"Inumin mo muna ang gatas mo Bago ka sumunod sa akin ha. Doon lang ako sa dulo ng taniman natin. Saka inipunan na kita ng mga pangdilig mo. May nilagay akong drum sa gilid ng taniman saka puno na yon ng tubig dahan dahan lang sa pagdidilig ha." paalala ko kay Olga. Tumango siya.
Lumabas ako at nagtungo sa Bodega may mga kahoy ako dun at mga plywood Ganon din ng mga Pako at ibang kailangan. Isa isa kong dinala lahat sa dulo ng taniman. Maaga pa kaya hindi pa masakit sa balat ang sikat ng Araw. Naghukay muna ako para sa mga poste. Napansin ko na si Olga na nagdidilig nang mga tanim namin. Unang ginawa ang kulungan ng mga Baboy. Madali lang naman kaso kelangan ko nang alaylay taga hawak ng kabilang dulo ng Kahoy. Napapakamot na lamang ako sa batok ko. Dapat pala nagtawag ako Ng Isa sa mga Staff ko.
Lumapit si Olga saka niya hinawakan ang kabilang dulo. "Ta---pos na a--ko ma--mag di---lig."
"Okay kaso baka magulat ka kapag nagpokpok na ako ng Martilyo baka mabitawan mo ang kahoy matamaan pa yang paa mo."
"Ha--wakan ko Lucho." hindi ko na siya pinigilan sa gusto niya kaya nagpatuloy na ako sa pagpokpok sa Pako.
Napapapikit pa si Olga sa bawat bagsak nang Martilyo ko sa Pako. Nakatapos ako sa kabilang dulo kaya yung hawak naman niya ang ipapako ko.
"Ayos ka lang ba?". tanong ko.
"O-oo."
"Okay. Layo lang nag konte ha. Baka matamaan ka." paalala ko sa kanya. Humakbang naman siya palayo saka nagtakip ng tenga. Natawa na lamang ako.
"Olga. Wag mo na ako tulungan Dito. Ummm timplahan mo na lang ako ng juice medyo nauuhaw na po kasi ako e." nakangiting utos ko dito.
Akala ko tatango na naman siya. Pero nagulat ako ng magsalita siya.
"Okay Lucho." maang akong napatitig sa kanya habang naglalakad na siya pauwe ng Bahay. Nagsasalita na nga siya!
Malapit ko ng matapos ang paglalagay ng screen pinakabakod sa kulungan ng mga Baboy namin ni Olga. Sunod kulungan naman ng Manok ang gagawin ko. Umihip ang malakas na hangin naamoy ko ang masarap na halimuyak... Siguro nagluluto na din si Olga ng memeryendahin namin. Maya maya pa ay nagkakalad na siya may dala siyang pitsel ng nagyeyelong juice at dalawang baso. Inilapag niya iyon sa plywood na inihiga ko saka siya bumalik muli sa Bahay para kunin ang niluto niyang pancakes.
"Wow ang bango naman ng pancakes na yan! Parang gusto ko nang kumain!" sinubuan ako ni Olga ng maliit na piraso ng pancakes. Talagang natigilan ako sa tuwing nagiging sweet sa akin si Olga.
Ipinagsalin pa niya ako ng juice sa baso. Tumayo na ako para simulang muli ang paggawa ng kulungan.Tinapos ko na ang kulungan ng Baboy at sunod na ginawa ko ay ang Kulungan naman ng Manok. Kelangan matapos to dahil bukas na dadalhin ang mga aalagaan naming Hayop.
Tinulungan ako ni Olga sa pagpipintura ng Kulungan ng Manok kulay puti para malinis.
Hapon na nang matapos kami. Isa isa na naming niligpit lahat ng gamit. Saka kami sabay na naghugas ng mga kamay namin. Ang kulit ni Olga. Sige ang wisik niya ng tubig sa mukha ko. Napaatras ako at nawalan ng balanse paupo akong bumagsak sa Lupa.
"SETH!!!" sigaw nito.
"Olga?" napahawak siya sa sariling bibig. Saka tumakbo sa loob ng Bahay.
Sinundan ko na lamang ito ng tingin. Si Seth pa din ang nasa isip niya... Akala ko ba susubukan niya akong mahalin? May gusto ba siya sa lalakeng yon? Tumayo ako saka ako naghugas ng kamay. Sinundan ko si Olga sa loob ng Bahay pero wala siya sa Sala kung ganun asa Kuwarto siya.
Lumapit ako sa pinto at marahan kong pinihit ang doorknob hindi iyon naka-lock kaya binuksan ko iyon. Naroon si Olga sa gilid ng kuwarto takot na takot. Parang may kumurot sa puso ko. Ganito ba talaga ang epekto sa kanya ng ginawa ko.
Nilapitan ko siya. Nanginginig siya sa takot. Agad ko siyang niyakap naisip ko na baka hindi na naman siya magsalita.
"Olga. Tahan na. Hindi ako galit okay. Alam kong hindi mo sadya diba." malumanay kong paliwanag sa kanya.
Atubiling tumango tango si Olga saka yumakap sa akin ng mahigpit. Umiiyak siya at nanginginig.
"Patawarin mo ako Olga. Alam kong mahirap sayo ang sitwasyon natin ngayon... pero hindi kita kayang isuko kay Sethorino. Mahal kita. Tahan ka na... Sige na..." paglalambing ko kay Olga habang bahagya kong hinahagod ang kanyang likod para kumalma siya.
"O-oo Lu-Lucho.... Oo... Sorry n-na tu---tumba k--a ka." nagsusumiksik sa mga braso ko ang mukha nito. Parang batang humihinge ng saklolo.
Natawa ako para masgumaan ang nararamdaman niya. "Ayos lang ako. Bukas maaga uli tayong gigising kasi maaga ang dating ng mga Baboy at Manok natin.
Tumango uli siya pero hindi na siya sumagot. Kinantahan ko uli siya para kumalma siya. Tingin ko epektib naman tumigil ang panginginig niya nanatili na lamang siyang nakayakap sa akin. Ilang minuto pa ang pinalipas ko Bago ako nagsalita.
"Magluluto pa po ako. Ganito bakit hindi ka muna magshower habang nagluluto ako para pagkatapos mo kakain tayo tapos maglalakad lakad tayo mamaya sa dalampasigan. Gusto mo ba iyon?"
Nag-angat siya nang tingin. "Oo Lucho. Gu-gu-gusto ko."
"O Sige na tayo ka na. Magjacket ka ha meron sa Cabinet mo yung may hood. Okay." marahang tumayo si Olga.
"Okay. Lucho!" mabilis na nagbago ang mood niya. Kung kanina ay takot na takot siya... ngayon masigla na siya at panatag.
Nagtungo na ako sa kusina para may privacy si Olga habang naliligo. Kumuha ako ng Manok sa chiller saka ko iyon hinugasan at pinainitan sa kawali hanggang magmantika. Naghiwa na muna ako ng sibuyas at bawang saka ko iyon hinalo sa Manok at tinakpan para lalong kumulo ng bahagya. Ilang minuto pa Bago ko nilagay ang Toyo at Suka. Pinakulo ko iyon bago ko nilagyan ng konteng Washed sugar saka ko iyon tinakpan para kumulo hanggang matuyo ang sabaw. Saktong luto na din ang kanin. Sinandok ko na iyon mula sa Rice cooker at nilagay sa isang malapad na mangkok saka ko nilapag sa mesa. Sinilip ko ang Adobo ko. Pinatay ko na ang stove nang matuyo na ang sabaw nito. Kumuha uli ako ng mangkok at isinalin dito ang laman ng Kawali.
Bumukas ang pinto ng Kuwarto. Aba napangiti ako ng makita ko si Olga na handang handa na mukhang excited na talaga siyang maglakad lakad sa dalampasigan.
"Halika upo ka na para makakain na tayo. Maliligo muna ako pagkatapos nating kumain bago tayo aalis ha." paalam ko sa kanya.
"O-okay." akmang hahawakan na niya ang mangkok ng Kanin ng kunin ko iyon.
"Ako na. Mainit po kasi baka mapaso pa yang mga kamay mo ang liliit pa naman." sabay tawa ko. Ngumuso naman si Olga. Ipinagsandok ko na din siya ng Ulam.
Tahimik lang kaming kumain. Walang tigil sa komento ng masarap si Olga. Halos maubos niya ang nakahain na kanin.
"Naku Olga. Papakin mo na lang tong Adobo o. Wag kang masyado sa kanin gabi pa naman ngayon." awat ko sa kanya ng sasandok pa sana siya.
"Ikaw?"
Tumayo ako. "Okay na ako. Maliligo lang muna ako. Kapag tapos ka na dito mo lang yan lahat ako nang magliligpit ha."
Umiling si Olga. "Gus---to ko maghugas ng ping---gan. Li---go ka na."
Saglit kaming nagsukatan ng tingin at ang ending panalo si Olga. Hands up ako.
"Okay. Maliligo na po ako. Basta ako na maghuhugas nang Kawali at nang Rice cooker pot ha."
Tumango siya habang sige ang nguya. Natatawa na lamang akong nagtungo sa Kuwarto. Ano nga kayang hitsura ni Olga kapag tumaba? Sigurado akong maganda pa din siya sa kahit anong angulo pa!
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...