Kabanata 12 - Riley

27.8K 995 573
                                    

(Amanda Georgina Muriedo)


Habol ang hiningang umahon ako sa putikan pagkatapos lumusong para hanapin ang kahon na naglalaman ng susi. Ito kasi ang nakatoka sa akin kaya yun lang din ang gamit na hinanap kong nakabaon sa ilalim ng putikan.

It took us, the team Math, a total of 8 minutes to find all of the things that we need to be completed. Nalampasan namin ang team English na natapos within 12 minutes.

Scavenger Hunt was our last activity for today at pangatlong araw na din namin ngayon dito sa Paraiso de Santillan.

I was excited to finish this activity dahil gustong-gusto ko na din talagang mag relax. Miss Zabuel promised us na after today, specifically this activity ay free na kami at sa susunod pang dalawang araw just to relax and enjoy the place kaya eto ngayon, sobrang relief na tapos na din ako. Sobrang napagod ako today dahil sa dami din ng mga ginawa namin.

Nilinga ko ang paligid para hanapin si Flare at nakita ko ito na kasama sina Adi at Arkiela na ngayon ay nagre-ready na dahil sila ang susunod. Magkaiba kasi kami ng team at nasali ako sa mga Math major students.

Kinuha ko muna ang bag kong may lamang towel, mga damit pambihis at panligo bago muling tumingin sa gawi nina Flare.

Ngumuso ako kay Adi na parang itinuturo si Flare nang makita ako nito kaya siniko nya ito dahilan para mapatingin sa akin ang bestfriend ko.

I mouthed "shower" at itinuro ang maputik kong katawan kaya napatango ito at nag "okay" sign sa akin.

Ngumiti ako dito bago tumalikod at nagsimula nang humakbang papuntang shower room. Sa kamalas-malasan, sa pagliko ko sa isang pasilyo ay may nakabangga pa akong isang bata na paliko din sa gawi ko.

I groaned in frustration when the kid just stared at me at parang walang nangyari na nagpatuloy sa paglalakad. Walang-galang sa nakakatanda!

Inis na tiningnan ko ang mga nagkalat kong gamit sa semento at napabuga ng hangin. Puno pa naman ng putik ang mga kamay ko. Kainis!

"Need help?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko at mabilis na napasulyap dito.

Awang ang mga labing napatitig ako sa nakangiting si Miss Marie na ngayon ay nakatayo na sa harap ko at nakapamewang.

"Miss Marie!" usal ko nang makabawi sa pagkabigla.

Napahagikgik ito matapos kong tawagin ang pangalan nito kaya kunot-noo akong napayuko dito nang isa-isa na nitong pulutin ang mga gamit ko mula sa lapag.

She put all of my things inside my bag at nakangising inabot sa akin ito.

"Thank you." pagpapasalamat ko dito.

"Welcome!" then she smirked again.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Pinipigilan ko na lang din talaga na wag mainis dahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan ako nito.

She chuckled and move towards me. Mahina akong napasinghap nang tumaas ang kamay nito at hinawakan ang pisngi ko.

I thought she would caress my face but it turns out na tinatanggal lang pala nito ang putik na nasa mukha ko, pati na ang nasa kilay at gilid ng lips ko.

Bahagya akong nailang nang tumitig ito sa mga mata ko at ngumisi.

"So your friend didn't tell you, I see." she looked amused.

"Tell me what, Miss Marie?" nalilito na talaga ako. Pasalamat talaga 'to at tinulungan ako nito eh, dahil kung hindi kanina ko pa nilayasan ang babaeng 'to.

She bit her lower lip to suppress her laugh. "My name." sumunod ang mata ko sa pagkagat nito ng labi dahil, damn para itong nang-aakit!

Gosh, Mandy stop! Loyal ka kay Miss Leyla--no, not loyal but faithful. Tssss!

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now