Kabanata 4 - Comfort Room

28.3K 1K 728
                                    

"Miss Muriedo, are you okay?" narinig kong pagkumusta sa akin ni Miss Ventura nang dahan-dahan akong pinatayo nina Kate mula sa pagkakaupo.

Hindi ako nakasagot at tulalang nakatingin lang sa mukha nito nang makita kong papalapit na ito sa amin at pagkatapos ay napadako ang tingin nito sa balikat kong hawak-hawak ko.

"Can I see?" tanong nito nang makalapit sa akin. She didn't wait for my response at bahagyang hinawi ang polo shirt ko.

Napasinghap ako at bahagyang napaatras nang maramdaman ko ang pagdikit ng mga daliri nito sa balat ko. Our eyes met at hula ko ay naramdaman din nito ang naramdaman ko nang magkadaiti ang mga balat namin nang mabilis na napakislot ang kamay nito.

"It's getting swollen and I think it will leave some bruise, Miss Muriedo." usal nito na muling tumitig sa akin. Muli nitong inayos ang damit ko at bahagyang lumayo sa akin at tumingin kay Kate.

"Assist your friend to the clinic, Miss Perez. Susunod ako doon mamaya." matapos sabihin iyon ay mabilisan itong sumulyap sa akin at tumalikod na papunta sa kung saan nakaupo si Denise. Yun lang, mabilisang pagkumusta tapos babalik na naman sa ex. Shunga ka ma'am?

I groaned in pain nang masagi ni Arkiela ang balikat ko matapos ako nitong alalayan sa braso.

"Ay sorry, beh. Akala ko manhid ka eh." tatawa-tawa pa nitong sabi.

"Gago ka Arki, mamaya nyan may nabaling buto na pala sa balikat yan tapos sinagi mo pa, edi nadagdagan ang diperensya nyan." singhal ni Kate dito na ikinairap naman ng isa.

Tiningnan ko ang mga ito ng masama na ikinatawa lang ng mga yawa at nagsimula na kaming maglakad papuntang clinic.

"What happened?" pagkapasok na pagkapasok ay sinalubong kaagad kami ni Nurse Zoriaga.

"I hurt my shoulder, Miss Nurse. Nasipa ng classmate ko kanina habang naglalaro kami eh." I explained at napatango-tango naman ito at sinimulang tingnan ang balikat ko.

Ginamot naman kaagad ito ni Nurse Zoriaga at nagbigay na din ito ng reseta para sa pamamaga ng balikat ko. She let me rest on the bed at dahil sa pagod ay nakatulog ako.

I woke up when someone tapped my cheek at bumungad sa akin ang nag-aalangang mukha ng student assistant sa clinic. I checked my wrist watch at nanlalaki ang mga matang napatitig ako dito. Oh God! Alas siyete ng gabi na?!

"Ate, magco-close na po kami. Pasensya na po talaga kailangan na kitang gisingin." kakamot-kamot sa ulong saad nito.

"It's okay. Sorry napatagal ang tulog ko ah." hingi ko ng paumanhin at tumayo na mula sa kama.

"No problem, ate. Pagaling po kayo." she smiled at me at tumango naman ako dito at nagpaalam na dahil hindi ko naman na nakita si Nurse Zoriaga bago lumabas ng clinic.

Hindi ko namalayan na ginabi na pala ako kaya bago ako umuwi ay dumiretso muna ako ng cr na malapit sa faculty room. Pahaplos-haplos pa ako sa balikat kong nananakit habang papalapit sa cr at napangiti nang walang mga tao sa paligid.

I'm about to open the door when I heard two voices na parang nag-aaway mula sa loob kaya hindi ko na naituloy ang pagbubukas nito. Luminga-linga ako sa paligid at sinigurado kung meron pa bang ibang nakakarinig kaya nang makitang ako lang talaga ang tao dito ay napako ako sa kinatatayuan ko.

"Stop it, Leyla. I told you hindi na kita mahal!" of course, kaninong boses pa ba iyon kundi kay Denise at magkasama na naman sila sa loob.

"Why? Nakita mo lang kaagad ang propesor na yun, inlove ka na kaagad? Talaga lang, Denise?" mapait ang boses ni Miss Ventura na saad dito.

Pero ano daw?? Pinagpalit nya din sa isa pang prof? Sino naman?

"Tama na, Leyla. Ayoko na talaga." sumusuko ang boses nitong sabi.

"A-ano ba ang nakita mo sa propesor na yun na hindi mo nakita sa akin? Tell me, Denise! Ano?!" tumataas na ang boses nito at naririnig ko ang mga pag galaw sa loob na parang nagkakatulakan.

"Stop! I'm tired, Leyla. Don't bother me anymore, please. I'm done."

Nakarinig ako ng papalapit na mga yabag at mabilis akong nagtago sa gilid ng cr. Maya-maya ay narinig ko ang pag bukas at pagsara ng pinto at ang muling paghikbi ni Miss Ventura sa loob.

Nang masiguro kong nakaalis na si Denise ay dahan-dahan kong pinihit ang seradura at pumasok sa loob. Agad na nagtama ang mga mata namin ni Miss Ventura na ngayon ay namumula at namamaga na naman.

"You're crying again." simula ko at muli na namang dumukot ng panyo sa aking bulsa at inilahad dito.

Pinahid nito ang mga luha gamit ang kanyang mga palad na hindi man lang pinansin ang iniaabot kong panyo.

"Stop offering me your handkerchief kung ayaw mong makatanggap na naman ng sipon mula sa akin." seryosong sabi nito na hindi inaalis ang mata sa salamin. Her eyes are still swelling with tears.

"So, you remember me." amused na usal ko. Naaalala pala ako nito pero parang wala lang dito iyon? Hindi ba nito pananagutan ang paghawak sa boobies ko?!

"Of course, ikaw lang naman ang nakinig sa usapan namin sa cr noon."

Aaahhh. Sa cr lang naaalala. Psh!

"I bet you heard us again earlier. Ugali mo ba talagang makinig sa issue ng iba?" masungit na tanong nito na ngayon ay naghuhugas na ng mga kamay.

"No, ma'am. Sadyang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para magtagpo tayo ulit." I tried to joke para naman gumaan ang atmosphere dito sa loob. Kanina pa kami dito pero hindi man lang talaga ako nito sinusulyapan.

I heard her snorted at hindi na muling nagsalita.

"Bakit po? Hindi ka ba nagtataka? Tuwing umiiyak ka, nasa tabi-tabi lang ako, Ma'am. Parang sinasabi ng tadhana na baka ako na talaga yung para sayo." ngisi ko dito.

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay nito at sa wakas ay tumitig din sa akin. "You're not my type, Miss Amanda. Hindi porke't alam mong may relasyon kami ng classmate mo ay papatol na din ako sayo na isang estudyante ko." tuloy-tuloy na litanya nito.

Sus! May relasyon DATI kamo.

I pouted my lips and stared at her face. "Sakit mo naman, ma'am. Maganda naman ako ah, sexy, mabait, mayaman, responsableng anak...wala ka nang hahanapin pa. Nasa akin na lahat, Miss Ventura." pangungulit ko pa dito.

Pero sa totoo lang, medyo nakaka hurt pala ng slight na marinig mula dito na hindi ako nito type like....pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Haaaay!

I suddenly flinched when I noticed her slowly approaching me matapos kong sabihin ang mga iyon. She's looking straight into my eyes at hindi ko na nagawang umatras dahil parang napako ang mga paa ko sa semento.

Nang makalapit sa akin ay hinawakan nito ang kwelyo nang damit ko. "You know, Miss Amanda...it's not all about the physical appearance, the sexy body, or wealth. It's all about something our heart could only see and feel that our eyes couldn't."

My heart fluttered when her fingers touched my chin at itinaas iyon dahilan para magtama ang mga mata namin. Para akong kakapusin ng hininga nang mapagtantong sobrang lapit ng mukha at katawan nito sa akin. I could also feel and smell her minty and sweet breath at ang mainit nitong katawan na mas lalong nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Kahit ilang ulit mo pang sabihin na nasa iyo na ang lahat, o kung ikaw na ang pinakamaganda at sexyng babae sa mundo, kung hindi naman ikaw ang tinitibok nito...." kasabay noon ay ang pagturo nito sa parte ng dibdib ko.

"All of it'll gonna be useless."

Matapos nitong sabihin yun ay mabilis na nitong binitawan ang kwelyo ng polo shirt ko at walang sabi-sabing lumabas na ng cr.

Nang mawala ito sa paningin ko ay para bang nanlalambot ang mga tuhod kong napasandal sa sink. Gosh! Iba na talaga 'to. Iba na 'to, Mandy!

Aminin ko man o hindi, kahit na pabiro lang ang lahat sa akin, masakit parin pala talagang ipamukha nito sa akin na para bang walang pag-asang magkakagusto pa ito sa akin. 'Cause I know deep inside, I wanted her...I wanted her in my life.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now