Kabanata 17 - Surprise!

28.7K 1.1K 432
                                    

"Hi, crushie!"

"Good morning, baby Mandy!"

"Notice me, Amanda!"

Pakaway-kaway na naman ako at nakangiting tumatango habang naglalakad sa gitna ng hallway dahil nagkakagulo na naman ang mga fans ko mabati lang ako. Hindi ko naman kasi sila masisisi eh. Hay. Ang ganda-ganda ko talaga!

It's Monday morning at naglalakad ako ngayon patungo sa gilid ng field kung saan kami tumatambay ng mga preschool peeps. Ang sariwa kasi ng hangin doon dahil sa malaking puno ng mangga kaya naging tambayan na din namin ang lugar na yun.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang ngumingiti at tumatango sa mga nakakakilala sa akin nang may mapansin ako. Salubong ang kilay ko nang mapadako ang mga mata sa nagkakagulong mga estudyante at nagkukumpulan na tila may pinapanood. Anong meron? May bagong pinagchichismisan na naman ba ang mga Marites?

"Beh!" napapitlag ako nang may tumapik sa batok ko.

"Oh?" sagot ko kay Jady nang makita kong ito ang tumapik sa akin. Pasalampak akong tumabi dito at hindi pa man ako nakakaayos sa pag-upo ay inilapit na nito ang phone sa mukha ko.

"Ano ba, baccla?! Atat yan? Saglit kasi!" singhal ko dito dahil ang sakit sa mata ng phone nito. Parang phone lang ni Daddy na naka 100% yung brightness!

"Tingnan mo dali! Jusko dai, nakakaloka!!"

Inis na kinuha ko ang phone dito at nanlalaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang nasa video. What the fuck?! What the hell?! Ano 'to?! Oh gosh!!

Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko sa napapanood. Goodness! Sino ang walang puso na gagawa nito kay Miss Zabuel?! What the fuck!!

Pagkatapos kong isinauli kay Jady ang phone ay mabilis kong tinext si Flare na pumunta kaagad dito. She needs to see this! Gosh! Sino naman ang bastos na babaeng yun ang gagawa nun sa propesor namin?!

An hour after I texted her ay dumating na din ito at alam kong pansin na din nito ang nagkakagulong mga estudyante sa University. I took Jady's phone at agad na pinakita kay Flare ang video. Just like me, gulat din ito sa nakita at hindi na pinatapos pa ang panonood dito.

I called her when she just run without saying goodbye at naiintindihan ko naman ito. I knew that there's something going on between them. Hahayaan ko na lang muna ito na i-comfort si Miss Three ngayon. Alam kong kailangan ito ngayon ng propesor namin, lalo na galing kay Flare.

Nagpaalam na din muna ako kina Jady na aalis at pupuntang Library. Doon na lang ako maghihintay dahil alas onse pa naman ang meeting namin na mga officers. Yep, isa ako sa mga officer ng buong graduating students, hindi lang talaga halata.

Noong nakaraan kasi before our tour ay nag botohan kami para na din sa paparating na graduation practice namin at ako ang binoto nila as Muse. Charot! Vice President talaga ako ng mga graduating students kaya kailangan kong maging responsible student. Pero matagal naman na akong responsableng estudyante.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at papaliko na ako sa isang pasilyo nang bigla akong napatigil. Napakunot-noo ako nang makitang may isang pamilyar na pigura ang lumabas mula sa office ni Miss Leyla. She was smiling widely at hindi nagtagal ay sumunod na lumabas  mula sa office si Miss Leyla na nakangiti din at mukhang nag-uusap ang mga ito.

What is happening? Noong Friday evening lang sila nagkakilala ah, tapos magkasama na sila ngayon? At bakit parang close na close na? Anong ginagawa dito ni Charlie?

I instantly closed my eyes nang makitang inalalayan ni Charlie si Miss Leyla na nagpangiti naman sa huli at nang mapansin ko na papunta sila sa kung nasaan ako ay mabilis akong tumalikod at bumalik kung saan ako dumaan kanina. But before I could even turn left, I bumped into someone.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now