CHAPTER TWENTY EIGHT

374 20 13
                                    

Tinulungan akong magluto ng mga Bodyguard ni Lucho para daw masmabilis. Meron nagsalang ng sinaing habang ang iba naghihiwa ng mga rekado. Maglalaga kasi ako ng Baka para may mahigop na Sabaw si Olga.

"O pagkulo niyan pwede nang kumain." sambit ko.

Nakatulog na si Dad sa couch habang ang iba naming kasama nakabantay pa din sa labas. Nag-text sina Kuya Santiago na bukas na lamang sila pupunta. Ginabi din daw kasi sila ang dami daw nilang inaasikaso. Sinampahan nila ng patung patong na kaso si Mister Roman Salvatore. Nagpadala daw ng mga Abogado ang Asawa nito kaya talagang napalaban daw sila tapos ang kulet pa daw ni Eros. Sumasablay daw dahil isa sa mga Abogado ng kalaban ang dating Asawa ni Divina. Kaya hindi daw makapag-concentrate ang loko.

Natawa na lamang ako. Sigurado akong nakabusangot si Eros kanina. Kinatok ko ang pinto ng Kuwarto ni Olga. Naka-ilang katok ako pero walang sumagot. Sinubukan ko itong buksan. Nagulat pa ako dahil hindi iyon naka-lock.

Marahan ko iyong binuksan. Nakahiga si Olga sa tabi nang Kabao ni Lucho. Ang swerte talaga ni Lucho. Nakaramdam ako ng inggit sa kanya. Napaka-loyal pala ni Olga. Parang ang hirap pantayan ni Lucho... At baka masmahirap siyang higitan.

Marahan kong isinara ang pinto saka ako bumalik ng kusina. Naluto na ang Nilagang Baka. Gising na din si Papa ipinagsandok nila ito at ganun din ako.

"Mamaya na ako kakain. Pwedeng pahinge na lamang ng Sabaw. Para may mahigop si Olga."

"Okay Sir." kumuha ito ng tasa saka iyon sinalinan nang mainit na sabaw ng Nilagang Baka.

"Salamat." sambit ko ng abutin ko ang tasa.

Tumango lang si Papa. Saka ako nagtungo uli sa kuwarto. Wala pang kinakain si Olga kaya sigurado akong gustom na siya.

Binuksan kong muli ang Kuwarto. Saka ako marahang naglakad papunta sa gilid ni Olga.

Inalog ko siya ng marahan sa balikat. "Gising ka na muna. Olga. May dala akong mainit na sabaw."

Mahinang umungol si Olga saka nagdilat ng mga mata. Pumikit pikit pa siya bago bumangon. "Seth?"

Ngumiti ako. Saka ko ipinakita ang hawak kong tasa ng mainit na sabaw ng Nilagang Baka.

Tinitigan yon ni Olga bago niya ito Kunin sa mga kamay ko.

"Dahan dahan mainit." paalala ko.

Inihipan niya ito bago humigop. Napalunok ako sa ginawang yon ni Olga. Bakit nga ba hindi ko napansin dati na bukod sa maganda ay kaakit akit din siya. O baka dahil sa kasimplehan niya kaya hindi ko napansin.

"Seth. Pagsikat ng Araw. Ilibing na natin si Lucho. Lalo lamang siyang mahihirapan kung magtatagal pa siya dito diba." blanko ang mukha ni Olga tingin ko naubos na ata ang mga luha niya.

"Sige. Kung yan ang desisyon mo." sagot ko.

Tumingala sa akin si Olga. "Pwede bang doon sa tuktok ng Isla natin siya ilibing? Kasi sabi niya noong bata pa siya... itong Isla na to ang pangarap niyang bilhin. Kaya naisip ko na masmaganda siguro na makita niya ang kabuoan ng Isla na pangarap lang niya dati.... diba."

"Sige."

Ngumiti si Olga pero walang buhay ang ngiti niyang yon... sabagay nagdadalamhati siya....

Bukas... Magbabago ang lahat sa oras na mailibing na namin si Lucho. Tanging si Olga na lamang ang andito sa Isla. Tingin ko mahihirapan kaming kumbinsihin siyang umalis dito.

MAAGA KAMING naglakad paakyat sa TukTok ng Isla... maganda dito at mahangin. Tama si Olga kitang kita mula dito ang kabuuan ng Isla ganun din ang Wanda's Resort.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon