Kabanata 27 - Frogs in my stomach

28.4K 1.2K 1.3K
                                    

"What are you doing here, you bitch?!" salubong ang kilay kong sigaw dito.

Akala siguro nito nakalimutan ko nang ito ang dahilan kung bakit nalunod ang bestfriend ko at ito din ang nag pakalat ng video ni Miss Zabuel.

"Amanda!"

Napalingon ako sa papababang pigura ni Dad mula sa hagdan at mas lalo pang nagsalubong ang kilay ko nang may makitang isang babaeng nakakapit sa braso nito.

She was young, maybe a little too young for my Dad. She was wearing a revealing red dress na hapit dito at kitang-kita ang cleavage. She has a wavy dark brown hair and a very red lipstick on her smirking lips.

Binawi ko ang tingin dito nang magtama ang aming mga mata at ibinalik sa nakatayong chararat na nasa harapan ko.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito, Dad?!" nanggagalaiting tanong ko at sinamaan ng tingin ang nakangising si Denise.

"Lower your voice, Amanda! And she has a name!" nagbabanta ang mga mata nito sa akin.

"I don't care, Dad! Hindi welcome dito ang babaeng yan! Bakit--"

"Shut up, Amanda Georgina! Don't disrespect my visitors like that dahil sa mga susunod na buwan ay magiging parte na din sila ng pamilyang ito!" galit na singhal nito sa akin.

"W-what?! Are you serious?!"

Dahil sa sinabi nito ay unti-unting gumagapang ang galit sa sistema ko.

"I am serious, Mandy. From now on, Victoria, my fiancee and her sister Denise will live here with us. So respect my fiancee, respect Denise, and respect my decision."

I know my ears and face were getting red right now because I am fucking mad to what my father had just said.

And I know kapag nagtagal pa ito ay bubuhos ang luha ko sa sama ng loob dito. Ni hindi nya nga ako tinanong man lang sa mga naging desisyon nya lalo na involved ang pamamahay ko...na pamamahay ni Mommy na sa akin nya ipinangalan.

Wala bang sariling mga bahay ang mga ito at dito pa makikitira sa ipinundar ng Mommy ko?!

Galit na nilingon ko si Daddy. Habang tumatagal, mas lalo lang nawawala ang respeto ko dito dahil sa mga pinagagawa nito.

"Are you freaking serious right now, Dad?! This is MY house! My house, Daddy!! Papatirahin mo ang babae mo dito sa pamamahay na si Mommy ang nagpundar?! Na si Mommy ang gumastos?! Kung meron mang may karapatan sa pamamahay na 'to, ako yun! So you should be the one to respect my decision kung ayaw kong may tumirang iba dito!" sigaw ko at alam kong namumuo na din ang mga butil ng luha sa mga mata ko.

"You better stop now, Amanda--"

"Hon, awat na. Give your daughter a time to adjust. I know nagulat sya sa naabutan ngayon, pag-usapan nyo na lang ulit ito kapag malamig na ang mga ulo nyo, okay?" putol nito sa sasabihin ni Daddy at hinaplos pa ang mga braso nito then she sexily walked towards me.

"I'm so sorry if we moved here without asking for your permission, sweetie. Masyado lang din kasing mabilis ang mga pangyayari. My house was robbed and your Dad offered to help and let me stay here for the meantime habang nagiinvestigate pa ang abogado ko." while she was talking, she held my arms slowly caressing it up and down.

"Don't touch me!" agad kong inalis ang kamay nito sa braso ko at sinamaan ito ng tingin. Kung akala nito ay makukuha ako nito sa mga pa sweet nito, pwes, nagkakamali sya!

Kahit kailan, hinding-hindi ako papayag na dito sila tumira oras na makasal sila ni Daddy. Tumira na sila kahit saan, huwag na huwag lang talaga sa bahay na pinaghirapan ni Mommy.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now