Inilibing din namin kinabukasan si Don Manuel. Nag-aalala ako kay Olga kasi hindi na siya umiiyak. Maslalo siyang naging tahimik. Masmahaba ang oras na tulala lamang siya at nakatanaw sa malayo. Ramdam ko ang sakit at lungkot ni Olga.
Umuwi na ang mga nakiramay sa libing ni Don Manuel. Tanging ako at si Olga na lamang ang naiwan. Umupo ako sa tabi nito.
"Sabihin mo lang kung gusto mo nang umuwi ha."
Sumandal sa balikat ko si Olga. Napapikit ako. Parang may kung ano akong naramdaman.
"Alam mo walang masama kung iiyak tayo dahil malungkot tayo o nasasaktan.... saka masgagaan ang pakiramdam mo kapag inilabas mo ang luha mo."
Akala ko umiiyak na siya. Yun Pala naghehele lang siya. Siguro ganito din ang ginagawa sa kanya ni Don Manuel Nung mga panahon na kelangan niya nang masasandalan.
Hinagkan ko ang bunbunan ni Olga. "Bukas maaga tayong aalis ha."
Nag-angat ito nang tingin sa akin. Kita ko ang pagtataka niya. Hindi siguro siya makapaniwalang isasama ko na siya.
"Hindi na ako makikipag-date. Kasi bawal na diba. Bale bukas aasikasuhin ko yung mga Testamento ni Don Manuel. Sayo kasi niya pinangalan lahat ng pag-aari niya. Kaya kelangan ng mga pirma mo. Pupunta tayo sa Muninsipyo para i-file yung mga hawak nating Dokumento kasi sigurado ako na maghahabol yung mga Business partners ng Lolo mo."
Tumayo si Olga sa umiling iling alam ko ang gusto niyang sabihin.
"Don't worry. Abogado po ako at ganun din ang mga Pinsan ko. Kaya safe ka at ang mga naiwang properties ng Lolo mo."
Tumango tango si Olga saka niya inilahad sa akin ang dalawa niyang kamay para tulungan akong tumayo. Ngumiti ako saka ko iyon inabot. Kahit paano palaban din si Olga.
Nilingon ko ang himlayan ni Don Manuel. "Uuwe na ho kami. Wag na po kayong mag-alala dahil ako na pong bahala kay Olga. Aalagaan ko po siya."
Yumuko muna ako bilang tanda ng paggalang ko dito.
BUMIYAHE KAMI paluwas ng Maynila. May hawak uling Notebook at Marker si Olga gaya dati.
May nakita akong Jollibee sa daan kaya nag-drive-thru na lamang kami. Burger at Chicken bucket saka Soda lang ang inorder ko. Alam kong paborito ni Olga ang mga yon. Para siyang batang tuwang tuwa nung ibigay ko sa kanya ang Chicken bucket.
"Kain ka lang. Para mamaya pag uwe magpapalit ka na lang nang damit."
Ngumiti si Olga at tumango. Saka siya nag-isip at tumingin sa gawi ko.
Natawa ako sa hitsura niya habang nakain ng Burger at nakakunot ang noo. Saka siya sumenyas nang Wala akong dalang damit. Saka ngumuso habang nanguya.
"Alam ko. Pero bumili ako nang mga damit mo nung nakaraan araw Bago kita puntahan sa inyo." nakatuon ang pansin ko sa kalsada habang nagmamaneho. Medyo may pumatak na ulan nung malapit na kami lumagpas sa Boundary ng Laguna.
Matrapik na kaya nakatulog si Olga. Pinihit ko ang knob sa upuan niya para medyo nakahiga siya habang tulog.
Naalala ko bigla yung Lucho na yon. Totoo kaya ang pinagsasasabi ng loko na yon? Kung saka sakaling totoo nga... Hinding hindi ko ibibigay sa kanya si Olga! Hindi ko gusto Ang lalakeng yon parang may tinatago siyang kung ano.
"DAPAT PALA TINULUYAN ko na din yung Olga na yon Dad!" hinagis ko ang hawak kong baso. Galit ako!
Tumawa si Dad. "It's okay Anak. Hindi naman kita sinisisi na pumalpak ka sa Plano natin. Na kung dati ay ginilitan mo din ng leeg Yung Olga na yon o di tayo na sana ang magte-take over sa Properties ng Matanda. Kaso hindi mo ginawa!"
Nagbaba ako nang tingin. "N-naawa ako sa kanya Dad at isa pa Virgin si Olga----"
"And so kung Birhen pa siya? Wait don't tell me that you are starting to like her?" nagbabadya ang galit sa tono ni Dad.
I shrugged. "Well. Naisip ko lang na kunin ko si Olga para mapunta sa atin lahat ng naiwan sa kanya---"
"Lucho my Son. Matalino ko sana kaso naisip mo bang mga CRU ang kalaban natin! Kung hindi ka pumalpak dati o di sana walang problema!" sigaw ni Dad.
"Relax Dad. Papaibigin ko si Olga at kapag nangyari yon pakakasalan ko siya agad---"
"At patayin mo agad siya para Hindi na niya mabawi pa ang mga properties niya!". mariing utos ni Dad.
Napatango na lamang ako.
"Nakilala ka ba dati nung Olga?"
"Hindi Dad. Madilim nun liwanag lang ng Buwan ang meron.". sagot ko.
Ngumisi si Dad. "Good! I'm counting on you Lucho." saka ito lumabas ng Study room ko.
Napabuntong hininga na lamang ako. May kinuha ako sa loob ng drawer ko.... picture yon nang Babaeng Crush ko si.... Olga. Matagal kong tinitigan ang larawan niya. Napakaganda niya. Kuha yon pagkatapos ng trahedyang ginawa ko sa mga magulang niya. Ayoko sana siyang saktan pero hindi ko din naman kayang suwayin si Dad.
Hindi ko inaasahang makita niya ako habang ginigilitan ang mga magulang niya kaya pati siya nadamay ang balak ko sana ay hahayaan na lamang siya kahit pa sinabi ni Dad na walang ititirang Buhay. Masmatimbang pa din ang nararamdaman ko para sa kanya. Napakaganda niya nung gabing yon kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing yon. Ang gabing naging akin si Olga.
Nilapit ko sa mga labi ko ang larawan nito saka ko iyon hinagkan.
"Magiging akin ka nang tuluyan Olga. Itatago na lang kita mula kay Dad. Antayin mo lang ako. Kukunin kita kay Sethorino Cru." bulong ko sa larawan nito.
"GISING NA OLGA. Andito na tayo sa Condo. Tara baba ka na." hawak ko ang Chicken bucket.
Umunat muna ito bago bumaba. Nagtaka pa siya sa upuan niya.
"Ah. Hiniga ko kaninang asa biyahe tayo para masarap tulog mo. Tara.". aya ko sa kanya.
Dumeretso kami sa elevator pagkababa ni Olga. Gaya nung dati naglalaro sa repleksyon niya si Olga kaya sige naman ang tawa ko. Natatawa din siya. Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito.
Naunang tumakbo si Olga sa pinto ng Unit ko... Kabisado pa pala niya ang Condo Unit ko ah. Kinuha ko mula sa bulsa ang Keycard saka iyon sina-swipe para bumukas ang pinto.
Wala namang gaanong nagbago maliban lang sa Mesa. Natuwa si Olga nang makita ang bagong mesa kinatok katok niya pa ito.
"Sige na mauna ka nang maligo."
Tumango siya saka pumasok sa Kuwarto. Agad din siyang lumabas at niyakap ako saka ako hinila papunta sa Kuwarto. Nakita na ata niya ang sorpresa ko para sa kanya... mga Art materials.
Kinuha ni Olga ang isang malaking Sketch pad na para bang sinasabi sa akin kung kanya ba lahat nang mga yon.
Hinaplos ko ang mukha niya. Tumitig siya sa akin.
"Tandaan mo Olga kahit anong mangyari hindi ko hahayaan ang ibang tao na saktan ka. Bukas pagna-file na natin lahat ng mga dokumentong nagpapatunay na Ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ni Don Manuel saka tayo pupunta sa Kumpanya ng Lolo mo ha."
Umiling si Olga saka siya kumuha ng Marker at nagsulat.
'Tatawanan lang nila ako dun Sethorino...'
"Kasama mo ako. Walang pwedeng tumapak sa karapatan mo hanggat andito ako. Okay. Magtiwala ka lang sa akin."
Tumango siya saka masuyong yumakap sa akin. Wow kahit yakap lang niya nakokontento na ako.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...