Kabanata 7 - Hot Choco

25.6K 1K 623
                                    

Kinabukasan, 6:00am pa lang ay gising na ako. Maaga ako ngayon dahil 7:30 am ang homeroom ng mga bata.

Pababa na ako ng sala nang mahagip ng paningin ko si Daddy na may dala-dalang malaking bagahe.

"Dad? Where are you going?" I asked na nagpalingon dito. I walked towards him and kissed his cheek.

"I have a business meeting, baby. Babalik ako after a week." he answered.

Tumango ako at tumungo sa mesa na may nakahanda nang mga pagkain at umupo dito. Ganito kami, simula nang mawala si Mommy, palagi na itong sa labas naglalagi. Makikita ko lang ito kapag maaga akong nagigising or kapag late na akong matutulog. He never stayed at home.

Ang laki ng bahay pero ako lang palagi ang nandirito. We have a big house, but I just need a home. We have money, but I was not that happy. I have my Dad, but I don't seem have any.

Kung tutuusin, nakakaramdam na lang ako ng saya kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. That's why I'm thankful din na nakilala ko si Flare, kahit papaano, ramdam kong may pamilya ako.

Back to my dad, sabi nito kumakayod lang ito for my future pero kahit naman magpahinga na ito sa work, secured naman na ang future ko, kahit pa nga ang magiging mga apo nito sa amin ni Miss Leyla. Wag kayong umangal, future wife ko yun.

"Mandy?"

Napalingon akong muli kay Dad nang tinawag ako nito. Even in his 50's, he's still as handsome as ever. Makisig at matipuno parin itong tingnan. There were younger and older women who were after him. But I know they're just after his looks and money.

"Yes, dad?"

"I have something to tell you when I get back home. Okay?" he smiled at me.

"Can't you say it right now, dad?"

"I'm in a hurry, baby. When I get back, okay? I gotta go."

Tumango lang ako ulit dahil mayroon naman na akong idea kung tungkol saan ito. I heard from his secretary that he's dating a younger woman at palagi daw itong bumibisita sa office ni Dad. Minsan daw, kasama nito ang kapatid din nitong babae at ginagawa nilang tambayan ang office nito.

Ang kakapal ng mga mukha, right? It was also the reason why I spend most of my free time sa bar. Mas pinipili kasi nitong samahan ang karelasyon nitong hanggang ngayon ay hindi ko pa kilala kesa sa akin na anak nito.

Kaya mas gusto ko na lang magliwaliw, makipag kilala sa mga hot boys at umuwi ng bahay na lasing.

May mga naging boyfriend na din naman ako noon, at never pang nagka girlfriend. Minsan nanlalandi lang ako ng babae dahil trip ko lang. Sila din naman kasi ang lumalapit kaya why not? Kay Miss Leyla lang naman ako nabaliko. Ewan ko ba kung ano ang mayroon dito at ganito na lang yung nararamdaman ko. May gayuma yata yung sipon nya eh.

After I prepared, I drove my car at dumaan muna ng drive thru. I ordered two hot chocolate dahil ibibigay ko kay Miss Leyla ang isa. One way of expressing myself to the person that I like.

"Good morning, Teacher Gorgeous."

"Good morning, Teacher Pretty."

"Hello, Teacher Amanda. You're so beautiful today."

Pagtungtong pa lang ng PS Building ay ito na ang salubong sa akin ng mga Kinder 2 pupils ni Miss Leyla. Kaya gustong-gusto ko talaga ang mga bata eh, very honest talaga sila. Hindi marunong magsinungaling.

When I entered the classroom, agad na tumambad sa akin ang napakagandang balakang ni Miss Leyla. I mean, yung katawan nya.

Nakatungtong kasi ito sa table at dinidikit sa pader ang gawa ng mga bata kahapon.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now