CHAPTER TWENTY FOUR

366 17 3
                                    

Dalawang Buwan din simula nang tumira kami dito sa Islang pagmamay-ari ko. Walang araw na hindi kami masaya ni Olga. At higit sa sa lahat masaya ako dahil nagbunga ang ilang gabing pinagpuyatan naming dalawa.

Nagdadalang tao si Olga sa panganay namin. At excited na akong maging Tatay!

Seven thirty pa lang nang umaga pero nagdidilig na si Olga sa taniman namin. Hindi ko na siya pinigilan dahil baka sungitan pa ako.

Lalabas na ako para pakainin ang mga alaga naming Hayop nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon. Si Dad.

"Hello Dad." narinig kong bumuntong hininga ito.

"Sabi ko na nga ba at Hindi ka susunod sa mga Plano natin. Ano bang dapat kong gawin sayo Lucho."

Kinabahan ako sa sinabing yon ni Dad. Tumikhim ako. "Dad. Pupuntahan ko po kayo ngayon diyan magpaliwanag po ako. Basta wag nyong gagalawin si Olga please lang po."

Tumawa si Dad yung tipong tawa niya sa tuwing may gusto siyang ipabura sa mundo.

"Sige. Aantayin kita. Andito ako sa Sta.Ana Shipping Company. At ipagdasal mong magugustuhan ko ang mga sasabihin mo. Panganay kita at nag-iisang lalake kaya importante ka pero sa oras na sirain mo ang mga Plano ko magkakalimutan tayo Lucho."

Napalunok ako sa sinabing yon ni Dad. "Okay po. Pupunta na po ako."

Ibinaba ni Dad ang tawag. Tumawag ako sa Sekretarya ko sa Wanda's Resort. Inutusan ko siyang huminge ng Police Escort para sa Resort.

"Magpadala ka din dito ng dalawang Bodyguard ko at dalawang Staff na Babae. Aalis kasi ako at gusto ko Safe si Olga. At wala kang papapasukin na kahit na sino maliban lang sa mga Cru. Maliwanag."

"Y-yes Sir." sagot nito.

"Saka isarado ngayong araw ang Resort walang tatanggap ng mga Client maliwanag ba. Imelda?"

"Opo! Maliwanag po. Sir!"

"Sige na. Pagdating nila dito saka ako aalis."

"Yes Sir!"

Binaba ko ang tawag saka ko kinuha ang pagkain ng mga Alaga kong Baboy at Manok. Sinalubong ako ni Olga saka niya ako hinagkan. Lalo ata siyang gumaganda habang tumatagal.

"Ummm. Aalis ako mamaya ha. Pero may mga pinadala ako ditong sasama sayo habang wala ako."

Kita ko ang mumunting luha niya. Ayaw kasi niya na naalis ako ng Hindi siya kasama. Alam kong nag-aalala lamang siya.

"Saan ka pupunta?" napangiti ako. Hindi na siya utal utal magsalita.

"Kay Dad. May pag-uusapan lang kami." masuyo kong sambit habang naglalakad patungong kulungan ng Baboy para ilagay sa kainan nito ang dala kong pagkain para sa kanila.

"Lu-Lucho... Diba Galit sa akin ang Daddy mo? Siya ang nag-utos sayong pataying ang mga magulang ko."

Nag-uumpisa na siyang umiyak. Binaba ko ang hawak kong timba saka ko pinagpag ang mga kamay ko. "Wag kang mag-alala sasabihin ko kay Dad na kung gusto niya sa kanya na lang ang Kumpanya ni Don Manuel basta wag ka na niyang gagalawin pa."

Pinilit kong ngumiti.

"Olga pangako babalik ako. Babalikan ko kayo nang Anak natin. Basta antayin mo lang ako ha at aayusin ko to. Kaya please lang wag ka nang umiyak baka mapano pa si Baby natin eh."

Yumakap sa akin si Olga. Isang mahigpit na yakap. Malungkot akong ngumiti. Saka ako bumulong sa kanya.

"Kahit anong mangyari tandaan mo lagi na Mahal na Mahal kita Olga. Ikaw at si Baby ang Mundo ko. Wag na wag mong kalimutan yan."

Tumango lamang ito at patuloy na umiyak. Ayaw kong naririnig siyang umiiyak... naaalala ko lang uli yung mga maling nagawa ko sa kanya at sa mga magulang niya.

May natanaw na akong tatlong Speed boat na parating sa Isla.

"Andito na ang mga sasama sayo habang wala ako." naglakad kami para salubungin ang mga ito.

Humigpit ang hawak ni Olga sa mga kamay ko. Nang malapit na kami sa dalampasigan.

"Lucho... Wag ka nang umalis.... Wa---wag mo naman kaming iiwan ni Baby. Ayokong umalis ka... please...."
pagmamakaawa ni Olga.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge. Saka ko siya tinitigan. "Olga. Kelangan ko tong gawin para tigilan ka na ni Dad. Para sayo at sa magiging Baby natin."

Hindi sumagot si Olga. Lumuha lang siya nang lumuha. Yumuko ako at hinagkan siya sa labi. Isang halik na hinding hindi ko makakalimutan kahit kelan. Saka ako lumuhod para hagkan naman ang medyo umbok na niyang tiyan.

"Baby. Si Papa to. Mahal ko kayo ni Mama. Wag pahirapan si Mama habang wala si Papa ha. Aalis lang ako saglit. Babalik din ako." at masuyo ko itong ginawaran ng halik.

"Sir. Aalis na po ba Tayo?" tanong ng isa sa mga tauhan ko.

Bumaling ako dito. Saka tumayo. Tumango ako at tumalikod na nang tuluyan kay Olga. Saka ako naglakad. Ilang beses pa niya akong tinawag pero tiniis ko ang hindi siya lingunin.

"Hindi... Lucho wag mo akong iwanan Dito! Sasama ako! Lucho!" sigaw ni Olga. Pero hindi ko pa rin ito nilingon dahil baka magbago pa ang isip ko.

"Sir. Si Ma'am hinimatay po." bulong nang isa sa mga tauhan ko.

Nilingon ko ito agad. Nakita ko nang buhatin siya ng isa sa mga pinagkakatiwalaan kong Bodyguard.

"Babalik po ba tayo Boss?" may pag-aalalang tanong ng tauhan ko.

"Hindi. Masmagiging magulo kung hindi ako tutuloy sa lakad ko. Basta maging alerto kayong Tatlo mamaya kapag nasa teritoryo na tayo ni Dad."
kahit gusto kong bumalik hindi ko ginawa. Para rin ito sa ikatatahimik namin ni Olga.

"Yes. Sir!" sabay sabay nilang sagot.

Lima silang pinagkakatiwalaan kong Bodyguard ko ang dalawa iniwan ko para sa mag-ina ko. Masmagaling sila kumpara sa mga tauhan ni Dad kaya may tiwala ako sa kanila.

TATLONG ORAS ang biyahe namin papunta sa Sta.Ana Shipping Company. Sinalubong kami ni Dad kasama ng mga tauhan niya.

"Sa wakas andito na ang Anak ko na Lage akong binibigo.". bungad ni Dad habang hawak ang paborito niyang brand ng Tabacco.

Tumayo lamang kami sa di kalayuan. Alam ko lumaro si Dad. Hindi siya patas. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Lihim akong natawa. Talagang kalaban ang tingin niya sa akin.

"Alam mo Lucho. Anak kita. Kaya dapat ako ang pinapanigan mo diba. Ibagay mo si Olga. At sisiguraduhin ko ang mabilisan niyang pagkamatay."

Umiling ako. "Hindi Dad. Kung ako sa inyo dapat matutunan nyo na siyang tanggapin dahil magkakaanak na kami. Magiging Lolo na ho kayo. At saka kung Kayamanan niya ang gusto nyo ibibigay namin yon sa inyo nang buong buo!" malakas kong tugon.

Tumawa si Dad. "Lucho Anak! Hanggat Buhay si Olga kahit kelan hinding hindi magiging akin ang Sta.Ana Shipping Company! Kung ayaw mo siyang patayin. Pwes! Ako ang gagawa!" sigaw ni Dad.

Agad kong binunot ang baril na nakasukbit sa likod ng bewang ko.

"Aba. Tignan mo nga naman! Kaya mo akong barilin na Ama mo para lang sa Babaeng yon!" Galit na sigaw ni Dad.

"Kayo Ang pumilit sa akin na gawin to Dad! Isa lang naman po ang gusto namin ni Olga at yon ay ang TANTANAN nyo na kaming dalawa!"

"Lucho Anak! Isa kang kabiguan! Ayokong saktan ka dahil Anak kita! Pero kung maspipiliin mo ang Babaeng yon na pwede mong palitan kapag nakamkam na natin lahat ng Meron siya! E pasensyahan na lang tayo!"

Kinuha ni Dad ang baril ng isa sa mga tauhan niya saka ako mabilis na pinaputukan. Shit!

"BOSS MAY TAMA KA!!!" sigaw ni Dondon. Agad nila akong itinakas sa Lugar. Nakipagpalitan kami ng putok sa mga tauhan ni Dad.

"Bilisan nyo! Kailangang madala natin
si Boss sa Ospital kung Hindi mauubusan siya ng dugo!" Rinig kong utos ni Arnel.

Itinaas ko ang kanang kong kamay. "Arnel ang telepono mo may tatawagan ako."

Medyo hindi ko na gaanong nararamdaman ang sakit. Dinayal ko ang nag-iisang taong alam kong sasaklolo sa mag-ina ko.... si Sethorino Cru.

My Silent Prayers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon