Kabanata 29 - Victoria

26.3K 1K 677
                                    

"Shut the fuck up and just enjoy the fucking view, Muriedo!" she hissed before she rolled her eyes and continued to fill-out the form.

Napalunok ako nang muling bumalik ang mga tingin ko sa nakaawang na blouse nito.

I could already see her black brassiere at kaunti na lang talaga ay makikita ko na ng buong-buo ang dibdib nito.

Hindi talaga ito nagbibiro nang sabihin nito na i-enjoy ko itong nasa harap ko, mas lumapit pa kasi ito sa akin at saka mas lalong iniyuko ang kanyang katawan. Buti na lang talaga at nasa likuran ako at hindi ito napapansin ng ibang mga estudyante.

Panaka-naka din itong nagtatanong ng mga impormasyon tungkol sa akin kaya kapag nakikita kong titingin na ito, pumipikit ako bigla at saka pa sasagot.

Nang matapos ito sa pagsusulat ay ibinalik nito ang ballpen sa kamay ko at inayos ang papel sa aking desk nang hindi bumibitaw ang pagkakatitig sa akin.

Umayos na din ito ng tayo pero bago pa ito humakbang para umalis sa harap ko ay mahina itong nagsalita.

"One week, George. One more week and I'll shout to the world that you are mine. And what's mine, is mine. Got it?"

Awang ang bibig na nakasunod lang ako sa papalayong pigura nito. Bahagya pang kumi-kembot ang balakang nito kaya mabilis din akong napaiwas ng tingin at saktong nagtama ang mga mata namin ni Miss Andy.

She was looking at me with a serious face at mabilis ding nag iwas ng tingin saka bumalik sa mesa nito na nasa stage.

--

Ipinark ko ang aking sasakyan sa garahe nang makauwi ng bahay. At base sa bakanteng pwesto sa kaliwang bahagi ng lugar ay sigurado akong hindi na naman umuwi si Daddy.

Ano pa nga ba ang aasahan ko diba? Hindi naman naglalagi yun dito.

Buntong-hiningang kinuha ko ang phone sa aking bulsa at tumipa dito.

"I'm home. Please message me kung pauwi ka na din. Drive safely."

I sent the message to Miss Leyla dahil nauna akong umalis kanina na nasa school parin ito. May meeting kasi silang mga faculty members at after nun ay magdi-dinner pa sila sa labas. So ngayon ay baka nagdi-dinner na din ang mga ito since 10pm na.

Bakit naman kasi late na nagpatawag ng emergency meeting ang President eh. Gusto ko pa sanang ayain si Miss Leyla na magdinner sana sa labas kanina. Kaso ayun na nga ang nangyari.

And speaking of Miss Leyla, mukhang kailangan ko na din talaga sanayin ang sarili ko na tawagin ito sa pangalan nya na walang Professor o Miss kapag kami lang ang magkasama.

I made my way to the house at kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang nang mapagtantong hindi naka-lock ang pinto.

Kunot-noong pinihit ko ang door knob at nang makapasok ay nagtatakang inilibot ang tingin sa living room.

Tanging ang ilaw lamang sa kitchen ang nagbibigay ng ilaw sa loob ng bahay kaya nagtatakang humakbang ako palapit dito. I also heard a muffled noise from the inside kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I'm sure may tao sa loob ng kusina.

I put my things sa couch at marahang humakbang patungong kusina.

Dahan-dahan akong sumilip kung ano ang meron at nanlalalaki ang mga matang napasinghap ako na ikinalingon ng taong ito.

It was Victorina--tama ba yun? Or Victoria whatever at nakapatong ito sa isang stool na tila may inaabot sa isang hanging cabinet. Bahagya din itong nakatingkayad dahil nahihirapan itong abutin ang kung ano man ang kinukuha nito.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now