Kabanata 18 - I hate you

31K 1.1K 650
                                    

(Amanda Georgina Muriedo ft. ang pinagmamalaki nyang alaga)

"What do you mean?"

Riley smirked and pulled me towards the library. "I'm making your woman jealous. I told you before, she likes you, Mandy.

"I doubt, Rai. I told you before too, she likes my bestfriend." sabi ko habang nagpapatianod sa paghila nito.

Tumigil ito sa paghila sa akin at saka humarap kaya napatigil din ako. She's looking at me na para bang sinusuri ang kaloob-looban ko.

"Nah!" ngumisi itong muli at saka tumalikod at ipinagpatuloy ang paghila sa akin.

"Saan ba tayo pupunta? May meeting pa ako, Riley!"

Hindi ito nagsalita at patuloy lang sa paglalakad. I roamed my eyes around the library at napakunot-noo ako nang binabaktas namin ang pamilyar na daan kung saan gaganapin ang meeting namin. Nang nasa harap na kami ng pinto ng conference room ay binitawan na ako nito at muling humarap sa akin.

Ngumisi ito at inayos ang collar ng polo shirt ko at pagkatapos ay inilagay ang mga kamay sa magkabilaang balakang ko. "Get inside, Miss Muriedo." she commanded and before she left, she kissed me on my cheek.

Nagtataka man sa pagbabago ng pagtawag at galaw nito ay sumunod ako. I slowly opened the glass door...wait! Glass door? Glass door nakikita ko...right? Ito yung conference room na hindi kita sa loob pero sa labas......walanghiyang Riley!!

I gulped and bit my lower lip because when I opened the door, a cold and grim expression of Miss Leyla greeted me who's now sitting on her seat. Binawi ko ang tingin ko dito dahil bigla yata akong kinabahan sa pagkakatitig nito. Nakita kong nakangisi din ang kaibigan ko na si Arki at mukhang alam ko na kung bakit.

Ngumuso ito sa katabing upuan nito na bakante kaya marahan akong lumapit dito na hindi na muling tumingin sa gawi ni Miss Leyla.

"Akala ko kay Miss Andy kita ishi-ship eh. Anong meron sa inyo nung bagong professor ha?" bulong ni Arki sa akin nang makaupo ako. Siniko pa ako nito kaya sinamaan ko ito ng tingin na muli nitong ikinangisi.

"Pero infairness, bagay kayo." humahagikgik nitong pahabol.

"Ang ingay mo--"

"Let's start!" a cold voice interrupted me kaya napaayos kami ng upo ni Arki.

Miss Leyla stood in front at ang unang naagaw ng pansin ko ay ang pang-upo nito. She's wearing a tight skirt na katulad din nang suot ni Riley kanina kaya nae-emphasize talaga ang pang-upo nito. Maumbok talaga ang pwet nya mga vebz. Ang sexy! Juskopo!

"Since Miss Zabuel is not here....."

Nang ibalik ko ang tingin sa mukha nito ay nagulat pa ako nang magtamang muli ang aming paningin. She was looking intently at me while discussing something and I am not sure if what I saw was right, but when she turned around, I saw her slightly smirked.

Tumikhim ako ng mahina at nang muli itong humarap sa amin ay may napansin ako. Bahagya itong namumutla dahil hindi naman ito nagmemake-up. She has a natural beauty na kahit walang make-up ay sobrang ganda parin nito, kaya nga pansin ko ang pamumutla nito. Is she okay?

She continued to discuss our responsibities for today dahil bukas nga ang simula ng aming practice. After our meeting ay dumiretso na kami sa kani-kanya naming mga gagawin. Since niluklok nila akong Vice President of External Affairs, nandito ako ngayon sa office ni Miss Leyla kasama si Alfred na aking Secretary. Nandito lang naman kami sa visitor's area na 'to at si Miss Leyla ay nasa mismong office talaga nito.

The two of us were discussing kung sino ang mga puwedeng kuning sponsor ng aming graduation ceremony and so far so good naman. He's good on his ideas and thoughts kaya nagkakasundo kami.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now