Kabanata 19 - George

29.6K 1.1K 322
                                    

(Leyla Vain Ventura)

"Miss Leyla?" mahina kong tinapik ang pisngi nito at nang wala itong reaksyon ay luminga-linga ako sa paligid. Nang wala akong makitang pwedeng hingan ng tulong ay walang pagdadalawang-isip na binuhat ko ito. Buti na lang talaga ang gaan lang ng propesor kong 'to kaya hindi na rin ako nahirapan na buhatin pa ito.

Dahan-dahan kong ipinuwesto ito sa passenger's seat at bahagyang inihiga ang upuan para mas maging komportable ito. Nang maikabit ang seatbelt dito ay mabilis na umikot ako sa driver's seat pero agad din akong natigilan. Shit! Saan ko iuuwi 'to? Hindi ko alam kung saan umuuwi si Miss Leyla! What should I do? Should I take her home?

I sighed and stared at her beautiful face. I have no other choice but to bring her home and take care of her. Siguro naman hindi ito magagalit kapag inuwi ko 'to sa bahay.

Sinulyapan ko muna ito saglit and goodness, bagay na bagay si Miss Leyla sa kotse ko. Pero mas bagay talaga sana kami kung hindi lang ako nito ni-reject agad eh. Liligawan ko pa sana ang babaeng 'to pagka-graduate ko. Kaso wala pa nga, olats agad.

I sighed and turn on my car's engine and decided to leave the place. Habang nasa byahe ay palinga-linga ako sa mapayapa nitong mukha, at ang masasabi ko lang, ang bait nitong tingnan kapag tulog. I mean, she's mabait naman talaga pero mas nagmumukha itong anghel kapag tulog. Syempre, given na yung maganda talaga ito.

Nakarating ako ng bahay at buntong-hininga nang makitang wala na namang katao-tao sa loob. Isang buwan na noong huling uwi dito ni Daddy dahil out of the country na naman ito at ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Naging busy din siguro sa babae nito na hanggang ngayon hindi pa ipinapakilala sa akin.

Muli kong binuhat si Miss Leyla at kahit na hirap na hirap sa pag-akyat ng hagdan ay maayos ko naman itong nadala sa kwarto ko.

Maingat ko itong inilapag sa aking kama at kinumutan. Muli kong sinalat ang leeg at noo nito at sobrang init parin talaga nito kaya pumasok ako ng banyo para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ako ng banyo dala-dala ang mga pampunas ko dito at nang makalapit sa kama ay pinagmasdan ko ang anyo nitong natutulog. She's still pale at medyo nanginginig din ito kaya hininaan ko ang aircon sa kwarto at kumuha na din ng pangbihis nito.

Umupo ako sa gilid ng kama at marahang hinawi ang kumot na nakatakip sa katawan nito.

"Miss Leyla?" I slowly called.

She just hummed and raised her hand to reach for the blanket kaya hinawakan ko ang kamay nito para pigilan.

"Ma'am, kailangan kitang punasan para kahit papaano bumaba ang lagnat mo."

"It's cold." mahinang usal nito.

"Mabilis lang po ito, Ma'am. It'll be quick, okay?"

She just hummed at sa tingin ko ay muli itong nakatulog kaya kahit na nagdadalawang-isip ako dahil baka pagalitan ako nito ay marahan kong idinampi ang bimpo sa mukha nito.

I gently wiped her face down to her neck. At habang pinupunasan ko ito ay hindi ko mapigilang titigan ang napakaganda nitong mukha. Ang ganda talaga ni Miss Leyla. Sobrang ganda na hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang itong iniwan ni Denise noon para lang ipagpalit sa isa pang propesor. Hanggang ngayon, iniisip ko parin kung bakit napakadali dito na saktan si Miss Leyla. Masungit man ito minsan pero hindi parin makakaila na napakabuti nitong tao. She doesn't deserve to be hurt. She deserved to be loved.

Marahan kong hinaplos ang mukha nito at malungkot na ngumiti. "If only you'd given me the chance to show you how much I love you, I will never hurt you. I will never get tired of loving you. Pero tanggap ko na. Tanggap ko nang hindi ako ang mahal mo. Tanggap ko na may ibang nilalaman ang puso mo." I softly whispered.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now