Kabanata 15 - Ride

28.9K 1K 960
                                    

"Lean on my shoulder or you might hurt your neck."

I just stared at her and shook my head.
"No, Ma'am. I'm okay. Don't worry about me." I said and gently smiled at her. She looked at me as if she was making sure if I really didn't want to.

Sigurado talaga ako dahil ayoko nang magpadala pa sa mga pa-concern nito. Alam ko naman na ginagawa lang nito iyon dahil nag-aalala ito. Syempre, estudyante parin naman nya ako. Pero ayoko lang talaga, kasi mas lalo lang akong mahihirapan na mag move-on nito.

"Okay." narinig kong mahinang tugon nito at nag iwas na ng tingin.

Hindi naman na ako nakarinig pa nang kung ano mula dito kaya minabuti kong humarap sa bintana at kinuha ang aking phone. Dahil ilang oras pa naman ang babyahiin ay napagdesisyunan kong maglaro na muna ng ML.

Ikinabit ko ang aking airpods at nagsimulang maglaro.

Makalipas ang ilang minuto nang paghihintay sa match making, napangisi ako dahil alam kong sure win na kami. Ang toxic ba naman ng mga kalaban namin at nag pick silang lahat ng Marksman.

I picked my main hero Silvanna dahil syempre, astig tayo eh. Napanganga ako at mas lalo pang ginanahang maglaro dahil ang na-pick ng S5 namin ay si Layla, she's the number 4 Layla in Cebu with 4572 matches and 74% win rate. Shit! Sana all adik kay Layla. Napangisi ako nang may maalala. Ibang Layla kasi yung kinakaadikan ko eh.

I bit my lower lip to stop my grin when I remembered na nagmomove on na nga pala ako. Kasi naman eh! Bakit kasi magkapangalan? Diba? Iba lang ang spelling pero same pronunciation naman.

Umayos ako ng upo nang nagsimula na ang game. Parang nakalimutan kong nasa byahe pala ako dahil na din sa lakas ng music sa tenga ko.

"Welcome to Mobile Legends!"

Nagdaan ang ilang minuto at syempre, lamang na lamang talaga kami dahil bukod sa maayos ang picking namin, magaling din ang tank namin. Kailangan lang talaga namin na tapusin kaagad ang match dahil baka tumaba pa ang mga kalaban, lagot pa kami.

Few minutes more into playing the game, nagsisimula na akong mairita dahil seriously? Bakit naman ganito ang laro ng Marksman namin? Damn Layla! Number 4 in Cebu tapos anim na ang death without kill?! Seryoso ba 'to?!

"Damn you, Layla! Ang tanga mo!" I irritatedly cursed.

"Shit naman! Akala ko naman boobie lang ang malambot sayo, Layla! Pati din pala ikaw!" pabulong-bulong ako dahil inis talaga ako. Mahina lang din naman akong bumubulong kaya confident akong walang ibang nakakarinig.

Umiinit na talaga ang ulo ko dahil ang bilis mamatay ng MM namin. Tumataba na din ang mga kalaban kaya masyado nang masakit ang mga damage ng mga ito.

"Defeat!"

Inis na napahinga ako ng malalim dahil sa nagdaan na mga minuto ay hindi na talaga nakabangon ang team namin. Masyadong masakit ang mga kalaban lalo na naging toxic ang mga kakampi ko sa kaka-trashtalk kay Layla. Shit naman, natalo pa kami ng kalaban na puro Marksman?

"Ang bobo mo naman kasi Layla. Ganda at boobs lang naman pala ambag." inis na bulong ko sa sarili.

Inis na tinanggal ko ang airpods ko at napakunot-noo nang makatanggap ng message mula kay Flare. Nagtatakang tumingin ako sa unahan ko at saktong nagtama ang tingin namin.

"What?" I mouthed. Kanina pa ba nakatingin 'to? I noticed Kate and Arki were stiffling their laughs too at saka nagsikuhan pa.

Ibinalik ko ang tingin kay Flare and she smirked at me. Itinaas nito ang phone sa kanyang kamay kaya kahit nagtataka ay binasa ko ang message nito.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now