang noo ko. "Sino to?"

"Sethorino. Ako to. Si Lucho."

"Lucho? Lucho Salvatore?" paglilinaw ko sa tumawag.

Tumawa ito ng mahina. "Yes. Makinig ka. Seth. Mamamatay na ako"

"Ha?" naguguluhang tanong ko dito panong mamamatay siya.

"Oo. Seth. May sasabihin akong Sekreto. Si Dad ang nag-utos sa akin na p-patayin a-ang pa--milya ni Don Manuel. A-a-ko ang lumaslas sa magu---lang ni Olga... Ako din ang u--mabuso sa kan--ya..."

"Lucho? May ebidensya ka ba sa mga pinagsasasabi mong yan?! Saka asan ka?"

"Hindi na ma---halaga kung asan na a-ako. Seth... Ipinagka--katiwa--la ko sayo si Olga..."

"Teka ano bang pinagsasasabi mo!?". sumakay ako sa Kotse ko at pinaandar ang makina. "Asan ka ba pare!? Pupuntahan kita! Malulungkot si Olga sa mga pinagsasasabi mo!"

Narinig kong tumawa si Lucho. "Ma---hal mo s-si Olga? Seth pare... Nasa Isla si--ya s-sa Wanda's Resort..." tumulo ang luha ko nang maalala ko ang pangakong binitawan ko kay Olga.

"Pare... i-inaantay niya a---ko... ti---ngin ko hin---hindi na ako makakauwi s-sa mag-ina ko... ba---baka pwedeng sun---duin mo sila... Dala---wang buwang bu--buntis si Olga s-sa panga--nay namin... Ipa--ngako mong aalaga--an mo si--la pare."

"Fuck it Lucho! Hindi kita gusto pero hindi ako ganun kasama para hilingin. Ang kamatayan mo! Asan ka ba!"

"Sir Lucho! Kapit lang malapit na tayo sa Ospital!" dinig kong sigaw nang isang lalake. Tumawa lang si Lucho.

"Se-----Seth." mabagal na Ang bawat salita ni Lucho.

"Pa---kisabi kay Ol----ga na pa---tawad at ma----ma---hal ko siya." ramdam kong mawawala na ako lumalamig na ang paligid ko... nagdidilim na din ang paningin ko... Tanging masayang mukha ni Olga ang alaalang babauin ko sa kabilang Buhay.

"BOSS!!!!! GUMISING KA!!!! BOSS!!!" dinig ko ang malakas na daing nang mga kasama ni Lucho. Wala na siya.

"He-hello Sir? Si Arnel to Bodyguard ako ni B-Boss.... Wala na po siya." impit na daing nito.

Nagkuyom ang mga kamao ko. "Sinong gumawa nito sa kanya?"

"Si Sir Salvatore po. Ang Daddy niya. Sir Seth pakipuntahan si Ma'am Olga sa Isla. Aasikasuhin lang namin ang bangkay ni Boss. Saka may mga ibibigay kaming ebidensya."

Tumango ako. Ramdam ko ang lungkot ng tauhan ni Lucho. Baka nagkamali lang ako ng pagkakakilala kay Lucho.

"Sige pupuntahan ko na ngayon si Olga. Wag kayong mag-alala sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan si Roman Salvatore. Ipinapangako ko iyan sa bangkay ni Lucho!" ibinaba ko na ang tawag. Humanda ka sa akin Roman.

Tinapakan ko ang silenyador at agad na pinaandar ang kotse. Pupuntahan ko muna si Olga sa Isla. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Olga buntis pa naman ito. Galit na galit ako sa nangyari kay Lucho. Sigurado akong masasaktan ng sobra si Olga... ramdam ko kung gaano niya kamahal si Lucho. Nasuntok ko na lamang ang manibela. Maslalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng Kotse ko.

WALA PA DIN SI LUCHO hapon na. Kinakabahan na ako pero ayokong mag-isip nang kung ano. Nawalan daw ako ng malay kanina nung umalis si Lucho.

Nakaupo ako ngayon dito sa Dalampasigan kasama ko ang mga tauhan na iniwan ni Lucho para sa akin. May natanaw akong parating na Speed boat. Bumilis ang tibok ng puso ko. Umuwe na si Lucho! Napahawak ako sa tiyan ko.

Unti unting naglaho ang tuwa ko ng hindi si Lucho ang nakita kong sakay nang Speed boat. Marahan akong naglakad para salubungin si Sethorino.

"Si Lucho?" nakangiting tanong ko.

"Olga...". yumuko na lamang si Seth.

Na-gets ko ang gusto niyang iparating. Tahimik akong lumuha habang marahan kong hinaplos haplos ang Baby bump ko.

Nilakasan ko ang loob ko. Dapat maging matatag ako dahil magiging magulang na ako sa panganay namin ni Lucho.

"Sethorino... Pwede bang dalhin mo ako kung nasaan ngayon si Lucho."

Tumango si Seth. Saka ako inalalayan sa pagsakay sa Speed boat. Kung dati takot na takot ako sa alon ng dagat ngayon parang normal na lamang sa akin ang lahat. Tahimik akong umupo sa bakanteng upuan ng Speed boat.

Pinaandar iyon ng kasama ni Seth. Saka kami nagtungo sa kabilang dako. Sa Wanda's Resort. Ang Lugar na dati pangarap lamang Lucho. Sunod sunod ang patak ng luha ko. Niyakap ako ni Seth. Pigil ko ang humagulhol... ayokong may makakita sa pag-iyak ko... gaya ng pag-iyak ko nung nawala ang mga magulang ko.

GABI NA NANG MARATING namin ang sinabing Ospital nila Rim at Arnel dalawa sa tatlong Bodyguard na kasama ni Lucho. Sinalubong nila kami. Ramdam ko nang wala na nga talaga ang Ama ng Anak ko.

Sinamahan kami ng Isang Nurse kung nasaan ngayon si Lucho. Tumulo ang luha ko nang makita ko ang Lugar.... Morgue yon. Naroon nakahiga ang walang buhay na katawan ng lalakeng minahal ko.

Marahan akong naglakad papunta sa kinahihigaan ni Lucho. Kasunod ko naman si Seth.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakatakip siya nang tela puti. Hinawakan ko ang kanang kamay ni Lucho... malamig na siya. Hindi na mainit ang palad niya.

"L----Lucho... S-sabi ko sa---yo wag ka nang umalis diba... Bakit mo ko iniwan? Nangako ka sa akin na ba---balik ka para sa amin ni Baby diba? A-ang daya mo.... I-iniwan mo kami... Pa--no na kaming dalawa ngayon? Lucho... Bumangon ka n diyan please... Uuwe na tayo... Inaantok na kami ni Baby. Ipagluluto mo pa kami diba. Lu---chooo..." saka tumulo ang masaganang luha ko. Ang sakit sakit. Katumbas ito ng sakit nung mawala ang mga magulang ko. Parang guguhong muli ang Mundo ko. Una sina Mama at Papa... sunod si Lolo at ngayon ang Ama ng Anak ko...

Niyakap ko ang malamig na katawan ni Lucho. Pakiramdam ko wala na naman akong kakampi... Ako na lang mag-isa at ang Baby ko...

"LUCHO!!!?" malakas kong daing.

"Olga tama na yan baka mapano pa si Baby." awat sa akin ni Seth.

Bumaling ako sa kanya. "Seth.... A-ang sakit sakit sobra... Ma--mahal ko si Lucho... Alam mo bang magi---ging Daddy na siya?"

"Olga?" hawak ko siya sa magkabilang balikat. Tingin ko mukhang tatakasan siya ng bait . Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Andito ako Olga. Wag mong isiping Wala ka nang kakampi. Andito lang ako. Pangako hindi ko kayo pababayaan ng Anak mo."

Hindi siya sumagot. Umiyak lang siya ng umiyak habang yakap ko siya.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon