Kabanata 36 - Amanda

22.1K 967 437
                                    

Lakad-takbo ako habang papasok ng ospital kung saan isinugod si Daddy. After I ended the call, I immediately booked my flight to Manila at ngayon ay nandito na nga ako.

Halos lumabas sa dibdib ko ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok nito. Unti-unti na ding nagsisilandasan ang mga luha sa pisngi ko habang papalapit ako nang papalapit sa ICU.

Dad had a heart attack at nadatnan na lang daw ito ni Denise sa kusina na nakahandusay kaya mabilis daw nitong tinawag si Victoria na mabilis na humingi ng tulong.

When I reached the ICU, mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang umiiyak si Victoria habang kausap ng doctor.

"Doc?" tawag ko sa nanginginig na boses na ikinalingon nilang lahat.

"A-amanda--" Victoria approached me and hugged me tight.

Dahil sa matinding kaba at takot ay hindi ko na magawa pang itulak ito palayo sa akin, instead, I looked at the doctor with a sad expression on his face.

"I'm sorry, Miss Muriedo. We did our very best to save your father. He had a heart attack which lead him to comatose and this time, hindi na kinaya ng puso nito. I'm very sorry." usal nito at tinapik ang balikat ko.

No. This can't be! Hindi maaari. Si Dad na lang ang natitira sa buhay ko. Hindi nya ako pwedeng iwan!

Humagulgol ako sa harap nilang lahat at muli akong tinapik ng doctor saka marahang nagpaalam.

Dad, no! Hindi mo ako pwedeng iwan!!

When the doctor made his way to the exit, tila nawalan ako ng lakas at mabilis na napaupo sa malamig na sahig.

Tila ba gripong sunod-sunod na umagos ang mga luha ko nang mapasandal ako sa pader habang walang lakas na nakahandusay.

"D-dad, w-why? B-bakit? You can't do this to me! I-ikaw na lang ang mayroon ako." hinagpis ko sa kawalan. I felt my chest hurting at para na akong kakapusin sa hangin dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

Marahas na sinuntok ko ang aking dibdib at nananalangin na sana sa ganitong paraan ay maibsan ang sakit na aking nararamdaman.

I felt Victoria kneeled down in front of me and pulled me towards her. Mahigpit nya akong niyakap at hinaplos ang likod habang bumubulong ng mga salitang makakapagpagaan ng loob ko. Pero walang silbi ang lahat ng mga iyon.

I let Victoria hug me and this time, I let my guard down. Sumubsob ako sa leeg nito at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito na tila ba sa ganoong posisyon ay makakakuha kami ng lakas mula sa isa't-isa...and praying to God na baka sa ganoong posisyon ay mawala ang sakit na nararamdaman ko.

----

Isang linggo na din ang nakakaraan simula nang mamatay si Dad. Hindi ko na rin pinatagal pa ang lamay at after three days ay inilibing na din ito.

I was currently sitting inside my Dad's room at nilinga ang paningin sa paligid. I could still smell his scent na mas nakadagdag lang sa pangungulila ko dito. Malungkot akong napangiti at nang mapadako ang mga mata ko sa mga damit nito, muli na namang nagsilandasan ang mga luha mula sa mga mata ko.

Eventhough hindi kami magkaintindihan minsan at nagkalamat ang ugnayan namin simula nang iuwi nito si Victoria at ang kapatid nya, still, mahal ko parin ito. Tatay ko parin ito at hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko dito.

Ni hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos simula noong umalis ako. We were both busy with our own lives na hindi ko narin natutukan ang mga ginagawa nito dahil sa tuwing nagkikita o nagkakausap kami, away lang ang uwi ng lahat.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Aling Neda. She softly smiled at me na tinanguan ko lang. "Ma'am, eto na po ba ang lahat?"

"Opo, manang." matipid na sagot ko at mabilis naman nitong inayos ang mga gamit ni Dad.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now