Bonus Chapter - Punishment 🔞

35.2K 934 1.2K
                                    

(Angela ni Amanda ☝️)

Warning: Not suitable for young readers or sensitive mind. This chapter contains graphic sex scenes, adult language, and situation intented for mature readers only. So please, read at your own risk.

Note: Unedited! This chapter happened BEFORE Leyla and Amanda's Engagement Party (Epilogue).

Ps. This is my first time to write this kind of bedscene so please bear with me. If you're a reader of Chasing Flare and nabasa niyo na rin ang bs doon and dito sa AG sa mga previous chapter, may idea na kayo how I write my bs. DETAILED. If you happen to read something na hindi niyo gusto below, please refrain from commenting harsh and hurtful words. You have a choice to leave this chapter if you're uncomfortable. Please be kind and be nice. Enjoy reading!

---

"Good morning." Simpleng bati ko sa klase pagkapasok na pagkapasok sa classroom ng mga third year students.

I roamed my eyes around and when I met Dominique Rivo's amber eyes ay mabilis akong napairap dito. She was a transferee from Iloilo City at sa unang araw pa lang ng klase ay iba na ang tingin na ibinibigay nito sa akin.

Para itong sarili ko noong nag-aaral pa ako dahil sa kalandiang taglay rin nito. Kung paano ako magpapansin kay Leyla noon ay siya namang ginagawa ni Rivo sa akin ngayon. Naaalala ko kung gaano ito lumandi sa klase at kahit sa gitna ng pagtuturo ko ay sumisingit ito para lamang masabi ang mga pick-up lines nito sa akin.

I took a breath before my eyes darted to my smartest student in class. "Mr. Angeles, could you please move one table and chair at the back for our observer for today?"

"Yes, Ma'am." Sagot nito na ngumiti sa akin ng tipid.

Nang matapos ito sa ginagawa ay agad itong bumalik sa kanyang pwesto. Muli namang gumala ang paningin ko sa buong klase at tumikhim ng malakas para makuha ang atensyon nilang lahat.

"I hope you've read your previous lesson because we will be having an activity and recitation. As we all know, we have our observer for today so please, I'm asking for your participation in class and I hope wala nang gulo na mangyayari pa ulit ngayon. Because it would be so embarrassing for our visitor. " Sabi ko sa buong klase at nang muling mapatingin kay Dominique ay naniningkit ang mata kong binigyan ito ng warning look pati na rin ang katabi nitong si Fiona.

Kahapon kasi ay biglang nagkagulo habang nagdidiscuss ako sa harap. Bigla na lang may lumagabog at nakita kong nakatihaya na sa sahig si Fiona dahil tinulak umano ito ni Dominique Rivo.

Rivo said na napika raw ito sa pangungulit ni Fiona sa kaniya kaya bigla niya itong itinulak palayo.

"Am I understood?"

"Yes, ma'am." The class responded in unison.

Nagsimula akong mag discuss sa klase at alam kong maya-maya lang ay papasok na ang observer sa klase ko. At hindi nga ako nagkamali nang bumukas ito at iniluwa ang isang pamilyar na pigura na ikinalaki ng mga mata ko.

Shit! Bakit naman hindi nito sinabing ito ang observer ng class ko??

Observation Rule: hindi mo puwedeng pansinin o kausapin ang observer ng iyong klase at hayaan lamang ito sa likod habang ang mga professor ay nagtuturo sa mga estudyante nito. Kaya tamang titig lang ang nagawa ko kay Leyla pagkaupo nito na sinuklian naman nito ng matamis na ngiti.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now