Kabanata 10 - Tour

28.9K 1K 706
                                    

It's been three months now since the second sem started, one month na lang at magtatapos na talaga ako. Finally!

I already completed my practice teaching at sa nakalipas na buwan ay walang pinagbago ang set up namin ni Miss Leyla. Ako na palagi itong kinukulit at ito naman na palaging mainit ang ulo sa akin.

I was texting Flare kung nasaan na ito dahil silang dalawa na lang talaga ni Miss Ven ang hinihintay. May educational tour kami ngayon kaya maaga pa lang ay nandito na kami sa school.

"Where is your friend, Miss Amanda?" napalingon ako kay Miss Zabuel nang magtanong ito. Salubong ang kilay nito na nakatingin sa akin ngayon at mukhang naiinip na. Luh, makatingin parang kasalanan kong wala pa yung bestfriend ko?

Hindi ko parin talaga makalimutan yung araw na nakita ko ang mga ito na magkasama sa sasakyan ni Miss Zabuel. Simula nang araw na yun, palagi ko nang tinutukso si Flare dito. Pero lately, I stopped na din kasi pakiramdam ko nag-iiwasan ang dalawa. I just know may something talaga sa mga ito na hindi ko alam eh.

Napakamot ako sa ulo nang hindi nito inaalis ang tingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. "Hindi pa po nagrereply, Ma'am eh." matapos sabihin yun ay naagaw ang pansin namin nang dumating ang sasakyan ni Miss Ven.

"Ayan na pala eh. Kasama naman pala si Miss Ven." singit ni Kate.

"Hala beh, sila na ba?" narinig kong malakas na tanong ni Arkiela.

Siniko ko ito nang mapansin na sinamaan ito ng tingin ni Miss Zabuel.

There's definitely something going on between them base sa reaksyon nito.

Mapapa sana all na lang yata ako nito eh. Miss Leyla, when? Galaw-galaw din kasi, mamaya maagaw pa ako. Ang bagal eh.

Kunot-noo akong muling tumingin sa sasakyan ni Miss Ven dahil ang tagal nilang lumabas, ano ba ginagawa ng dalawang yun sa loob? Nagwawarm-up pa ba?

I saw Miss Zabuel impatiently walked towards them and later on ay lumabas na din.

Napangiti ako ng malawak at habang papalapit ito sa akin ay sumigaw ako.

"Babyyyyy, you're here na. Ang tagal nyong lumabas ng kotse ah! Anong ginawa nyo ha??" tukso ko dito at ngumisi dito na ikinairap naman nito.

Napansin kong napalingon ang ibang mga estudyante sa amin dahil sa lakas ng boses ko. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang paglingon ni Miss Zabuel sa direksyon namin at ang muling pagsama ng tingin nito.

Mmmmm, mamaya ka talaga sa akin Flare! Ang fishy na eh!

"Tumahimik ka nga! Ikaw yang boses mo talaga ah." Malakas akong hinampas nito sa braso na ikinangiwi ko nang akmang yayakapin ko ito.

"Aray! Kaano-ano mo ba si Alyssa Valdez at ang lakas mong manghampas ha??" reklamo ko dito at nakanguso na hinihimas ang brasong hinampas nito.

Napairap itong muli at marahang tumawa.

Matapos nitong tumawa ay napansin kong napatingin si Flare sa likod ko kaya napalingon na din ako dito.

Napakurap-kurap ako at awang ang bibig nang mabistahan si Miss Leyla na nakangiting papunta sa direksyon namin.

She looked so exquisite right now. Ang ganda nito sa suot na white floral dress na tinernohan nito ng light brown sandals. Nakakainlove talaga, gosh! Wala na, hulog na hulog na talaga ako.

Good Lord, ibigay mo na sana sa akin ang babaeng 'to. Promise talaga hinding-hindi ko sasaktan at pababayaan 'to.

Pagsisilbihan ko ito mula ulo hanggang paa. Ako ang maglalaba, magluluto, at mag-aalaga ng mga magiging anak namin.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now