Kabanata 48 - Oplan: 🔞

53.7K 1.4K 1.6K
                                    

Note: Unedited.

"Good morning, Ma'am Amanda!"

"Good morning po." Pagbalik ko ng pagbati sa guard na sumalubong sa akin bago ko pinasadahan ng tingin ang magara at matayog na building sa harap ko.

Isa ito sa mga naipundar ni Dad dito sa Davao City at nandito ako ngayon para puntahan si Victoria para magpaalam na dahil babalik na ako ng Manila. She decided to stay here for good and start all over again. Nag request itong ang pagawaan na lang ng mga tsokolate ang pamamahalaan nito dahil mas lalo lang itong nalulungkot kapag nag stay ito sa Manila.

Isang buwan na din ang nakakaraan noong birthday celebration ng bestfriend ko at gustuhin ko mang umuwi kasama si Leyla ng Manila ay hindi ko nagawa dahil na din nagka emergency dito sa negosyo at kailangan ni Vic ng tulong ko.

I've stayed here in Davao for a month at dahil naayos naman na ang lahat ay pwede na akong bumalik dahil miss na miss ko na din talaga ang girlfriend ko.

"Good morning, Ma'am." bati ng mga nakakasalubong kong mga empleyado.

I smiled at them and made my way to the elevator. Mabilis akong pumasok nang bumukas ito at pinindot ang 24th floor.

Nang makarating sa sadyang pasilyo ay agad din akong lumabas at humakbang papunta sa kung nasaan ang opisina ni Victoria. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok, isang pamilyar na babae ang namataan ko na nakaupo sa waiting area at may hawak-hawak na isang folder.

Wait! Is that...

Dahan-dahan akong humakbang papunta dito and I noticed her fidgeting her fingers. She's nervous...

At dahil nakayuko ito ay hindi parin nito napapansin na nasa gilid na ako nito kaya minabuti kong magsalita na.

"George?"

Yeah, you heard it right. She's a George too. We have the same second name. Ito iyong student assistant ni Miss Ven sa clinic nya sa dati naming University. Taga Davao pala ito?

Nagulat pa ito at halos mapatalon sa kinauupuan nang tumingala ito sa akin. Rumehistro ang pagtataka sa kanyang mukha at maya-maya ay gulat na napatitig sa mukha ko. "Ate Amanda?"

I smiled and sat beside her. "Long time no see, George. Anong ginagawa mo dito sa Davao? Anong ginagawa mo dito?"

I noticed her gulped before she looked at me. "Akira na lang po, ate. Mag-aapply po sana ako. Eh tinawagan ako ng Muriedo Sweets at may interview ako ngayon."

Napatango naman ako dito. "Okay, Akira. Ikaw lang ba nandito?"

She shook her head no. "I...I'm with someone, Ate. Uhm...si--"

"Miss Muriedo?"

Pareho kaming napalingon nang may tumawag sa akin at ang buntis na secretary ni Vic ang bumungad sa akin nang lingunin ko ito. Nakangiti ito habang papalapit sa akin at nang mapatingin ito sa katabi ko ay napasunod din ako.

I noticed Akira's shocked face while looking at me kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit?" I curiously asked.

Napailing ito. "Ate, Muriedo ka? Ibig sabihin..." she paused. At gets ko na din ang ibig nitong sabihin kaya napangisi ako.

"I'm the owner, Akira."

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now