Kabanata 16 - Smile

29.4K 1.1K 718
                                    

(Leyla Vain Ventura)

Nakarating kami ng restaurant at agad naman naming nahanap ang table kung nasaan ang mga kasama namin dahil sa dami ba naman ng mga nakaupo doon. Labing-isa lang naman kaming lahat and they occupied the biggest table in the resto.

Miss Andy held my hand at iginiya ako patungo sa mga kasamahan namin. Gusto ko sanang tumabi kay Flare na katabi si Miss Ven kaso hinila na ako ni Miss Andy sa upuan kung saan katapat ang tahimik na si Miss Leyla. I noticed that Miss Zabuel is quiet too at minsan ay napapatingin sa gawi nina Miss Ven at Flare.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras na lingunin pa si Miss Leyla pagkaupo dahil pagkapasok pa lang ng resto ay napansin ko nang nakatitig lang din ito sa bestfriend ko.

Iba na talaga ang ganda ng kaibigan ko, hakot sugar mommies. Sana all diba?

Miss Andy leaned closer to me.
"What do you want, Mandy? Mandy na lang ha? Ang haba kasi ng Amanda eh." she giggled and gave me the menu.

Ngumiti ako at tumango dito. Tumingin na din ako sa binigay nitong menu at napagdesisyunan kong mag steak na lang. "Adelante special steak na lang po, Miss Andy." I smiled when our gaze met and she added.

"Drinks?"

"Just water, Miss."

"Alright. This is my treat, okay?" she sweetly smiled.

"No need, Ma'am. Ako na po--"

"No. Ihahatid mo naman ako mamaya so treat ko na ang dinner."

"Hala wow, bakit may paghatid na mangyayari, beh?" singit ni Adi na nasa gilid ko kaya napatingin ang ilan na nasa table sa akin.

I could also feel someone's burning gaze ngunit pinigilan kong mapatingin dito. Ha, akala nyo ah. Hindi 'to marupok no!

At saka hindi rin naman ako assuming na may meaning ang mga tingin sa akin nang nasa harap ko. Baka inis parin ito sa akin dahil baka iniisip parin nito na sya ang tinutukoy kong tanga at bobo na ganda at boobs lang ang ambag. Maliit naman ang ano...charot!

I heard Miss Andy chuckled. "Nasa shop pa kasi ang sasakyan ko, Miss Corpuz, that's why Amanda will give me a lift later."

Tumango naman si Adi na may ngisi sa labi. I rolled my eyes at her at wala na din akong nagawa nang hindi pumayag si Miss Andy na ako ang magbabayad.

Tinawag nito ang waiter at habang naghihintay kaming lahat ay napadako ang tingin ko kay Miss Zabuel. She was clenching her jaw while stealing glances at Miss Ven and Flare na ngayon ay may pinapanood sa phone ng huli habang nagtatawanan pa.

"So, how was your trip, Mandy? Nag-enjoy naman kayo?" napalingon ako kay Miss Andy nang magsalita ito.

I smiled and nod my head. "Yes, Ma'am. It was really fun though nakakapagod."

"That's good. Sayang naman hindi ako nakasama. Ang dami kasing naiwang paper works na kailangang unahin." she explained.

Nagdaan ang higit sampung minuto at sa wakas ay dumating na din ang mga pagkain namin. Pagkakita sa mga ito ay agad kong naramdaman ang gutom at agad na sinunggaban namin ang mga pagkain. Ikaw ba naman ang galing sa mahabang trip diba? Sinong hindi gugutumin.

"Try this one, sweetie. Their garlic chicken here is mwah...chef's kiss." I chuckled when she gestured it too at nilapag ang isang hiwa ng manok sa plate ko.

Napakagat ako sa ibabang labi nang mapansin na nakakahakot ito ng atensyon dahil sa ginagawa nito.

"Miss Jefferson, can I ask?"

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now