Kabanata 43 - Move-on

27.1K 1K 1.1K
                                    

"Leyla? Leyla Ventura is your client? Not Lorraine?" naguguluhang tanong ko sa nagtatakang abogado na nasa harap ko.

"Yes, Miss Muriedo. Why?"

"But..." napahinto ako nang matigilan.

"Attorney, does it mean L-leyla was the one who helped me with my debt? H-how about my father's company?"

Mr. Ramirez smiled. "I think it's better if you'll talk to her friend, Miss Charlotte de Leon, Miss Muriedo. Since my client's not here today."

Sa pangalawang pagkakataon ay natigilan ako. Friend? Did I heard it right?

"W-where's Miss de Leon, Mr. Ramirez?"

"Oh, kagagaling ko lang sa office ni Miss Ventura. Nandoon sya. Anyways, I have to go now, Miss Muriedo."

Tumango ako dito nang magpaalam ito sa akin. Hindi ko alam pero para akong naglalakad na hindi alam kung saan ang direksyon na pupuntahan dahil sa mga impormasyong nalaman ko.

Kaya ba noong hinalikan ko si Lori sa mismong harapan ng abogado para pasalamatan sya ay nailang ito? Dahil hindi naman ito ang tumulong sa akin? Dahil hindi naman talaga sila magkakilala at magkasama nang panahong iyon?

Why did she lie? All along ibang tao ang tumulong sa akin at hindi ang dating kasintahan? Goodness!

Minutes later, namalayan ko na lang na humahakbang ang mga paa ko patungo sa office ni Leyla kung nasaan ngayon si Miss Charlie.

I need to talk to her, dahil kapag hindi, baka sumabog na ang utak ko sa dami ng mga tanong na nasa isip ko.

Nang makarating sa harap ng opisina ni Leyla ay agad akong kumatok. Kinakabahan man sa mga pwedeng malaman ay hindi na ako pwede pang umatras. I need to know everything. Si Leyla ba talaga ang tumulong sa akin? Bakit? Bakit nito gagawin ang mga iyon?

Napataas ako ng tingin nang marinig ang pagbukas ng pinto at ang gulat na mukha ni Miss Charlie ang bumungad sa akin. Dahil hindi ko alam ang sasabihin ay alanganin akong ngumiti dito.

"Good morning, Miss de Leon." I greeted.

"What do you want? Leyla is not here-"

"I wanted to talk to you." putol ko sa sasabihin nito.

Natigilan naman ito at pinakatitigan ako ng mabuti. Pagkatapos ng ilang sandali ay buntong-hininga itong niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Come in." usal nito at saka mabilis na tumalikod.

Humakbang ako papasok sa loob at kahit hindi pa nito sinasabi ay umupo na ako sa couch na kaharap ng kinauupuan nito.

"What do you want, Miss Muriedo?" seryosong tanong nito na sinalubong ang mga titig ko.

I cleared my throat at umayos ng upo.

"I just wanted to know, may...may alam ka ba kung sino ang tumulong sa akin para mapaliit ang babayaran ko sa pagtubos ng bahay at lupa? Alam mo ba kung...kung may kinalaman ang asawa mo tungkol doon? Because I just found out na abogado ni Leyla ang pumunta sa bahay na tumulong sa akin para mabawi ang bahay at lupa." kinakabahang tanong ko.

She just stared at me and after a while, she chuckled amusely.

"Bakit mo sa akin yan tinatanong, Miss Muriedo? At kung may alam man ako, sa tingin mo ba may karapatan akong sabihin iyon sa iyo? Sabi mo nga abogado ni Leyla 'yun. So hindi ko obligadong magsabi ng impormasyon sa iyo."

Laglag ang balikat at awang ang bibig ko nang marinig ko ang sagot nito. Mukhang wala nga talaga akong makukuhang sagot mula dito. Bakit ko pa ba naisipan na sya ang tanungin eh dati pa lang mainit na ang dugo nito sa akin.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now