CHAPTER TWENTY THREE

379 21 6
                                    

Naglalakad na kami pabalik ng parking lot. Pinabalot na din namin ang ipangreregalo namin kay Tita Mona. Habang si Olga masayang hawak hawak ang maliit na paper bag na naglalaman ng Apron na binili ko para sa kanya.

"Sa--lamat Lucho." ang cute niyang magsalita kahit utal utal.

"Wala yon. Baby kita diba?" tumango naman ito.

Kumapit siya sa braso ko saka bahagyang tumingkayad para halikan ako sa pisnge. Medyo kinilig ako non ah.

Napahinto ako sa paglakad nang may napansin akong lalakeng nakatayo sa harap ng Kotse ko. Si...

"S-Seth?" mahinang sambit ni Olga. Bumaling siya sa akin at umiling.

"A---yo---ko Lucho." naiiyak nitong sambit. Mukhang alam na ni Olga ang pwedeng mangyari.

Ngumiti lamang ako saka hawak kamay kaming naglakad papunta sa direksyon ng Kotse. Matalim ang titig sa akin ni Sethorino. Huminto kami ni Olga mga ilang dipa lang ang layo sa kanya.

Nagpapalit palit ang tingin ni Sethorino sa aming dalawa. Lalong nagsalubong ang kilay nito ng makita ang magkahawak naming mga kamay.

Bumuntong hininga si Sethorino saka nilagay ang parehong kamay sa bulsa.

"Lucho Salvatore. Sabi ko na nga ba at na sayo lang si Olga." malumanay nitong turan.

"Ano naman sayo? Kung nasa akin nga si Olga?" sagot ko.

"Ako lang naman ang legal tagapag-alaga ni Olga. At kinuha mo siya sa condo ko ng wala man lang pasabi. Alam mo bang pwede kitang kasuhan----" naputol ang sasabihin ni Sethorino ng pumagitna si Olga.

"Wa---wag Seth! Wag mong ipa--kulong si Lucho! Hi--hindi ni--ya ako sinak---tan! Wag!" saka yumakap sa akin si Olga.

Nakita ko ang pagkabigla ni Sethorino. Hindi niya akalain ang magiging reaksyon ni Olga.

"Pero kinuha ka niya ng sapilitan sa Condo ko diba. Kaya paanong hindi ko siya dapat ipakulong?"

"A---yo---ko Seth... Please..."

"Olga? A-akala ko ba takot ka kay Lucho?" nabubulunang tanong ni Sethorino.

"Da-dati oo... Pe--pero Seth... Ma--mahal ko si Lucho." natigilan ako sa narinig ko. Mahal ako ni Olga?

Napanganga si Sethorino saka isinuklay ang isang kamay sa buhok. "Olga? Teka hindi ko ma-gets. Paano mong mamahalin ang taong ilang araw mo pa lang nakilala. Ba-baka naguguluhan ka lang Olga?"

"Seth. Please... I---wan mo na lang ka---mi. Kung gus---to mo sa---yo na lang ang Kum---kumpanya ni Lolo bas---ta ha---yaan mo na lang ka---mi."

Napabaling ng tingin sa akin si Sethorino hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Kahit ako ang buong Akala ko ay maspipiliin ni Olga si Seth kesa sa akin. Nanatiling nakayakap pa din sa akin si Olga.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ni Sethorino. Bago siya muling nagsalita. Bakas sa mga mata nito ang lungkot. Tingin ko tinamaan din siya kay Olga.

"Seryoso ka ba sa pasya mo Olga?" tanong ni Sethorino.

Tumango lang ito.

"Sige. Hahayaan ko kayo. Pero mananatiling Ikaw pa din ang may-ari ng lahat ng Property ni Don Manuel. Basta alagaan ka lang ni Lucho okay lang sa akin. K-kung may problema kontakin nyo lang ako." tumalikod na ito at humakbang palayo.

Huminto si Seth. At nilingon kami ni Olga. "Wag nyo akong kalimutang imbitahin sa Kasal nyo ha."

Yun lang at naglakad na uli ito palayo. Humanga ako sa pagiging propisyunal ni Sethorino. Pero paano kung malaman niya na ako mismo ang taong pumatay sa mga magulang ni Olga at humalay dito limang taon na ang nakaraan. Tingin ko hindi siya papayag na manatili sa akin si Olga.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon