Kabanata 37 - Home

23.9K 1K 837
                                    

"M-miss Andy?" hindi makapaniwalang usal ko nang mapatitig sa mukha nito.

Mabilis akong tumayo at inalalayan ito when I heard her groaned in pain. I immediately checked her body and head kung may sugat ba itong natamo at napahinga ako ng maayos nang wala akong makita.

"I'll repeat, Mandy. Anong ginagawa mo dito sa lugar na ito sa dis-oras ng gabi?!" galit na singhal nito nang makatayo ito ng maayos.

Napalunok ako nang makitang galit nga ito base na din sa masamang tingin nito sa akin.

"Don't tell me may balak kang magpakamatay?! Tatalon ka ba ng tulay?! Bakit ha?! Sa tingin mo kapag tumalon ka, mawawala na lahat ng problema mo?! Dadagdagan mo lang, Amanda Georgina Muriedo!" pasigaw parin nitong sabi at nang matapos ay hinihingal na inayos ang kanyang basang buhok.

Tila ba nakalimutan ko saglit ang mga problema ko nang marahan akong natawa. Dahil kasi sa mala-anghel na mukha nito, hindi bagay ang galit na ekspresyon sa mukha dito.

Miss Andy has a soft features na kung tititigan, masasabi mong mabait at mahinhin. Kaya nga ang cute nya ngayong pagmasdan sa galit na mukha.

"Now you're laughing at me?" salubong ang kilay nito saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

I bit my lower lip to suppress my laugh and diverted my gaze somewhere else. Dahil kasi sa pareho na kaming basa, nakikita ko na ang bassiere nito na bumakat na sa basang damit nito. Gosh! My eyes!

"Why are you here, Mandy?" narinig kong tanong nito ulit.

"I'm....I--"

"Wait. Hindi tayo pwedeng mag-usap dito sa gitna ng daan lalo pa at umuulan. Let's go to my penthouse. I really wanted to know what happened to you." usal nito saka ako hinawakan sa kamay at hinila palapit sa kanyang sasakyan.

Napatulala naman akong nakatitig lang dito. I studied her features and I was amazed. Apat na taon din kaming hindi nagkita at ni hindi man lang nagbago ang mukha nito. Mas lalo pa nga itong gumanda at sumeksi eh.

"Gusto mo bang sumakay na sa akin o convoy na lang?"

Napabalik ang atensyon ko nang marinig ko itong magsalita. Magjo-joke pa sana ako dito pero wag na lang. Hahahahaha

"Convoy na lang po tayo, Miss Andy. Hindi ko pwedeng iwan ang sasakyan ko dito."

Tumango ito saka ngumiti. "Just call me Andy. Hindi mo na ako professor ngayon, Amanda."

"Sige po."

"Sigurado ka bang kaya mong magdrive?" paninigurado nito.

"Yes po--"

"And scratch the po. Nakakatanda masyado eh."

I chuckled at what she said. Simula pa talaga dati, ang gaan nang kasama ni Miss Andy. Kaya ang bilis ko ding maging kumportable sa presensya nito.

Maya-maya pa ay lulan na kami pareho ng mga sasakyan namin. I was following her car papunta sa penthouse nito na pamilyar ko na din.

Nahatid ko na ito noon kaya natatandaan ko pa naman ang daan papunta sa lugar nito.

Nang makarating ng penthouse ni Miss Andy, she lent me her clothes dahil pareho kaming nabasa sa ulan at pagkatapos noon ay nagsimula na itong magtanong nang makaupo kami sa sofa nito.

I told her everything. Wala akong iniwan na kahit isang detalye sa kanya. I told her my Dad's death which she replied with a condolences. At nang ikwento ko dito ang ginawa ni Daddy tungkol sa kumpanya at sa bahay, gulat na gulat itong napatitig sa akin.

Higit isang oras din kaming nag-usap tungkol sa mga problema ko nang mapatulala ito.

"Miss Andy?" tawag ko.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now