Kabanata 45 - Sleepover

30K 1.4K 940
                                    

"I still love you, Amanda Georgina. M-mahal na mahal parin kita." hilam parin sa luha at nanginginig ang boses nitong usal sa akin habang humahaplos parin ang kanyang mga palad sa aking pisngi.

My chest was pounding so hard and I couldn't even utter a word because of her sudden confession.

Tama ba ang narinig ko? Mahal nya parin ako? Mahal parin talaga ako ni Leyla? Oh God!

Nagbukas-sara ang bibig ko na tila sinusubukang makapagsalita ngunit para bang nalunok ko ang boses dahil ni isang salita ay walang namutawi mula dito.

I saw a glimpse of hurt in her eyes when she didn't receive a response from me. She just sadly smiled and caressed my cheek gently. At sa nanginginig na boses at namamasang mga mata, muli itong nagsalita.

"I know you've already moved on from me and found a new love, George. I'll be lying if it doesn't hurt." she paused and gulped.

"It hurts so much. I thought...I thought a-ako lang. Akala ko ako lang hanggang dulo. B-but I couldn't blame you. Limang taon ba n-naman akong nawala, d-diba? S-yempre, makakakilala ka talaga ng bagong mamahalin. Yung taong hindi ka sasaktan. Y-yung babaeng hindi ka iiwan. Pero ako...pero ako, i-ikaw lang talaga. Ikaw lang p-parin talaga ang mahal na mahal ko. Mula noong bago ako mawalan ng malay h-hanggang sa muling pagmulat ko ng mga mata, ikaw lang. Ikaw lang ang palaging hinahanap nito." mahabang usal nito na itinuro ang kanyang dibdib habang hindi parin tumitigil sa paghikbi.

Tiim ang bagang na nakatitig lamang ako sa malungkot nitong mukha. And when she closed her eyes, my feature soften. Magsasalita pa sana itong muli pero inunahan ko na ito.

"Leyla."

Dahan-dahang nagmulat ito ng mga mata at tumitig sa akin. Hindi ko na kasi kaya ang para bang mga pino-pinong pagkurot sa puso ko. Nasasaktan ako na makita itong nasasaktan at nahihirapan.

Itinaas ko ang aking kanang kamay sa kaniyang basang pisngi at marahan itong pinunasan bago ito tinitigan sa mga mata.

"Lori and I already broke up. We're done, Leyla. W-wala nang Lori sa buhay ko."

Pagkatapos sabihin iyon ay napansin ko ang panlalaki ng mga mata nito. She looked shock at kahit saglit lang ay napansin ko ang pagdaan ng pag-asam sa kanyang mga mata bago ulit ito napalitan ng lungkot at sakit.

"P-pero mahal mo pa, hindi ba?" she nervously asked.

Napayuko ako at napabitaw sa kanyang pisngi. Mahal ko pa ba? Kasi sa mga oras na ito, litong-lito na ako sa mga nararamdaman ko.

Sa lahat ng mga nalaman ko, para bang mas higit pa akong nasaktan sa mga nangyari kay Leyla. Para bang mas higit pa ang sakit na malamang wala itong kasalanan na ilang taon itong nawala kumpara sa paghihiwalay namin ni Lori. Si Lori na biglang nawala sa isipan ko simula nang muli kong makasama si Leyla.

At sa mga oras na ito, napagtanto kong pareho kaming mga biktima ng mga pangyayaring hindi namin ginusto.

Pakiramdam ko biglang nalusaw at naglaho lahat ng mga hinanakit at galit sa puso ko para dito.

"Hindi mo na kailangang sagutin pa, George."

Muli akong napatingala sa kanyang mukha at bigla akong nagsising hindi ako nakasagot agad nang makita ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

I noticed her bit her lower lip to suppress her emotions. And when my gaze went to it, it takes every fiber of my being to stop myself from leaning in and kiss her soft and red lips.

Tumikhim ako at nagpapasalamat na naialis ko pa ang pagkakatitig sa nakakaakit na mga labi nito. "Ley-"

I mentally cussed in frustration at napatingin sa side table nito nang biglang mag vibrate ang kanyang phone na nakapatong dito.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now