Kabanata 38 - Leyla

24.9K 1K 1K
                                    

Tulak-tulak ang aking dalang bagahe ay nilibot ko ang paningin sa malawak na airport. Matamis akong napangiti nang makita ang isang pamilyar na pigura na kumakaway sa akin at malawak ang ngiting sinalubong ako ng yakap.

"Welcome back to the Philippines, my friend. Gosh! It's been what? Five years?" salubong ni Andy pagkatapos nya akong yakapin ng mahigpit.

I chuckled and kissed her cheek.

"I'm happy to see you again, Ands." I uttered.

"Me too, mah lady." sabi nito at napadako ang tingin sa kasama ko.

"Anyways, this is Charlie. Professor Charlotte de Leon. I think you've met before in NSU? Charlie, this is Professor Andrea Jefferson, nagtuturo sya sa Elementary Department ng NSU."

"Hi, Miss Charlie. Nice to meet you. Ang tagal nyo din nawalang dalawa sa Pilipinas. Glad that you are back." masayang bati ni Andy dito at inilahad ang kamay.

I noticed Charlie glanced awkwardly at me kaya nginitian ko ito at saka tumango.

"Nice to meet you, Professor Jefferson." maikling bati nito na tinanggap ang in-offer nitong palad saka tumitig sa akin.

"Let me hold your things." abot ni Charlie sa maletang tulak ko nang magsimula na kaming maglakad.

Umiling ako dito at saka nginitian ito ng tipid. "Itutulak ko lang."

Napabuntong-hininga naman ito. "Be extra careful." mahinang usal nito at saka mabilis na nauna nang naglakad.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at habang nililibot ang paningin sa paligid ay napadako ang tingin ko kay Andy na ngayon ay nasa tabi ko at kasabay na naglalakad.

Nang maramdaman nito ang mga titig ko ay napatingin naman ito sa akin at saka marahan akong tinapik sa balikat.

She sadly smiled. "I know that look." tumigil ito sa paglalakad at saka hinarap ako na may nakapaskil na seryosong emosyon sa mukha.

"If only I have known your relationship with her before, I should have told her what happened that night, Leyla. Hindi sana mangyayari ito ngayon." she sadly said.

I blinked my eyes for a few times to stop my tears when I remembered what happened that night. Kung sana nga lang, baka wala sigurong pumalit sa akin sa puso nya.

Napahinga ako ng malalim. I bit my lip and met her eyes that is now staring at me intensely. "Where is she?"

"Are you sure you're ready?" paninigurado nito at nakakunot pa ang noo.

I nodded my head and she chuckled.

"Okay, my friend. Get ready because we're going to crash a party."

Nagpatuloy kami sa paglalakad palabas ng airport at nang mamataan ang sasakyan ni Andy ay mabilis kaming humakbang palapit dito.

Akmang bibitbitin ko na sana paakyat sa sasakyan ang maletang dala ko nang mabilis akong pigilan ni Charlie.

"Let me." she said in a panicked voice before she gave me a warning look.

I chuckled at her nervousness at mabilis na hinampas ang kamay nitong nakapatong sa maleta ko. "Kaya ko na 'to, Charlie."

"No." muling agaw nito sa maleta.

"Ley, let her. Don't stress yourself too much." sabat ni Andy na tumabi kay Charlie. "Mabigat yan, baka mapano ka."

I heaved a sigh and let Charlie carry my things at inalalayan naman ako ni Andy na makapasok ng sasakyan nito.

Nang nasa byahe na kami ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang iniisip ang pwedeng mangyari sa muling pagkikita namin ni Georgina.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now