CHAPTER THIRTY ONE

454 23 7
                                    

Isang Linggong preperasyon lamang ang ginawa ko para sa Kasal namin ni Olga.

"Saan tayo pupunta Seth?" tanong sa akin ni Olga ng makasakay na kami sa Speed boat. Nakaupo lamang siya habang suot ang jacket ko.

"Magpapakasal.". simpleng sagot ko.

"Seth. Yung totoo."

"Magpapakasal nga po." sagot ko.

Nilingon ko si Olga nang malapit na kami sa dalampasigan. Naroon na ang mga bisita. Ang mga pinsan ko kasama ang mga babae sa Buhay nila at syempre isang lalake sa Buhay ng nag-iisa kong pinsan na babae.

"Seth?" di makapaniwalang tawag sa akin ni Olga.

Kinindatan ko siya. Saka ko itinabi ng Tama sa pantalan ang Speed boat. Sinalubong kami ng tauhan sa Resort. Inalalayan nilang makababa si Olga.

"Welcome to Wanda's Resort Ma'am.". saka nila niyaya si Olga sa loob ng isang Cottage.

"Seth?". bakas sa mukha nito ang pag-aalala hindi kasi siya sanay na sumasama sa ibang tao.

"Aayusan ka nila. Asa kabilang Cottage lang ako. Magbibihis din ako. Pagkatapos ko magbihis pupuntahan din agad kita. Okay."

Marahang tumango si Olga. "Bilisan mong magbihis ha. Na---natatakot kasi ako..."

"Opo. Bibilisan ko.". sabay kaming pumasok sa magkaibang Kuwarto nga lang.

Apat ang magbibihis at aalalay kay Olga. Habang ako Wala. Kaya ko namang magbihis e. Agad akong pumasok ng banyo para maligo. Ilang minuto lang ako dahil alam kong kinakabahan na si Olga ngayon. Saka ko tinuyo ang buhok ko. Nagsuot agad ako ng Boxers kasunod ang White pants... sinunod ko ang White long sleeves at nagmamadali kong binutones lahat ito. Saka ko sinuot ang White Coat ko. Bago ako lumabas kinuha ko ang White Leather Shoes ko at isinuot iyon saka ako nagderetso palabas at kumatok sa kabilang pinto.

Agad naman iyong bumukas. Nakita ko si Olga nakasuot na siya ng Wedding Gown ang ganda niya. Tinitigan niya ako mula sa salamin.

"Seth! Ang zipper mo!" tili ni Olga.

Napatingin naman ako sa sinabi niya. Ngek bukas nga! Dali Dali akong tumalikod para ayusin yon. Nagtawanan silang Lima masmalakas ang tawa ni Olga.

"Sorry. Nagmamadali kasi ako e.". katwiran ko. "Pwede makahiram ng suklay?"

"Sure po Sir!" iniabot nito sa akin ang isang suklay. Saka ako nagsuklay ng buhok ko.

"Salamat." nilapag ko sa dresser ang suklay. Saka ako sumandal sa pader at tinitigan si Olga habang inaayusan ito ng buhok .

"Naku Sir Seth. Lumabas na po muna kayo. Doon nyo na lamang po antayin si Ma'am sa Altar." taboy sa akin ng isa sa Staff.

"Ha? Teka. Sabi kasi ni Ol---"

"Okay na ko Seth. Dun mo na lang ako antayin." nakangiti si Olga. Ibig sabihin kumportable na siya sa mga kasama niya.

"Okay." tinitigan ko uli siya. Nagbago ang Kulay ng mukha ni Olga. Lalo siyang gumanda dahil namula ang magkabila niyang pisnge. Ngumiti ako saka lumabas.

Mamaya pagkatapos ng Seremonya matatawag ko nang akin si Olga. Nangingiti akong naglakad sa Lugar na pagdadausan ng kasal.

Sinalubong ako ng mga pinsan ko. Si Luna naman kalung kalong niya ang Cute naming Pamangkin na si Lorie!
Habang si Carmen kalong niya si Edmundo Cru ang mini version ni Kuya Santiago!

"Hello mga Babies! Malapit na din lumabas si Lucca ang Baby namin ni Tita Olga niyo!". kahit na ang totoo Baby yon ni Lucho at Olga. Pero dahil sa wala na ang Daddy niya.... simula sa araw na ito ako na ang kikilalanin niyang Daddy.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon