Kabanata 33 - Big Day

24.3K 999 941
                                    

This chapter is dedicated to VienLeighren 😤

Mabilis akong napaiwas ng tingin at napakurap-kurap ng mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha na gustong kumawala mula dito.

Gosh, Mandy! Stop it, it's your day. Please don't ruin it. They're just pretending, alright?

It's okay. It's fine, Mandy. Sayo parin uuwi ang girlfriend mo. Sayo lang sya! Fuck!

Kahit na gaano ko pa pilitin ang sarili ko na palabas lang ang lahat ng mga iyon, pakiramdam ko ay pinipiga ng pinong-pino ang puso ko. Ang sakit lang na makitang may ibang humahalik sa taong mahal mo. At hindi ako iyon.

Ipinilig ko ang aking ulo at pinilit ang sarili na mag focus sa harapan. This is not the right time to overthink. Hindi ko pwedeng sirain ang araw na 'to.

Maya-maya pa ay ipinapakilala na ang mga Doctors, Deans and Professors na magmamarch sa gitna papuntang stage at hindi maiwasang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakikita ko na sa gilid ng aking mga mata ang paglalakad ng mga ito sa gitna and I didn't dare look at them. I can't. I just can't.

But my heart betrayed me.

Habang isa-isa na silang dumadaan ay ramdam kong may mga matang nakatitig sa likod ko at hindi ko na kailangan pang itanong kung sino 'yon.

Napatiim-bagang ako nang magtama ang mga mata namin nang lumingon ako sa likod. Leyla was smiling widely and sweetly at me at kita ko ang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito na tila ba sinasabing proud na proud ito sa akin.

But then her sweet smile instantly faded when she saw my face. Ang kaninang masayang mukha at makislap na mga mata nito ay napalitan ng pagkunot-noo at nagtatanong na mga mata.

Mabilis kong binawi ang mga tingin dito at kagat-labing napatitig sa itaas ng stage. Buntong-hiningang pumikit ako at muli ding napamulat ang mga mata nang nagbigay na ng hudyat ang MC na tumayo kaming lahat.

Lumipas pa ang ilang minuto ay isa-isa nang tinatawag ang mga pangalang ga-graduate ngayon taon. At dahil na din sa kaba at excitement na makuha ang diploma, nakalimutan ko na din pansamantala ang nakita kanina.

"Muriedo, Amanda Georgina P., Bachelor of Elementary Education major in Pre-School Education."

Malawak ang ngiting tumayo ako at nagsimulang maglakad papuntang stage. This is it!

Nang makatungtong ng stage ay agad na nilapitan ko si Mr. President at malawak ang ngiting tinanggap ang diploma saka ito kinamayan.

I was also greeted by my dean and other professors kasama na si Miss Zabuel at ang panghuli, si Leyla na matiim ang titig sa akin na para bang pinag-aaralan ako.

When I held her hand, marahan nito iyong pinisil at saka mahinang bumulong sa akin. "I'll text you later, George. Congratulations." at saka ito marahang ngumiti.

I smiled back at her at nagsimulang maglakad pabalik ng upuan namin.

"Pa-picture tayo mamaya kay Miss Leyla, Mands ha?" salubong sa akin ni Flare nang makabalik.

I faked a grin. "Ayoko."

"Ay bakit? Di mo na ba sya crush? Picture lang nga oh, huling araw na natin na makikita mga professors natin. Sige na ha? Later?" pangungulit nito.

Tumango na lamang ako para tumahimik na ito at muling tumingin sa harapan. I don't know if ready na ba akong sabihin ang totoo kay Flare, lalo na ngayon na medyo complicated ang mga nangyayari lalo na kay Leyla.

I heaved a sigh and continued to listen to the program. Soon, magiging maayos din ang lahat.

--

"Aaaaaahhhh congrats to us guyssss!!!! Finallyyyyy!!"

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now