"Seth. Sige na kami nang bahala dito. Maskailangan ka ngayon ni Olga." tapik sa akin ni Kuya Damian.
"Oo nga Kuya Seth. Baka hinahanap ka na ni Olga." si Eros habang hawak hawak pa ang hiniram na posas Mula sa isang Pulis. Feel na feel pa nito ang paghawak doon.
Tumango-tango ako. Isa isa ko silang niyakap. Kahit kailan hindi nila ako binigo. Laging asa tabi tabi lang sila kapag kailangan ko talaga silang Apat.
"Sige na Seth. Pagkatapos namin dito susunod agad kami sa Isla." pahabol ni Kuya Demitri.
"Alam nyo ba kung saan Yung Wanda's Resort?". biglang naalala kong itanong sa kanila. Nagkatinginan sila at sabay sabay na umiling.
Napakamot na lamang ako sa batok ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.
"Meron namang Wayz diba mga Bros?" palusot ni Kuya Damian.
"Meron nga ang tanong marunong ba kayong bumasa non?" tanong ko uli.
"Hay naku Seth! Umalis ka na nga lang. Panira ka nang moment namin dito Bida kami ngayon oh. Sige na para makapag-consentrate na kami dito may mga dadating daw kasi na Press." taboy sa akin ni Kuya Santiago. Pero alam kong ginawa niya lang yon para umalis na ako at bumalik kay Olga.
"Salamat uli mga Bros." tinungo ko ang Kotse ko saka ako sumakay dito.
GINABI NA AKO NG balik sa Ospital. Naroon pa din si Papa.
"Asan na po si Olga?" tanong ko ng makalapit na ako dito. Hindi ko Kasi ito napansin.
"Nasa Room 106 siya." mahinahong sagot ni Papa.
"Room 106? Bakit? May nangyari ho ba?" napahawak na lamang ako sa sintido ko. Parang nanakit ang ulo ko ah. Pagkatapos ng Isa Meron na naman.
"Nawalan kasi siya ng malay kanina." sagot ni Papa.
"Sige po Papa puntahan ko muna si Olga. Saka ko aayusin yung kay Lucho---"
"Sethorino. Anak. I'm proud of you. Nagagawa mo nang maging responsable..." ngumiti si Papa. "Kahit paano may naituro sayo si Lucho. Asikasuhin mo si Olga. Ako nang bahala kay Lucho. Mamaya maiuuwe na natin siya sa Isla."
"Salamat po."
Lumapit sa akin si Papa saka ako mahinang tinapik sa pisnge. Ganun Lage si Papa kapag natutuwa siya sa akin.
"You are always Welcome. Anak. Go on. Puntahan mo na siya."
Sinamahan ako ng isa sa mga Bodyguard ni Lucho. Nakakatuwa ang pagiging tapat nila kay Olga kahit wala na ang Boss nila.
"Anong pangalan mo?" tanong ko habang naglalakad.
Tumikhim muna ito. "Rim po. Sir Seth."
"Rim?" ulit ko.
"Opo. Sir." magalang nitong sagot.
"Gaano na kayo katagal na nagseserbisyo kay Lucho?"
Bahagya itong napabuntong hininga. "Eighteen po si Sir Lucho nung dumating siya sa Mansyon ni Sir Salvatore."
Huminto ako sa paglakad at bumaling dito na nasa likuran ko lamang. "Dumating?"
Tumango ito. "O-opo Sir. Anak ni Sir Roman si Sir Lucho sa ibang Babae. Pero hindi niya kinilala probinsiyanang mahirap lamang ang Nanay ni Lucho."
"Kung hindi niya kinilala si Lucho. Bakit siya ang nakalagay na kahalili niya sa lahat ng oras?" kunot noo kong tanong.
Mapait na ngumiti si Rim. "Puro Babae po kasi ang naging Anak ni Sir Roman sa pinakasalan niya. Kaya kinuha niya si Lucho. At bilang proseso ng pagtangggap ni Sir Roman kay Sir Lucho... Inutusan niya itong ubusin ang Tagapagmana ni Don Manuel... na ginawa naman ni Sir Lucho dahil uhaw siya sa atensyon ng isang Ama. Pero nasira ang buong Plano nang itira niya si Miss. Olga."
"Bakit nga ba hindi niya tinuluyan si Olga nang gabing yon?" taas kilay kong tanong.
Nakita ko ang pagsilay ng simpleng ngiti nito sa tanong ko. "Crush Kasi ni Sir Lucho si Miss Olga. Isang beses pa lang niyang nakita si Miss Olga. Kaya laking gulat niya nang gabing yon na pumasok si Miss Olga sa Kuwarto ng mga magulang niya. Hindi rin alam ni Sir Lucho kung ano ang gagawin niya kay Miss Olga.... napakaganda ni Miss Olga at talagang malaki ang pagkakagusto ni Sir Lucho sa kanya. Kaya nagawa niyang halayin si Miss Olga. Pero sa loob ng limang taon na yon lage siyang nakabantay sa tagapagmana ni Don Manuel. Ganon niya kamahal si Miss Olga. Oo nagkamali siya... ginusto lang naman niyang maging isang mabuting Anak para kay Sir Roman."
"So. Ganon pala ang Buhay ni Lucho? Nakakalungkot. Maswerte pa pala ako at lahat ng kalokohan ko suportado ni Papa." sagot ko sa mahabang paliwanag ni Rim.
Tumango ito. "Mahirap po kasing maging mahirap Sir. Babalewalain ka lang ng mga tao na masnakakaangat sayo."
Tumango ako bilang pagsang ayon. "Pero Hindi lahat ng nakakaangat sa Buhay ay ganun ha. Kasi hindi kami ganun. Ayaw nang mga Tatay namin na lumaki kaming Matapobre. Kasi sabi nila Bago kami naging ganito... Dugo at pawis din daw ang pinuhunan nila kasama ang mga Lolo namin. Kami... mga tagapagmana lang kami pero hindi kami Ganon kagaling gaya nila. Pinagpapatuloy lang namin ang mga nagsimulan nila."
Ngumiti si Rim.
"Gusto mo bang magtrabaho sa akin kasama ng mga kaibigan mo?"
Namilog ang mga mata nito sa tuwa. "Sir? Talaga po ba? Kukunin nyo kami kahit tauhan kami ni Sir Lucho?"
Tumango ako. "Mukhang mabait si Lucho kaya pinahalagahan nyo siya ng Todo. Ibig sabihin magiging tapat din kayo kay Olga at sa Anak nilang dalawa."
Lumapad ang pagkakangiti nito. "Opo Sir! G-gusto po naming pagsilbihan ang mag-ina ni Sir Lucho!"
Mag-ina ni Lucho. Natawa na lamang ako. Tama naman ang sinabi nito. Tipid lamang akong ngumiti. Saka kami tahimik na naglakad papuntang Kuwarto ni Olga.
Naroon ang dalawang bantay ni Olga nakatayo sa pinto.
"Emo. Tom. Si Sir Seth. Simula ngayon sa kanya na tayo magtatrabahong Lima bilang bantay ni Miss Olga.". pagpapakilala nito sa akin.
Tumango lamang ang dalawa saka nila ako hinayaang makapasok.
Tulog si Olga. Sigurado akong nastress siya nang husto sa mga pangyayari. Lumapit ako sa kinahihigaan niya at bahagya akong yumuko saka ko siya hinagkan sa noo.
"Magiging ayos din ang lahat. Pangako ko yan sayo.". bulong ko.
MADALING ARAW na kaming nakabiyahe papuntang Isla. Inantay kasi naming magising si Olga. Limang Speed boat ang dinala namin sa Isla.
"Mga Kuya... Dahan dahan lang po ng bitbit sa Kabao ni Lucho baka masaktan po siya." mahinang impit ni Olga.
Naunawaan namin siya. Kaya tulong tulong kami sa pagbaba sa Kabao ni Lucho. Tahimik na nakasunod lamang si Olga habang naglalakad kami paakyat sa Isla. May mga ilaw ang bawat poste nito. Talagang pinaghandaan ito ni Lucho.
Narating namin ang Munti nilang Bahay. Binuksan ni Olga ang pinto at pinaderetso sa Kuwarto ang Kabao. Nagkatinginan kaming lahat. Tumango na lamang si Papa. Kaya ipinasok namin iyon sa loob. Saka kami lumabas.
"Salamat...." usal ni Olga bago ito pumasok sa loob ng Kuwarto at saka isinara ang pinto.
Kakatukin ko sana ito kaso pinigilan ako ni Papa. "Hayaan mo muna si Olga. Basta dito lang tayo Lalo ka na."
Tumango ako. Madaling araw na nga pala. Nagtungo ako sa kusina para magluto. Lalo akong bumilib kay Lucho. Kumpleto ang lahat. Tama magluluto na lang muna ako para makakain lahat.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...