Kabanata 30 - Drunk

27.2K 1.2K 478
                                    

I stepped on the gas with much more force at nagdadasal na sana hayaan ako ni Leyla na magpaliwanag tungkol sa mga narinig nito.

Matapos kasi itong magtanong ay walang sabi-sabing pinatayan nya ako ng telepono. Nang sinubukan ko naman itong tawagan ay hindi ko din ito ma-contact. In-off pa yata nito ang kanyang phone na mas lalong nagpakaba sa akin.

Kaya matapos nun, I decided to leave the house and drove my way to my girl's place.

Sa bilis ng patakbo ko, wala pang isang oras ay narating ko na ang bahay nito. Ang layo kasi ng bahay nito eh. Magkasalungat yung daan ng mga bahay namin papuntang University.

Kinakabahan man, lumabas ako ng sasakyan at kapag sinuswerte pa ay naabutan ko ang stay-out na taga linis ng bahay nito. Papalabas na ito ng gate ni Leyla kaya patakbo akong lumapit dito.

"Nay!" I called.

Napatingin ito sa akin at nanliliit ang mga matang kinikilala ako. Matapos ang ilang sandali ay lumiwanag din ang mukha nito tanda na naaalala nya pa ako.

"Oy, neng. Diba ikaw yung kasama noon ni Ma'am Leyla dito? Aba at gabing-gabi na nasa labas ka pa."

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makilala nya ako. Akala ko mahihirapan pa ako eh.

"Yes, nay ako po. Uhm. Nandyan po ba si Miss Leyla? Importante lang po kasi ang sadya ko."

"Ay oo. Pupuntahan mo ba? Naku nak, mukhang bad mood 'yon eh. Ayun at umiinom pa nga. Kanina pa din 'yon nagdadabog at saka pag-alis ko, hindi parin tapos uminom 'yon. Baka hindi ka nya makausap kasi mainit ang ulo. Hindi pa naman nagpapaistorbo 'yon kapag hindi maganda ang araw noong batang yun." mahabang litanya nito.

"Ayos lang po, nay. Importante lang po talaga na makausap ko sya ngayon."

Mas lalo pa akong kinabahan sa sinabi nito na mainit ang ulo ni Leyla ngayon at umiinom pa. Gosh, I'm so doomed!

Tinitigan ako nito na para bang inaanalisa ang mga sinabi ko kung totoo o hindi. Matapos ang ilang sandali ay luminga muna ito ulit sa bahay at ibinalik ang tingin sa akin.

"O sya sige. Pasok ka na at katukin mo na lang doon ha? Kapag hindi ka kinausap, balik ka na lang sa ibang araw."

Tumango ako at nagpasalamat dito. Hinintay ko munang makaalis ito bago humakbang sa harap ng magarang gate ng girlfriend ko.

I entered inside at habang papalapit sa pinto ng bahay nito ay dumo-doble din ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

I heaved a deep sigh nang nasa harap na ako before I knocked on her door.

I could feel my hands were shaking while waiting for her to open the door. At nang marinig ko ang pag click ng pinto ay para na akong hihimatayin sa nerbyos.

Maya-maya pa ay dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang napakagandang girlfriend ko.

"Hi." alanganin akong napangiti at nang mabistahan ko ang anyo nito ay mabilis ding naglaho ang mga ngiting iyon sa labi ko.

Namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin na nagpapahiwatig na nakainom ito...and worse is mukhang lasing pa ito.

Pero hindi talaga iyon ang nakaagaw ng pansin ko kundi ang suot-suot nito ngayon.

This is the first time that I saw her wearing a nighties at hindi lang yun ang naging dahilan kung bakit nagwawala na naman ang puso ko...

She was wearing a super short and thin satin nighties at wala man lang itong suot na bra dahil nabibistahan ko ang bakat ng tuktok ng dibdib nito. Fuck! Ano na naman bang pagsubok ito, Rold?

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now