Mukhang tahimik naman sa Resort ni Lucho. Madami din pala siyang mga Costumer. Private Resort ang Negosyo ng loko ah.
Bumaba ako at naglakad papasok ng Entrance. Maganda siya. Simple at relaxing. Nagtungo ako sa Reception Area.
"Yes. Sir. Good evening po! Welcome to Wanda's Resort. Happy to served you po." masiglang bati ng Babae. Aba at mahilig pala sa magaganda si Lucho.
"Isang Kuwarto para sa akin. Miss.". Nakita kong lumuwag ang pagkakangiti nito nang marinig ang sinabi ko.
"Wala po kayong kasama Sir?" tanong nito na obvious naman ang sagot.
Tumaas ang isang kilay ko. Maganda siya pero may pagka-engot. "Bakit Miss may nakikita ka bang hindi ko nakikita?"
Umiling ito at halata sa mukha ang pagkapahiya. "W-wala po Sir."
Sabay abot nito sa akin nang Keycard. At nang Credit card ko. "Good. Thanks."
Dahan dahan lang ako habang naglalakad nagbabakasaling may makita akong ebidensya na narito si Olga. Marami akong nakakasalubong na tao ang iba Banyaga. May mga Night Party din pala sa Resort na to. May napansin akong Isla sa di kalayuan. At mukhang may nakatira doon. Kaso napaka-imposible naman na doon ititira ni Lucho si Olga. Saglit ko pa itong tinitigan saka ako muling naglakad hanggang marating ko ang Kuwarto ko. Tinapat ko ang Keycard ko sa scanner saka iyong nagbukas.
Maganda ang loob ng kuwarto napaka-relaxing. Lumapit ako sa kama saka ako humiga. Naalala ko bigla si Olga madalas siyang nagpapayakap sa akin dahil natatakot siya. Nagkuyom ang mga kamao ko.
"Asan ka na Olga?" bulong ko sa sarili ko.
ABALA AKO SA PAGBASA ng mga report ng mga Empleyado ko. Alam nila ang tungkol kay Olga. At alam na nila ang dapat gawin at sabihin kapag may nagtanong ng tungkol dito.
"Lucho..." napalingon ako sa mala-anghel na boses na yon. Si Olga halatang kagigising lang niya.
Tumayo ako at nilapitan siya. "Sa wakas gising na ang Reyna ko. Makakakain na po tayo." biro ko.
Tumawa si Olga saka ako mahinang hinampas sa dibdib. Ang sarap pakinggan ng tawa niya.
"May niluto na akong Ulam tapos nakapagsaing na din ako. Kaya kakain na lang po tayo."
"S-sa-lamat." habang nagpupunas pa ng mukha.
"Wala yon. Sige lang kahit paunti unti subukan mong magsalita ha. Para kapag dumating yung araw na matakasan mo ako kahit pano makakahinge ka ng tulong sa mga tao."
Ngumiti lamang si Olga saka ako masuyong niyakap. Ilang minuto din yon bago niya ako niyaya sa hapag para kumain na. Ano kayang ibig sabihin dun ni Olga? Nakahanda na ang lahat sa mesa. Nagtimpla ako ng Orange Juice saka ko lagyan ng konteng yelo para malamig.
"Bukas may gagawin ako." bigla ang pagtitig sa akin ni Olga saka niya hinawakan ang kamay ko at bahagyang umiling. Tumawa ako.
"Hindi ako aalis ng Isla. Doon lang ako sa medyo malayo lang dito sa Bahay. Gagawa kasi ako ng kulungan ng Baboy at Manok. Sa makalawa na daw kasi nila dadalhin yon dito. Pararamihin ko Sila para may mga sariwa tayong Karne." namilog ang mata ni Olga napalitan ng tuwa ang kanina ay nag-aalalang aura nito. Talagang natatakot na siyang mag-isa... at ako ang dahilan ng takot niyang yon.
"Lucho. S---sama--a-ako." nakakatuwa naman na sinusubukan nga niyang magsalita.
Tumango ako. "Okay. Isasama kita pero manonood ka lang sa akin ha. Baka kasi masugatan ka."
"O-oo Lucho!"
Naglagay ako ng Kanin sa kutsara ko na may kasamang konteng laman ng baka... inihipan ko iyon at inilahad kay Olga.
"Say Aaaahhh." ngumanga din ako at ginaya nga ako ni Olga. Saka ko iyon isinubo sa kanya.
"Masarap ba ang pagkakaluto ko?"
Tumango lamang ito habang nanguya. Ang saya ko. Naalala ko si Mama. Ganitong ganito lang kasimple ang Buhay namin. Hinding hindi ka makukuha sa akin ni Sethorino... pangako ko yan.
Si Olga na ang nagpresentang maghuhugas ng mga pinagkainan na namin nang matapos na kaming kumain. Pero hindi ako pumayag.
"Kung gusto mo. Pwede kang magpahangin sa labas halika bubuksan ko lang ang ilaw." sumunod naman sa akin si Olga sa veranda.
"Wow!" dinig kong hanga nito nang umilaw ang mga Puno. Pinalagyan ko talaga iyon ng mga bombilya. Nagpaikot ikot si Olga. Saka humarap sa akin. "Ga-ganda Lucho!"
"Okay. Dito ka lang ha. Maghuhugas muna ako ng pinggan. Labas din ako pagkatapos ko."
Tumango lang si Olga.
Bumalik ako sa loob ng Bahay para tapusin ang mga dapat kong gawin. Tinatanaw tanaw ko na lamang si Olga. Nakatayo lamang siya. At nakatanaw na naman sa malayo. Siguro gustong gusto na niyang bumalik sa Siyudad. Nagiging madamot ka na naman Lucho. Ipinagdamot mo na sa kanya ang Buhay ng mga magulang niya dati... Ngayon naman kukunin mo ang kalayaan niya.
Lumabas ako nang matapos ako sa mga ginawa ko saka ako tahimik na naglakad hanggang marating ko ang kinatatayuan ni Olga. Nakapikit siya habang magkahawak ang kanyang mga kamay... ano kayang ipinagdadasal ni Olga?
Lumabo ang paningin ko parang nagkaroon ng tubig na humaharang dito. Hindi ko na gaanong maaninag si Olga hanggang sa. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Agad ko iyong pinunasan. Naisip ko na baka tahimik niyang pinagdadasal ang araw na lalaya siya sa akin. Hindi ko kaya... Mahal na mahal ko si Olga.
Inayos ko ang sarili ko saka ako nagsalita.
"Gusto mo na bang bumalik kay Sethorino?" nakatanaw ako sa malayo. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.
Hindi sumagot si Olga. Nagulat pa ako nang kunin nito ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya... nakatitig sa akin si Olga saka niya nilagay ang kamay ko sa maamo niyang mukha saka ito pumikit para damhin ang init ng mga palad ko.
Tumulo uli ang mga Luha ko. "Olga? Mahal kita. Mahal na mahal kita." sambit ko. Nagmulat ito ng mata saka tumingkayad bahagya pa akong napaatras kaya kinabig ako payuko ni Olga saka niya nilapat ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ako makapaniwalang ginawa nga niya iyon pero nawala ang duda ko ng kusang gumalaw ang mga labi ni Olga. Isang masuyong at mainit na halik ang pinagsaluhan naming dalawa. Banayad at wala halos malisya ang halik na yon ni Olga. Alam ko sa sarili ko na akong ang Unang lalake sa Buhay nito. Niyakap ko ng mahigpit ang maliit na katawan ni Olga. Bahagya siyang bumitaw sa pagkakahalik saka niya pinunasan ng hintuturo niya ang mga labi ko. At yumakap sa akin.
"Lucho...." mahina na animo'y paos ang boses na yon ni Olga. Nilaro laro niya ng hintuturo niya ang dibdib ko parang may sinusulat siya kaya inintindi kong mabuti ang mga yon.
Napahawak ako bigla sa magkabila niyang balikat. "Olga?! Sigurado ka ba?!"
Tamango siya. Binuhat ko ito sa sobrang saya ko saka kami nagpaikot ikot sige ang tawa ni Olga.
"Mahal kita. Lahat gagawin ko para sayo. Patawarin mo ko sa mga bagay na nagawa ko dati. Hindi ko ginustong gawin yon."
Tumango tango lamang si Olga. Ang saya ko. Susubukan daw niya akong tanggapin. Binuhat ko siya saka kami pumasok sa loob ng munti naming Bahay.
MAAGA AKONG GUMISING magche-check out na ako. Nadaanan ko uli nang tingin ang Isla. Napatitig ako dito ng matagal. Saktong may dumaang na Staff ng Resort.
"Excuse me. Sinong nakatira sa Isla na yon? Napansin ko kasing may mga ilaw diyan kagabi." tanong ko sa isang lalakeng nakasuot ng Uniform ng Resort.
Ngumiti ito. "Ah yon po ba. Retirement house po yung nakita niyo Sir at may nakatira nga po diyan pero mga matatanda na yung tipong gusto po ng tahimik na Lugar. Ummm may tanong pa po ba kayo?"
Umiling ako saka muling lumingon sa Isla. Parang may kung ano ang nagsasabi sa akin na pumunta doon. Pero kung Retirement house nga ang nakita ko ibig sabihin hindi si Lucho ang nakatira dun.
Nag-ikot ikot pa ako nang Isang beses saka ako tuluyang umalis. Saan kaya niya tinatago si Olga? Pero hindi pa naman ako sigurado... Kutob ko pa lang.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...